Chapter 2 - The tour

66 0 0
                                    

Chapter 2:

Bigla kaming nakarinig ng boses ng isang lalaki.

“Frances! Telle!” yun ang narinig naming dalawa.

“Uy si Tim oh” sabay sabi ni Frances.

Sa loob loob ko, di kaya magkatuluyan tong dalawang to. Naiimagine ko kasi kung magiging sila. Parang ang saya saya ni Frances nun, at baka tama ang hinala ko na si Tim lang ang magpapatino sa kanya sa pagiging Spoiled Brat sa kanyang Rich Parents.

“Di na tayo makakagala, di tayo sa mismong New York bumaba eh, nasa Albany agad tayo” sabi ni Tim.

“Di na rin tayo makakagala” bigla kong sinabi.

“Tara na sakay na tayo sa Taxi na pinatawag ko” sabi ni Tim.

“Ay sorry, tumawag na kasi si mommy ng Taxi na sasakyan namin, thanks nalang.” Sabi ko habang hinaltak ko pabalik si Frances dun sa Taxi na sasakyan namin.

Ang hindi ko alam, magkasunod lang pala yung Taxi naming nina Tim. Tapos bumaba na kami sa bahay na titirahan namin, and so as Tim, kapitbahay pala namin siya.

Woah, swerte naman ni Frances, kapitbahay lang pala naming si Tim. Di na naming kailangan magpakalayo kasi magkatapat lang kami ng bahay eh.

Mamaya maya nakatanggap ng tawag sa cellphone ni Frances. Mula ito kay Tim. So here goes their conversation: Nakaspeakerphone kasi

“Hoy Frances”

“Ano nanaman”

“Wala lang, punta ka naman dito, sama mo si Telle”

“Telle, sama ka daw” sabi nya sakin.

“Di daw pwede e, mag aayos pa kami ng gamit.”

“Ilang months lang kayo sa New York?”

“Mga 3 months daw, ikaw?”

“3 months din eh, how about, sabay na din tayo umuwi sa Philippines?”

“Hahahaha, ewan ko lang kay tita”

Ang sweet nila infairness

“Sige, kita kits bukas” sabay baba ng phone ni Tim.

Hmmm, sana i-invite ni Tim si Frances na di ako kasama, para may quality time sila.

Pag ka open ko ng facebook ko sa iPhone ko, sinearch ko si Tim. May lumabas “Tim S. Santos” kamukang kamuka nya, may hawak din na Canon na SLR. So in-add ko, at mga makalipas 30 minutes, BOOM, friend request accepted, sabay nag wallpost sakin ang loko, sabi nya “HOY TELLE. SALAMAT. NASAN NA SI FRANCES?” Woah grabe sana pala yung account pala ni Frances yung ginamit ko. Nagreply ako, sabi ko,

“nandito siya nagaayos ng gamit. Mamaya na lang daw.” Tapos di na nagreply.

Bakit niya kaya hinahanap si Frances, ang ganda kasi ng kaibigan ko eh, daming manliligaw, busted naman lahat. Di kaya crush ni Tim si Frances? Hehehe. I will never know, i-examine ko kaya silang 2?

“Mukang nagkakamabutihan si Frances at Tim ah” sabi ng mommy ko nung pumasok si Frances sa kwarto nya.

“Siguro nga mommy, di kaya may gusto si Tim kay Frances?” tanong ko.

“Siguro nga anak. Kasi laging hinahanap ni Tim si Frances, tska maganda naman si Frances eh, Syempre ikaw din” sabi niya. Na flattered ako sa sinabi niyang maganda kami ni Frances. Sino ba naman ang hindi matutuwa non?

“Pupunta muna ako sa Market ah, sama kayo? Frances? Telle?” tanong ni mommy.

“Sige sama kami” Sabay kami ni Frances ng sinabi.

Two girls in Albany, New YorkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon