CHAPTER 21 - TUG OF WAR GAMES

255 8 2
                                    

MICHELLE SEV

Basketball games started. Pero andito siya sa isang corner kabado habang pinagmamasdan si Millie at ang mga kasama nito. I know what are they talking. Pero inunahan ko na sila.

Alam ko kasing tatagilid ako sa laro lalo na at majority sa team namin ay barkada nito.

Kumaway naman siya kila Ann at Rhirhi na nakaupo sa bleachers para manood ng games nila.

"Ready ka na ba, dude? May pahabol nga pa pala ako kung sino matatalo siya gagastos sa date namin ni Ann." Millie winks cofidently.

"Wala pa nga Millie, inuunahan mo na. Baka unang laro pa lang pagod ka na." ngisi ko dito.

"Hahaha. We'll see." kumaway ito kay Ann na akala mo papatulan naman nung isa.

Si Rhirhi ang sumagot sa kaway ni Millie. Nag finger sign ito na akala mo hindi babae. Tsk tsk.

"Okay all the players please gather with your respective team to start the game."

Hudyat na iyon para magready siya.

"Go Dadeeeee! Go go go!"

Ayan cheer lang naman ng isang Rhian. Kahit kailan talaga.

"Okay first five girls! Paliparan, Santos, Reyes, De Leon and Buraot."

Kumunot ang noo niya. Hindi pwede. Siya ang nasa first five. Dahil sinabihan na siya kahapon pa.

"Coach anyare? Kasali ako dapat sa first five ah!" reklamo ko.

Pati mga kasama ko ay nagrereklamo na rin. Halos lahat kasi ay barkada ni Millie ang nasa first five.

Damn it!

Ngumisi lang si Paliparan. "Pano ba yan Ms. Dee, mukhang mangngamoy kamote. Hayaan mo tatambakan namin ang mga kalaban."

Nagtawanan pa ang mga ito.

I balled my fist. Kahit si Coach ay hindi sumagot sa tanong ko. Kaya wala na siyang nagawa na umupo na lang sa bench.

Nagsimula na ang games. Ito na ata ang games na gusto niya ang kalaban na manalo. Pero kahit anong dasal niya ay tama nga ang sabi ni Paliparan tatambakan nila ang kalaban. Literal na tinambakan.

First half pa lang ay nasa single digit pa lang ang kalaban sa score nila.

Nung nagtime out ay sinabihan lang sila na ang first five pa rin ang papasok.

Kaya't sa inis niya ay kinuha na lang niya ang bag niya at lumabas ng gym.

"Hey Mich, where are you going? Di pa tapos ang laban ah." si Angel. Isa sa team ni Ann.

Hindi siya umimik. Kaya ito na ang tumingin sa likod ko. "Tsk. Kaya naman pala. Nagyayabang na naman ang bwisit na Paliparan. Tara sa cafe, pagusapan natin yan."

Pagdating sa cafe ay nadatnan nila si Galura na kumakain. "Oh tara tara kain. Grabe nakakagutom."

"Grabe para kang baboy kumain ah. Order lang ako ng amin ni Master Dee. Haha" si Angel.

"Anong atin? Di pa ata tapos ang laban ah." dinig kasi hanggang dito sa Cafe ang kaingayan sa gym.

"Hindi ako ang first five."

"What?? Why? Hindi ka first five?? First time yun ahh. Tiyak si Paliparan nagyayabang na doon. Pero hayaan mo na siya paliliparin naten mamaya." ngumisi lang ito.

"Salamat ha. Wag na sanang makaabot to sa dalawa." sabi ko.

"Wala yon. Basta ba ilakad mo lang ako sa beshy mo ayos na yon."

MY ENDLESS LOVE(PORDEE STORY the Continuation)Where stories live. Discover now