Chapter 12a:
Ako si Tim, 17 years old, Albany, New York. Still single, pero may nililigawan, hopefully sagutin niya ako, nabusted ako nung una, pero inulit ko. Love ko si Frances Francisco, pero sana mahal niya din ako.
Tim Santos. Ang lalaking nakasabay namin sa Airport papuntang New York, as usual, nainlab si Tim kay Frances. May ugaling pagkaphotographer, medyo violent (kasi hinagisan niya si Liam ng lens), I’m pretty sure nabalitaan niyo yun.
-END OF CHAPTER 12a-
Chapter 12b:
In just 1 day natapos ko na yung Angry birds. Naenjoy kong kasama si Alex, tapos nakilaro din siya ng Angry birds.
Sana palagi kaming ganito, yung lagi kaming Masaya. – Alex.
“Alex, sorry talaga bigla kitang pinatawag”
“Hindi, okay lang. okay lang kasi umiiyak ka” tapos niyakap ko siya at nagpasalamat.
Yung oras na yon, lumindol. Medyo malakas, natakot ako, nagtaka siya bigla akong tumigil ng ilang minuto. Niyakap niya ako tapos tumigil kami for 6-10 minutes, pagkalipas ng 10 minutes, sabi ko “Alex, lumindol”
“Oo nga Christelle, lumindol, naramdaman ko” and niyakap niya ulit ako.
Binuksan ko yung iPhone ko, binigay ko sa kanya yung isang headset at yung isa sakin, niyakag ko siya sa sulok ng kwarto ko, nagsoundtrip, at inakbayan niya ako, yung ulo ko nakapatong sa balikat niya, since nakashuffle. I have no idea kung ano yung sunod na kanta.
Now playing: Porque by Maldita, may pagkaspanish yung kanta, which is walang makakaintindi saming dalawa. Makalipas ng ilang sandali,
Now playing: Just the way you are by Bruno Mars, napakanta bigla si Alex, medyo out of tune siya, ang cute niya kumanta, kaya niyakap ko siya at dun kami nakatulog. Di ko na alam kung ano yung sumunod na kanta.
Di ko namalayan na pumasok si Frances ng kwarto naming at nilagyan niya kami ng kumot, malamig kasi eh. Tapos narinig ko sumara yung pinto, nakalock pa nga eh, kaya natulog nalang kami.
Hinalikan ko siya sa cheeks, tapos natulog na ako. Di ko alam na may susi pala si mommy ng kwarto ko, pumasok siya don at pinanood niya kami habang natutulog. Pano ko nalaman? Kay Frances.
Mga 2am ng madaling araw nagising si Alex, binulongan niya ako, “nandito yung mommy mo sa kwarto” kaya nagising ako.
“mommy, nandyan ka pala” sabi ni Alex, nagulat ako mommy ang tawag niya.
“Alex, bakit mommy?” bulong ko sa kanya.
“Magiging mommy ko din yan” wow kinilig ako dun, tapos namula ako, and niyakap niya ako.
“nagpromise sakin si Alex, magiging mommy niya din ako someday”
Second month sa New York is almost ending. Mag t-third months na kami dito.
And natulog ulit kami.
Dumaan ang 2 weeks na almost samin na natutulog si Alex.
“Christelle, sabi ni daddy dito na daw ako sa inyo tumira. Si Daddy kasi mag s-stay na siya sa Florida, for good na daw. Nagkita na sila ni mommy eh, ayaw ako ipasama. Kaya pala umalis si mommy, dahil daw sakin” tapos umiyak siya.
Wala akong nagawa, niyakap ko siya, “wag ka na umiyak Alex, dito ka na lang samin. Baka maabuso ka lang doon” tapos pinunasan ko ang luha niya. Kaya umuwi muna siya para kunin yung gamit niya, and then naisip niya. Ako na lang daw ang lumipat sa kanila, tinanong ko si mommy. Okay lang sa kanya. Kaya ako nalang yung nag ayos ng gamit ko, tinulungan niya pa nga ako eh.
Kinabukasan nagising akong katabi ko siya, dun ako natulog.
“Happy 2nd monthsarry Christelle” narinig ko yung bulong niya sakin.
“Happy 2nd monthsarry Alex” bulong ko din sa kanya, pinalabas niya ako ng kwarto at nagluto pala siya.
Mashed potato tsaka KFC. Yum, busog ako. May ginawa din siyang soup, masarap din.
Tumawag si Frances…
“Telle, kamusta ka na dyan kena Alex? Kayong dalawa lang ang nandyan?”
“Oo, wala na kasi yung dad niya, umalis na din”
“Ah, alam mo naman yung sinabi ng mommy mo”
“Oo naman. Di naman kami ganun ka excited”
“Hahahaha, sige have fun”
“Christelle, maligo ka na. Dali aalis tayo” sabi ni Alex tapos naligo na ako and nagbihis.
“Christelle, halika na” inakbayan niya ako tapos pumunta kami sa Sunflower Lake.
“Alex, I love you” naspeechless ako habang kasama ko siya, nakita ko yung Lake na puro water lily may isang maliit na sidewalk papuntang forest tapos pumunta kami doon.
“Christelle, hindi lang ako sa sunflower lake pumupunta, dito rin” tapos tinakpan niya ang mata ko, mga ilang lakad pa inalis niya ang mga kamay niya, nakita ko ang isang malaking treehouse at sa ibaba ng puno, puro damo. Mahahabang damo. Onga pala yung puno na tinutukoy ko, Apple Tree.
Pumanik kami sa treehouse at dun kami nagstay tapos medyo madilim na, bumaba kami tapos nakita ko yung mga fireflies, and may binigay na letter sa akin si Alex.
Christelle,
Yung time na nakasama kita, malaki na ang naitulong mo sakin, hanggang ngayon, sinasamahan kita sa kwarto mo pag may problema ka, pag nakakatulog ka sa tabi ko at pag gusto natin magkasama, sana one time in the future tayo pa din, ayoko kitang iwan. Pag nangyari yun, asahan mo nang di mo na ako makikita ng buhay. Buong buhay ko nasayo na, lagi mong tandaan, mahal na mahal ka ni Alexander Williams. Wag mong kakalimutan yon, mahal na mahal ko si Christelle Gutierrez – Williams, hahahaha. I love you.
-Alex.
Ang sweet mo, I LOVE YOU ALEX.
Hinalikan ko siya sa labi niya, “I love you Alex.” Tapos hinalikan niya din ako sa labi habang pinanonood namin yung mga alitaptap or fireflies.
BInuhat ako ni Alex pauwi kasi pagupo ko sa damuhan biglang nabali yung paa ko. Na-alala niyo pa ba nung nabali yung paa ko dati? Yun din yon.
On the way home, “Christelle, I love you very much”
“Alex, I love you very much” tapos isinandal ko yung ulo ko sa dibdib niya and natulog na kami.
Kinabukasan…
Di ko namalayan na naunang gumising si Alex, umuulan. Nasan na kaya to?
Lumabas ako at may nakahandang raincoats, isang blue at isang black.
“Tara puntahan natin yung treehouse” biglang may yumakap sa likod ko, si Alex, isa lang ibig sabihin niyan, ligo kami sa ulan~
Lumabas kami biglang lumakas ang ulan,
“Alex, tanggalin mo na yung raincoat, tignan mo” habang tinanggal ko yung raincoat ko, and tinanggal niya na din yung raincoat niya.
And nagsaya kami, niyakap niya ako habang basa kaming dalawa, kitang kita ko sa mukha niya kung gaano siya kasaya.
“Christelle, Masaya ako kasi”
“Kasi?”
“Kasi okay lang sayo na kahit weirdo ako minsan, okay lang sa mommy mo na tumira sa bahay namen” and niyakap niya ako habang umuulan.
Mga 30 minutes ang nakalipas bumalik na kami sa loob ng bahay, still naulan pa rin. Nagtimpla ng coffee si Alex, diba ako dapat gagawa non? Talaga to si Alex eh.
-END OF CHAPTER 12b-