Chapter 9: Hospital, hospital to lake.

40 0 0
                                    

Chapter 9:

Nagising kami around 8am,

“Christelle, uuwi na ako ah”

“Sige, ingat ka” tapos humiga ulit ako, bakit kaya nagawa ni Tim na i-hagis yung lens niyang mamahalin kay Liam? Sana binigay niya na lang kay Frances, siguro nga napamahal si Tim kay Frances kaya niya yun nagawa.

Nagtext si Tim sakin,

“paki basa to kay Frances, Frances sorry talaga kung nagawa ko yun, ayoko lang na pinapa-asa ako, ilang bes na kasi ako nab-busted ng mga babae. Pero nung nakita ko ikaw, parang naisip ko na baka ikaw na talaga yun. Pero hindi eh, gusto kitang ligawan ulit, gustong gusto talaga kita, nung nakita kita sa airport last 4 weeks, nung nagusap tayo papuntang eroplano, feeling ko espesyal yung lakad na yun kasi kasama kita Frances, hindi ko matext to sayo, baka i-ignore mo lang to. Pero sa totoo lang Frances, mahal kita, mas mahal kita sa career ko bilang photographer, mahal kita higit pa sa lahat. Sana maintindihan mo nagawa ko lang yun dahil mahal kita”

And then pinabasa ko kay Frances, napansin kong parang medyo napaluha siya, kaya niyakap ko siya para tumahan na at tinapik ko siya sa likod. And then lumabas ako ng kwarto at nakita ko na may tinawagan si Frances, narinig ko “Sorry din.” And sinara ko na yung pinto.

Makalipas ang 2 araw,

“Happy Monthsarry” may nagtext sakin, isa lang naman magtetext sakin nun eh, si Alex.

“Happy Monthsarry din” nagreply ako.

So lumabas kaming 2 at kumain, may binigay siya sakin, isang teddy bear. Ipangalan ko daw “Saur” in short dinosaur daw. Muka kasi siyang dinosaur, pero nagulat ako kasi wala akong nabigay na gift sa kanya. Hinatid na niya ako at umalis na din siya.

Biglang may kumatok sa bahay, parents ni Frances.

“asan si Frances? Uuwi na kasi kami ngayon.” Bigla akong napalunok at tinawag si Frances.

“Frances, mommy mo nandito”

“Ha? Bigla siyang nagayos ng gamit niya nung pumasok ng kwarto niya si tita.

“Uuwi na kami Telle, thank you sa pagsama kay Frances sa New York, until we meet again”

Naiyak ako nung nabalitaan kong uuwi na si Frances.

Kinabukasan, naospital ako, bigla akong nagkalagnat, 39.8 degrees Celsius ang temperature ko.

“Anak, contactin natin si Alex” sabi ni mommy

“Ikaw bahala mommy” sabi ko sabay sakit ng lalamunan ko.

So ayun tinawagan si Alex, within 45 minutes nandito na siya.

“Christelle, ano ba nangyari sayo?” tanong niya

“Di ko nga alam Alex eh, hindi ko alam. Pero dala ko si Saur”

“Asan na si Saur?”

“Eto” sabay niyakap ko si Saur – teddy bear na mukang dinosaur.

Tapos umalis si mommy, magaayos daw siya ng gamit kasi sabi ng doctor, baka mga 6 days ako dito sa ospital, so naiwan si Alex sa ospital na kasama ko.

“Ano? 6 days ka dito?” pagulat na sinabi ni Alex habang hawak niya ang braso ko.

“Sabi ng doctor eh, di ko alam, si Frances umalis na kahapon”

“Aw, kala ko magtatagal siya dito?”

“Di ko nga alam eh, biglang dumating yung mommy niya”

“Ah, strict ba magulang non?”

“Di naman, mabait nga parents nun eh”

“Ah, sige pahinga ka muna dyan” tapos humiga siya don sa mahabang upuan at nakatingin siya sakin.

“Ikaw din kaya, muka kang stressed” tapos tumawa lang siya.

9pm bumalik yung mommy ko, galing pa siyang supermarket, uwi niya yung favorite food ko. Ang saya ko tuloy, tapos si Alex, natulog na, muntikan pa nga siya malaglag dun eh.

12am na ako nakatulog, di ko na napansin kung nandun pa si Alex sa kinahihigaan niya, si mommy nakaupo don ng tulog.

Na-alala ko, kaya pala ako nagkasakit, nagkasipon ako and then nilagnat ng bigla.

Kinabukasan…

Nandun pa rin si Alex, mukang ang himbing himbing ng tulog niya, tinitigan ko siya for 10 minutes, tuwang tuwa ako nakangiti pa siya.

Biglang may tumawag sa phone ko, si Frances.

“Telle! Balita ko nasa ospital ka”

“Oo, di ko nga alam eh bigla akong nilagnat”

“Aww, sige nangangamusta lang, ngayon palang flight naming”

“Ah sige, ingat ka” tapos binaba na niya yung phone.

Sabay nagising si Alex, at pinuntahan niya ako.

“Kamusta naman Christelle?”

“Okay lang ako, bakit ka nakangiti kanina”

“Ah, napanaginipan kasi kita”

“Tungkol saan?” tanong ko ng kalmado.

“Magkasama tayo dun sa pinupuntahan natin na lake, tapos nandun lang tayo, ang saya saya mo nga eh”

Nakakatouch naman ang kwento mo Alex.

Makalipas ang limang araw, Malaya na akong lumabas ng ospital.

Hinatid kami ni Alex pauwi,  tapos umuwi na din siya.

And paguwi, natulog ulit ako without doing anything, simula ng nagwalk out kami ni Alex sa ospital, wala na kaming balita kay Liam.

Kinabukasan.

“Mommy, di na tayo uuwi sa Pilipinas?”

“Hindi na, kasi wala naman na tayong babalikan don,  daddy mo nasa Indiana, tayo nasa New York, kaya di na tayo uuwi”

“Ahh sige mommy, ano food natin?”

“Ayun, nagluto ako ng chicken soup, kumain ka na dun”

Bumangon ako para kumain, pagkabangon ko tinawagan ko si Frances,

“Frances, kelan ka babalik dito?”

“Babalik ako dyan next week, tatakasan ko sila, dapat di pa ako uuwi eh badtrip”

“wag ka tumakas, masama yun, magpaalam ka nalang”

“Sige na nga, papaalam ako ngayon na, baka next week nandyan na ko” tapos binaba na niya yung phone.

Naisip ko, sabi nga pala ng doctor magpahinga pa ako ng 2-3 days. Kaya matutulog na ulit ako.

Kinabukasan….

May text akong nakuha, nabasa ko si Alex.

“Christelle, kamusta ka na? Alam kong nagpapahinga ka, sige. Rest well honey :)”

Di na muna ako nagreply, nag iBook na muna ako, tinuloy ko yung Peter Pan, ako na nga isip bata okay? Wala kasi ako childhood, laging babad sa bahay, di lumalabas ng bahay, unless kung pupunta ako kena Frances.

“Telle anak, pupunta daw si Alex”

“Sige mommy, maliligo lang ako” so naligo na ako, nagbihis and nag ayos ayos dito, paglabas ko ng kwarto nandun na si Alex, tumayo siya at lumapit sakin, may dala siyang basket na puro pagkain.

“Picnic tayo dun” sabi niya.

“Sige, tara na”

Di ko napansin pareho pala kami ng kulay ng damit, nakablue ako tapos naka blue siya.

“Di naman kayo nagusap no?” sabi ni mommy ng pabiro tapos “de joke lang, enjoy” dagdag ni mommy.

-END OF CHAPTER 9-

Two girls in Albany, New YorkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon