Chapter 16:
Hello Day 2 in Los Angeles.
Kinabukasan nagising ako na katabi si Alex tapos si Scott nasa sahig, dun siguro natulog.
“Christelle, gising ka na pala” sabi ni Alex sabay yakap sakin.
“Oo kagigising ko lang” and then nagising si Scott at nagkwento.
“Christelle, Alex – nakaaway ko yung isa kong kaklase kagabi, inaaway ako dahil sa inyo, hinihingi ba naman yung number ni Christelle sakin, di ko binigay tapos umuwi na si David, nainis siguro, di nga ako tinetext simula nung umalis siya kagabi, tapos kinukulit ako kung boyfriend mo talaga si Alex grabe tapos sabi nung mga kaklase ko ng ‘of course, they’re sweet’ tapos nagalit lalo si David” grabe naman yung kaklase ni Scott. Hahahahahahahahaha.
Kumatok si Tita Claire, 10am na pala. It means na lumabas na dapat ng kwarto.
“Lika we will pray for the soul” sabi ni tita Claire, tapos bumaba na kami habang nakaakbay pa si Alex sa akin.
Mga 30 minutes ang nakalipas naligo na ako and then naligo na rin si Alex.
“Christelle! Ang kulit ng pinsan mo” sabi ni Frances na may boses ng pagrereklamo.
“Ganun talaga yon, namatayan kasi ng girlfriend”
“Ah kaya pala, kinukulit ako, yung number ko daw”
“Try mo ibigay” tapos binigay niya kay Scott yung number niya.
“Wag mo ipamimigay tong number ko ah” sabi ni Frances kay Scott.
“Sige ba” kita ko ang ngiti sa muka ni Scott. Di kaya may gusto to kay Frances?
Eto namang si Alex, “Crush mo si Frances noh?” bulong ba naman kay Scott.
“Parang eh, ang ganda niya kasi tsaka mukang mabait” sabi ni Scott.
WOW TAMA NGA HINALA KO.
“Crush pala ni Scott si Frances” bulong sakin ni Alex.
“Oo nga eh, nahalata ko din” kahit hindi. Hahahahaha.
And nakita ko nagtetext silang dalawa habang may misa,
Kalagitnaan ng misa umalis kami ni Alex para magrelax, stress na stress kasi sina mommy at tita Claire.
“Magrerelax ulit tayo” pumasok kami sa kwarto at may dalawang coffee cup from starbucks na nakalagay “Alex” sa isang cup at “Christelle” dun sa isa, yung favorite ko, Java Chip.
“Gusto ko bumaba ang stress level mo” tapos hinalikan niya ako sa labi ko, and may donuts pa. YUM, talaga naman to si Alex.
Pinakain niya ako ng donut habang nakahiga ako sa lap niya, and as usual nakatingin kami sa bintanang malaki.
Binuksan ko yung iPhone at naghanap ng kanta para sa moment na to.
And nakita ko yung “Perfect Two” by Auburn, Tinanggal ko si earphones, habang nakahiga ako sa lap ni Alex napansin ko na medyo inaantok siya, and then kiniliti ko sa tagiliran.
“Huy! Okay ka lang?” nakangiti ako sa kanya tapos nagulat siya at..
“Oo naman, medyo inaantok lang”
“Tulog muna tayo Alex, inaantok din ako eh” and then pumanik kami ng kama and then natulog.
Nagising kami ng 6:30 ng gabi, di nga pala kami nakapaglunch.
“Christelle, Alex. Kain na daw sa baba” rinig ko si Scott habang kinukulit kami na bumaba, and bumaba na din kami.
Mashed Potato with Gravy and Some Vegetables I Don’t Know, but it looks delicious so…