Chapter 21:
After 2 hours
“Mga tao, okay na po si patient, pwede na po siya umuwi” nung narinig ni Alex, bumangon siya para lang yakapin ako.
“Magaling na siya doc?”
“Oo naman hijo” lalong humigpit yung yakap niya sakin, kaya niyakap ko na din siya.
Mga 30 minutes inayos na ni Mommy Jess yung bills ko sa hospital.
“Nako mare nakakahiya naman sayo, hati na lang tayo sa bayad” sabi ng mommy ko.
Matawa tawang pumayag si mommy Jess.
Nakauwi na din, pero pag-uwi namin nina Alex, natulog agad ako, ewan ko paguwi ko bigla akong inantok.
Pagkatulog ko, naramdaman ko na may tumabi sa akin, si Alex.
“Bebe ko, okay lang yan. Nandito lang ako, di kita iiwan”
Kaya niyakap ko siya, napaiyak pa ako.
“Ikaw talaga, kayang kaya mo talaga ako mapasaya!” pinunasan niya yung luha ko, hihiga na sana kami kaso….
Dumating si Mommy Jess.
“Telle, Alex. May bisita kayo, si Tim at Frances”
“Ah mommy, papasukin niyo na lang sila dito” sabi ni Alex kay mommy Jess
“Pasok daw kayo dito, mamaya may Krispy Kreme donuts na dadating” kaya pumasok yung dalawa. May mga dalang SLR, yung Nikon ko noon nakatago na lang, total sentimental value ko yon, kasi dahil sa allowance ko for 3-4 years, naka-ipon ako ng pambili ng SLR (lol nahihiya ako kay daddy humingi).
Pagpasok nila, wow holding hands pa, sweeeeeeeeeeeeet!
“Kamusta naman” tanong ni Alex, habang nakaupo kami sa kama, pero umupo din kami sa sahig.
“Okay lang naman kami ni Tim” sagot ni Frances habang paupo kami sa lapag.
Hinalikan ako sa cheeks ni Alex, nagkatinginan yung 2 pa naming kasama sa kwarto.
Mamaya maya pumasok si mommy Jess, may dala dalang donuts. And Starbucks, puro Java Chip.
Java Chip kasi favorite naming 4. Kaya wag na kayong magtaka kung bakit un, tropa tropa talaga kaming 4 :P kami ang JavaChip4.
Speaking of JavaChip4:
“Thank you mommy” sabi ni Alex habang iniabot ni Mommy Jess samin yung box ng Donuts.
“Tara kaen” sabi ko sa 2 pa naming kasama ni Alex.
Kumain na kami. Mga 1 hour ang nakalipas, umuwi na din yung dalawa naming kasama.
August 15:
“Goodmorning Bebe ko, Ligo ka daw muna. Gagala daw family mo tsaka family ko”
“Goodmorning Bebe ko! Sige, maliligo lang ako, sunod ka pagkatapos ko” kaya pumasok na ako sa shower room.
Naligo ako and nagbihis, sumunod na si Alex.
Lumabas kami ng kwarto, nandun si Mommy ko, Frances, Tim, Mommy Jess tsaka daddy ni Alex.
Kung nagtataka kayo kung nasan ung daddy ko, umalis na siya last week, kasabay ni Tita Claire sa airport.
May pupuntahan kami? Saan kaya?
Dala ko yung SLR, which is manonood pala kami ng Sine, kaya pinatago muna naming 3 ung slr na dala namin buti pa si Alex, iPad lang dala niya x_x
Nanood kami ng Final Destination 5.