Chapter 14a:
Nagising ako, katabi ko si Alex, as usual nakasandal yung ulo ko sa dibdib niya. Tulog pa siya, bigla akong nakakita ng isang matanda na babae sa sulok ng kwarto namin, puro dugo, kaya ginising ko si Alex.
“Alex, may tao sa kwarto” tapos nagising siya at tumingin sa paligid,
“Wala naman eh, ano ba yung nakita mo?”
“Isang babae na matanda, puro dugo nakatitig satin tapos nasa sulok ng kwarto” and lumabas na kami ng kwarto habang ako takot na takot.
“Christelle, okay ka lang?” tanong ng daddy ni Alex.
“Okay lang po ako dad, namalikmata lang siguro ako”
“Ano ba yung nakita mo Christelle?”
“Nakakita po si Christelle ng isang matandang babae na duguan” and then nag text si mommy.
“Namatay yung lola mo kagabi lang, hindi mo yun nakita for 5 years kaya kung nagpakita sayo ok lang, si lola yun” pagkabasa ko hinimatay ako bigla sa harapan ng mommy at daddy ni Alex.
Eto lang narinig ko:
“Christelle apo, kamusta ka na? Ilang taon tayong hindi nagkita” and then “Christelle! Gising ka na, please” si Alex narinig ko, and then nagising na ako.
“Okay ka lang Christelle?” ramdam ko yung pagka-alala ni Alex sa akin, and niyakap ko siya.
“Namatay yung lola ko, sinaksak. Ngayon nagpapakita siya sakin, ayoko na ayoko na ayoko na” hanggang sa hinalikan niya ako sa labi para matahimik ako.
“Wag ka na matakot, nandito na ako” sabi ni Alex tapos niyakap niya ako.
Natatakot ako sa lola ko, iba kasi yung feeling na may multo na nakatitig sa inyong dalawa. Parang babawiin na yung buhay mo.
And then naligo na ‘ko.
Pinasan ako ni Alex papunta doon sa sunflower lake, may binigay siya sa akin na bato tsaka pentel pen.
“Isulat mo yung nararamdaman mo dyan, no matter what your feelings are tapos ibato mo sa lake”
So nagsulat ako, “Goodbye Lola, I love Alex so much, I miss my best friend – Frances”
Ibabato ko na sana, pero, may bumulong sakin
“Christelle, Ingat sa pagbato mo baka matamaan ako ng bato” and then napaupo ako and nabitawan ko yung bato.
“Christelle, okay ka lang?”
“Oo okay lang ako,” tapos ibinato ko na yung bato.
I have this weird feeling, I don’t know why I feel so weak.
“This is bullshit” sabi ko.
“No, don’t say that” tapos hinalikan niya ako sa labi ko.
“Uwi na tayo Christelle, halatang stressed ka na oh” sabay turo sa mata ko.
Nakakatuwa lang talagang isipin na kahit may problema ako nandyan lang siya.
And then pinasan niya ako pauwi hanggang papuntang kwarto naming at pinakain ako at pinatulog.
I feel weird.
Nagtext si mommy.
“Pupunta tayo ngayon sa Los Angeles, kung gusto mo isama mo si Alex para di ka mabored, pupuntahan natin yung lola mo” and then…
“Alex, gusto mo sumama sa LA?”
“Oo naman Christelle, matagal ko ng gusto pumunta don” tapos umalis siya ng kwarto, narinig ko.
“Mommy! Pupunta ako LA with Christelle, sasamahan ko lang siya sige na mommy”
“Oh sige na nga. Minsan lang eh lakad na”
“Christelle! Kelan daw aalis?”
“Ngayon” kaya nag ayos na kami ng gamit. Mag s-stay lang kami doon for 5 days.
Nakarating kami ng Airport ng 7:30pm.
After 5-6 hours nakarating na din kami sa LA and nag taxi kami, katabi ko si Alex by the window sa right and Frances by the left. Kung nagtataka kayo bakit nandito si Frances, eh pinayagan siya na magstay muna with us.
Nakarating din sa bahay ng tita ko, nandun din yung pinsan kong ka age ko at yung kabaong from Philippines.
“Ano ulit pangalan ng anak mo Leah?” tanong ni tita kay mommy.
“Si Christelle, nalimutan mo na siguro kasi matagal na tayong hindi nagkita kita”
“Ay siguro nga, Hello Christelle, sino yang kasama mo?”
“Hi po Tita, uh, boyfriend ko po for 2 months na”
“Aww, I’m so happy for you” and then nakita ko si Scott, yung pinsan ko, ang sama ng tingin niya kay Alex, kaya niyakap niya ako from behind at biglang bumulong na “Nakakatakot naman yung pinsan mo, ang sama ng tingin satin” kaya umalis na kami dun sa kinatatayuan namin ni Alex.
“Christelle sino yan?” tanong ni Scott na biglang lumapit samin.
“Ako si Alex, ikaw sino ka?” natawa ako sa sinabi ni Alex ikaw sino ka ba?
“Scott pangalan ko, sino ka ba?”
“Boyfriend ni Christelle, baket?” kinilig tuloy ako tapos pinalo ko siya sa braso niya.
“Bakit Christelle? Ang sakit kaya nun” tapos hinalikan niya ako sa cheeks, tapos nagwalk out si Scott.
“Pagpasensyahan mo na pinsan ko, may pagkaloko din kasi yun, binireak kase ng girlfriend niya”
“Ah, kaya pala eh”
-END OF CHAPTER 14a-
Chapter 14b:
Ako si Scott, 16 years old. Nung bata ako, akala ko hindi ko pinsan si Christelle, until I told my mom na “mommy ang ganda niya naman, parang gusto ko siya” and then sabi ng mommy ko “pinsan mo yun, si Christelle” and in the age of 15 may nakilala akong babae, siya si Olivia. Na-alala ko pa nung nag 8 months kami after 2 weeks:
“Scott, we are about to move to Texas in the next 4 days, my dad has planned, I didn’t tell you because you’ll stop me, I just wanted to say goodbye to you, we should stop this relationship because it’s too hard for me to have a communication from Texas to LA, I’m really sorry but I know you’ll find someone like me, thank you for being my first” tapos niyakap ako ni Olivia at “We’re over Scott, goodbye”
For the first time hindi ko aakalain na iiwan ako ni Olivia, pero after 4 days.
TV NEWS; LIVE an airplane crashed in the runway of West Houston Airport the plane that crashed had moved in a different direction that leads to a major accident that includes the death toll of 35 people.
Nung narinig ko yon, na-alala ko si Olivia, and then;
TV NEWS; We are here with Mrs. Perez live
“Ma’am what exactly happened inside the plane when you reached the runway?”
“The plane was trembling, as it flips over the runway that’s what caused the death of my daughter, Olivia, because her head bumped on the window so hard her head bleed, Scott, listen to me, I know you’re watching the news, please pray and lit a candle for Olivia, I know you still love her”
Yung mga sinabi ng Mommy ni Olivia, umiyak ako, hanggang ngayon na 16 ako hindi ko pa rin makalimutan si Olivia, tapos nakilala ko yung boyfriend daw ni Christelle.
Ayan si Scott, usually na inlove sa isang babae na si Olivia na dapat ay nasa Houston na, eh namatay kasi sa plane crash, di siya makapaniwala na may boyfriend na ako, kelan kaya siya makakakapaghanap ng isang babae na katulad ni Olivia.
-END OF CHAPTER 14b-