Chapter 3:
Natulog kami ni Frances ng sabay ulit. Di ako makagetover dun sa kanina =)
So I woke up 9am. I saw 1 message on my phone. It says “Can’t wait to see you Christelle”
So I smiled and replied, “Yeah, you too, can’t wait to see you again”
Kumain ako ng mainit na pancakes, tapos ginawang Syrup ng mommy ko. So naligo ako by 11:30am, kasi nag exercise pa ako pagkatapos ko kumain. Pagkaligo ko, nagbihis agad ako. Para salubungin ang lunch time. Lunch time naming ditto 12nn. So may tumawag nanaman sakin, sino pa nga ba. Ops, di pala si Alex, si Tim pala, di daw niya macontact si Frances, tinignan ko yung phone, nakapatay pala, tong babaeng to, nagpapatay kasi to ng phone bago matulog. Nakalimutan nya siguro buksan.
So kumain na ako, mashed potatoes, and vegetables, hay buhay. Nakakataba to masyado.
Pagkatapos kumain, nag basa muna ako ng stories. Pagkatapos ng ilang chapters, nag toothbrush na ako. And then nangalikot muna ng SLR. And nanood kami ng TV ni Frances. Wala lang bored kami eh.
And tumawag si Alex,
“Christelle, ano oras ka pupunta dito?” OH GOD, bulol nanaman siya, nakakatuwa naman oh.
“Hmmm, mamaya maya, excited ka siguro no?”
“Hmmm, Yes, super excited, I have to tell you something”
“Ano yon?”
“Mamaya nalang ho”with matching bulol pa.
Wow nag ho sakin, matanda ba ako? Hahaha . talaga tong si Alex. Nakakaloko.
“Telle, kamusta na kayo ni Alex?” Tanong ni Frances sakin kasi narinig niya si Alex.
“Okay naman kami Frances, eh kayo ni Tim”
“Okay lang din”
“Nakapatay daw yung phone mo kanina eh”
“Ay hindi, sinadya ko yon, medyo nainis kasi ako sa kanya kahapon”
“Bakit naman di mo sinabi sakin?”
“Ayoko na kasi muna pagusapan, nakakainis lang”
“Ano ba pinagawayan niyo?”
“May sinabi kasi siya, nung inakbayan niya ko”
“Ano yung sinabi niya?”
“Pwede bang maging friends muna tayo? Tapos pagdating natin sa Park, magka-away na kame”
“kaya pala sabi ni Alex sakin parang di kayo in good terms”
“tama si Alex”
“Kausapin na natin, kinukulit ako ni Tim eh”
“Sige na nga” binuksan ni Frances yung phone niya, ang daming missed call, 5 messages from Tim.
Puro Sorry nakalagay, ang sweet naman ni Tim, nage-effort talaga kay Frances.
Tapos nireplyan ni Frances, nakita ko kase eh, “Sige na nga, Sorry din ah masyado kong sineryoso yung sinabi mo”
Di kaya sila na? Kung sila nga, sana alam ko.
“Frances, magusap na kayo ni Tim. Aalis kasi ako”
“san ka pupunta Telle?”
“sa bahay nina Alex, ewan ko pinapapunta ako eh”
Siguro nasa isip ng kaibigan ko kami na ni Alex, nakangiti kasi siya hanggang sa umalis ako ng bahay. Pero hindi ah, friends lang kami ni Alex.
Paglabas ko nagulat ako may sumundo sakin, si Alex.
“Excited na ko sabihin sayo yung sasabihin ko” medyo di na siya bulol, pero cute pa rin.
“Oh sige, ako din eh, ano ba kasi yun?”
Tapos di siya nagsalita, may surprise daw siya saken. Dinala niya ako sa isang garden mga 9 steps pa ang lalakarin mo makalipas ng bahay nila.
Madaming bulaklak, puro Sunflower. Favorite ko kasi yun eh, dream ko noon ang makakita ng totoong sunflower, so bigla akong napayapos sa kanya, sa sobrang tuwa napaiyak ako. Tapos pinunasan niya ang luha ko. Pinaupo niya ako sa isang upuan, sa harap ng isang maliit na lawa na puro water lily. May binigay siya saakin na letter.
Christelle,
Ang cute mo, umpisa ng nakita kita sa supermarket, ang daming nabago sakin. Di na ako lonely, di na ako nagiisa simula ng iniwan ako ng kapatid ko, namatay kasi siya sa isang Car Accident nung lilipat siya ng lugar sa New York. Gusto ko lang malaman mo, malaking pagbabago sakin to, dahil sayo yun. Gusto ko magpasalamat sayo. Thank you, bumulong ka sakin ng hey para malaman mo lahat ng sasabihin ko sayo bukod dito sa letter na to.
-Alex.
So bumulong ako sa kanya ng “Hey”
“You mean so much to me, alam kong natutuwa ka sakin pag nabubulol ako sa tagalong, kaya kita dinala dito, dito kasi ako pumupunta pag may gusto akong sabihin sa isang tao. Kaya ito, I love you so much Christelle. Madaming nabago sa akin since then”
Those words, it make my heart melt.
“I, don’t know what to say Alex, malaki din ang nabago sakin nung nakilala kita. Napapangiti mo ko everytime na magkausap tayo, parang may special. I love you too Alex”
Ngumiti siya, parang wala ng bukas. So Okay na kame. Kamusta na kaya si Tim at Frances?
Sabay kami umuwi ni Alex, hinatid niya ako sa bahay, hanggang sa maisara ko yung pinto, dun palang siya aalis.
Tapos tumawag siya,
“Christelle, how about we go again tomorrow?”
“Like where?” tanong ko.
“A date, at a restaurant”
“I would like to go”
“I’ll pick you up at 6pm”
“Oh sure Alex”
And I smiled again, Frances pulled me at the room.
“Telle, kamusta na kayo ni Alex?”
“Okay naman kami. May date nga kami bukas eh”
“Swerte mo Telle, pero bati na kami ni Tim”
“Maigi yan, kamusta kayo?”
“Ininvite niya ako sa house niya bukas”
“Hmmm, ako sa restaurant eh.”
“Girls! Halika na, kumain na tayo ng Dinner.” Sigaw ni mommy.
Kumain kami ng Cheeseburger and Fries, si mommy ang the best gumawa ng burgers, si Frances naman may ginawang dip. Medyo spicy siya, pero super sarap.
Naenjoy naman namin, so nagtoothbrush na kame, and nag stay sa kwarto. Biglang tumawag si Tim kay Frances. (speakerphone sila)
“Frances, bukas ah wag mo kalimutan”
“Sige ba, bat ko naman kakalimutan yon? “
“Wala lang, miss you na Frances”
“Awww, Hahaha sige bye na”
Miss you na Frances, wow. Sweet naman nila.
So nanood kami ng movie, usually movie marathon kami ni Frances. Habang busy si mommy.
Nanood kami ng mga movie na dala ko. Meron pa nga sa Flash Drive ko eh.
Nagulat kame, mga 4 movies na napapanood namin, tapos 12:30am na agad, naenjoy kasi namen eh.
So natulog na kami ni Frances.
-END OF CHAPTER 3-
