Chapter 8:
Ako si Alex, 16 years nang nagpapakaweirdo, nainlab sa isang babae na nagpapasaya sakin, kasalukuyang nakatira sa Albany, New York. In a relationship with Christelle Marie S. Gutierrez, ang babaeng first love ko, niyayakap ko ng mahigpit, sinasamahan ko matulog at manood ng movie, kinikiliti ako sa leeg, tinatapik ko ang balikat niya. Masaya siya kasama.
Yan si Alex, sweet niya talaga, complete pa ang pangalan ko.
8:30 ng umaga, nagising kami pareho ni Alex, nagulat ako sa ginawa ni Alex, nagsulat siya sa kamay niya ng “CMSG” full name ko. So, nilagay ko sakin, “IloveAlex”. Nagising siya at nakita niya ang kamay ko, hinalikan niya ako sa labi ko, ramdam ko ang kasiyahan niya pag kasama niya ako.
9am umuwi na siya sa bahay nila, wala kasi tao sa kanila, umalis na pala yung dad niya.
Mapuntahan nga si Frances sa kwarto niya.
“Frances” sabay binuksan ko yung pinto.
“Bakit?” yung boses niya parang maiyak iyak eh.
“Oh, bakit parang naiyak ka?”
“Si Liam kasi nasa ospital”
“Ano nangyari?” sa loob loob ko, nakarma siguro to.
“Nabugbog daw”
“Ikwento mo na kasi ng diretso”
“Nung pala kahapon, nabalitaan ni Tim na naging kami ni Liam, tapos inabangan niya sa labas si Liam tapos una binato daw siya ng malaking lens, tapos natumba siya, since mabigat yung lens di agad siya nakaalis, tapos sinuntok na ng tuluyan ni Tim si Liam tapos nilagay ni Tim yung katawan ni Liam sa tabi ng Garden nila” maiyak iyak na kwento ng kaibigan ko, kaya nilapitan ko siya at niyakap ko para tumahan na siya. Mabait akong kaibigan, eh parang kapatid ko naman na si Frances eh.
So after that, tinawagan ko si Tim.
“Tim, explain me what happened”
“Di ko sinasadya yun, sorry talaga”
“Hindi yun eh, di mo naman kailangan gawin yon, mapili talaga tong best friend ko”
“Un na nga eh, masyado akong umasa”
“Kayong dalawa magusap dyan, kayong dalawa ni Frances” tapos binaba ko yung cellphone ko.
May tumawag sa phone ko, si Alex.
“Ikaw naman pumunta dito, lagi nalang ako napunta dyan” tapos dinagdagan niya ng tawa.
“Sige, para walang dayaan, punta ako dyan ng 3pm”
“Sige, iintayin kita honey, Iloveyou”
“I love you too Alex” tapos binaba na niya yung phone.
Since 11am na, makaligo na nga.
Pagkatapos ko maligo, sinuot ko yung favorite sweater ko kasi may kalamigan sa labas, and kumain na ako ng Lunch, nagpa-deliver si mommy ng KFC, matagal tagal ko na din kasing nirerequest sa kanya to, since excited, nauna na ako kumain, si Frances nag eemote pa ata.
1pm, nagtoothbrush ako at binuksan ko ang iBook ko, ayun nagbasa basa muna ako ng mga chapters ng Peter Pan, okay, ako na isip bata.
Mga makalipas ng 2 hours may sumundo sakin, si Alex, pinasan niya ako palabas ng kwarto papunta sa kanila, dinala niya ako sa kwarto niya.
“Dito ka naman matutulog kasama ko” sinabi niya na may sweet na boses.
So nanood kami ng movie sa iPhone niya, nagdownload pala siya bago siya umalis kahapon, pinanood namin “Rio” tsaka “The Grudge 3”.
Naenjoy naman namin, di ko napansin na 7pm na pala, tapos itinabi niya yung iPhone and niyakag niya ako sa labas ng kwarto, nagluto pala siya ng mashed potato tska soup. Magaling pala to magluto, pagkatapos namin kumain, dinala niya ako ulit sa kwarto.
Kumanta siya ng “Hero” favorite ko to eh, kanta ni Sterling Knight, ang cute niya kumanta, sumandal ako sa kanya habang kumakanta siya, hanggang sa matapos yung kanta, hinalikan ko siya sa labi. And then humiga na kami para matulog.
Naramdaman ko ang saya tuwing kasama ko siya, kaya niyakap ko siya, niyakap niya din ako at hinalikan niya ako sa cheeks at tinatapik niya yung balikat ko.
Bigla kong na-alala yung movie na pinanood namin yung may multo, akala ko nandun yung bata sa sulok ng kwarto, kaya niyakap ko si Alex at sinabi ko sa kanya “natatakot ako, baka nandun yung batang maputi sa sulok ng kwarto”
“honey wag ka matakot, nandito naman ako eh” tapos niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa cheeks para di ako matakot.
So natulog kaming dalawa ng magkayakap.
Kinabukasan…
Nagtext si Frances,
“Telle, punta tayo ospital, kung gusto mo isama mo si Alex” nabasa pala ni Alex yung text ni Frances.
“Sige sasama ako, samahan kita Christelle” biglang sabi ni Alex.
“Oh sige, sama kaming dalawa” reply ko kay Frances.
Umuwi muna ako para mag ayos, and then sinundo ako ni Alex, kasama ko si Frances.
“Frances, Bakit tayo pupunta ng ospital?” tanong ni Alex.
“Bibisitahin ko si Liam”
“Ahh, sige”
And then naglakad na kami papuntang ospital. Malapit lang kasi eh.
Nag intay lang kami ni Alex sa labas ng kwarto kasi medyo badtrip pa si Alex kay Liam, biglang dumating si Tim sa ospital at biglang lumabas si Frances ng kwarto ni Liam, so nagkita sila at..
PAK! Yun ang pinakamatunog na sampal na narinig ko.
“Walang hiya ka, akala mo hindi ko malalaman?!” Pagalit na sinabi ni Frances.
“Ginawa ko lang naman yun kasi mahal pa rin kita, napamahal ako sayo, pero ano ginawa mo? Pinaasa mo lang ako” tapos sinampal ulit ni Frances si Tim.
“Sana di na lang kita nakilala, nagsisisi akong nakilala kita! Pero tatandaan mo, matinding Karma ang aabutin mo” sabay pasok ni Frances sa kwarto ni Liam at nag walk out si Tim, lahat ng nurse sa ospital nakatingin samin like “wtf”.
So kinausap ko muna si Frances nung tinawag ko siya para lumabas.
“Frances, di ka ba natatakot kung ano ang pwedeng gawin ni Tim kay Liam?”
“Siyempre natatakot, pero sana tigilan niya na kami”
“Hindi naman kasi basta basta tatahimik si Tim, napamahal kasi sayo yung tao” biglang dagdag ni Alex.
Those words, pwede palang tagapayo si Alex.
Tapos tumayo si Alex at hinila niya ako palabas ng ospital, kaya kumaway nalang ako kay Frances.
“Alex, bakit?” tanong ko
“Wala lang, di ko feel yung ospital”
Bigla akong napatigil sa paglalakad, tapos binalikan ako ni Alex, tapos pinasan niya ako, muka na kasi akong pagod maglakad, tapos hanggang sa paguwi hinatid niya ako papasok sa kwarto, and then dun ulit siya natulog samin.
Mga 3am nagising ako, may text sakin si Frances.
“Telle, sorry talaga sa nagawa ko sa ospital”
“Forgiven. Ikaw kasi eh”
“Sige matulog ka na, alam kong kasama mo si Alex”
“Okie”
And then nagising si Alex, sabi niya “Christelle” niyakap niya ako. “Tulog na tayo” sabi niya parang umiiyak siya nun eh. “bakit ka umiiyak?”
“Naalala ko kasi nung umalis yung mommy ko”
“Wag ka ng umiyak, nandito naman ako eh” tapos pinunasan ko yung luha niya, and niyakap niya ako.
“Tulog na tayo” and humiga na kami.
-END OF CHAPTER 8-