CHAPTER 53 - THE GRUMPY ANNTONNIA

237 10 3
                                    

ANNTONNIA'S POV

Im on my way to our Company. Talagang pinaghandaan niya ang araw na ito. At binihisan niya ng bongga. Of course I hired BG's na galing sa agency nila G. Nakasunod lamang ang mga ito sa akin dahil lulan din ako ng bago kong kotse.

Sinadya niya talagang magpalate para may gulatang mangyayari. LJ says andun na daw lahat and even John na parang wala daw nangyari sa kanya kahapon. Napaismid siya. I didnt know na hahantong silang lahat sa ganitong sitwasyon.

Pagkarating sa Kompanya ay takaw tingin ng lahat ng empleyado sa pagsipat sa aking kotse. May designate spot siya sa parking at malapit lang iyon sa entrance. Pati rin ang mga pinsan at kapatid niya. Pansin niyang nakasports car ang mga ito kaya't nagmistulang car show ang harap ng Kompanya.

Pagbaba niya ay nagulat sila ng mapagtantong ako ang bumaba. Sabi ko nga dahil aware ang mga ito na ako ang bagong uupong CEO ay nagsibalikan na ang mga ito sa pwesto nila at nagsipasukan sa Building.

I walk towards the elevator at pinindot floor kung saan ang Conference Room. Pagdating doon ay taas noong pumasok siya.

Nagsilingunan naman ang mga tao sa kanya. Nasa dalawamput apat ang taong nabibilang niya. Including her parents and my grandfather. I see. Talagang seryoso ang mga ito na umuwi ng ora orada.

Pansin niyang tumayo si John at balak ata siyang salubungin ngunit sinenyasan niya lang ito na umupo. Enough with that fake actions. Samantalang kagabi ay sariwa pa sa aking isipan na may balak itong masama sa akin.

Isa isa niyang inalis ang coat at sunglass niya pumwesto sa harap.

"What is this all about Anntonnia. Bakit bigla bigla ka nagpapatawag ng emergency meeting?" tanong ni Lolo.

Tiningnan niya ito ng seryoso. "Gaano kayo kaseryosong mapapagkatiwalaan nga ang pamilyang ito sa ating Kompanya?" turo niya sa mag asawang Lee.

Nagulat ang mga ito sa aking inasta. Samantalang si Lolo ay nakakunot noo. At makikita ang pagkadisgusto sa kanyang sinabi.

Sinenyasan niya si Aly at Charity na idistribute ang mga nalikom nilang ebidensiya. Panghuli na binigyan ang magasawang Lee at si Lolo.

"My goodness! What is this all about?! Hindi kami magnanakaw for goodness sake! Kung ayaw mo sa anak ko! Hindi ka namin pinipilit pero ang paratangan mo kami ang nagnanakaw sa pera niyo ay isang kahangalan!" reklamo ng padre de pamilya ng Lee.

"This is not right, Anntonia. My gosh." sabi ng kanyang ina na para bang stress na stress.

I dont care about their opinions, the important is the head of our family. I know them. Hinding hindi namin itataya ang dignidad namin dito para magsinungaling lang. Kaya kalma lang ako sa aking kinauupuan.

Umingay ang paligid. Lahat sila ay may kanya kanyang side comments at akusa sa mag asawa. Apat lang silang tahimik ngayon sa mesa. Ako, si Lolo, si Dad at si John.

Kita niya ang panlilisik ng mata ni John pero dinedma ko lng ito.

Isang malakas na bagsak ng kamay mula kay Lolo ang nagpatahimik sa kanila.

"Explain all of this Anntonnia. When I say explain. I want a detailed report to all of this together with your evidences. Hindi ka naman siguro gagawa ng hakbang na ganito, na maaaring ikakabagsak natin kung wala kang ebidensiya hindi ba, apo?" ngisi ni Lolo.

Tinuro nito ang Board. Kahit kailan ay wala akong naramdamang takot ng oras na iyon. Bawat detalye kung paano plinano at kung paanong maingat na nailabas ang pera at kung paanong naitatransfer ang pera right after that day.

MY ENDLESS LOVE(PORDEE STORY the Continuation)Where stories live. Discover now