CHAPTER 37 - THE FATHER

230 9 2
                                    

SOMEONE'S POV

NEW YORKS TIME

Sa loob ng conference ay may tatlong mayayamang negosyanteng busy sa kanilang paguusap. Pinag uusapan ang isang plano at business venture na itatayo sa Asia partikular sa Thailand.

Ngunit isang lalaki ang pumasok tangan ang telepono sa kanyang kamay.

"Sir, you have an emergency call from the Philippines." imporma ng lalaki sa kanyang amo na nakaupo sa center table ng conference.

Kumunot ang noo nito at mabilis na kinuha ang telepono.

Pagkarinig sa balita ay parang nauupos na kandila itong  napaupo.

"What's the matter. Is there a problem?" tanong ng isang negosyante.

"Gentlemen, Im sorry but I have an emergency. Maybe we can talk about it in some other time. For now I have an emergency to attend to. " sabi niya at mabilis na lumabas sa conference at pumasok sa kanyang opisina.

May pagtatakang sinundan lamang siya ng dalawang ka-meeting.

Sumunod naman ang assistant niya sa kanya.

"Sir,I'd already informed your private jet for you to ride to go home. Do you have any orders while you are in the Philippines?" tanong ng assistant niya.

"Yes. Hire someone who can be trusted and has a higher rank. I need quick results from whoever did this to her. Cancel my appointment for the rest of this week. And please informed the staffs at the Philippines to arrange my schedule. Just inform them that I have a quick visit. Dont tell them the truth." sabi nito bago nagmamadaling umalis.

"Sir how about your family?."pagtatanong nito na siyang nagpahinto sa kanyang paglalakad.

"No. Dont tell them." maikling sagot nito at umalis na.

"Okay Sir."yumuko ito pagkatapos ay inasikaso na ang pagtawag sa mga kakilalang nasa high rank security agencies na nakabase sa Pilipinas. At ang Philippine Branch ng Kompanya. 

-@@--

PHILIPPINE TIME.

Mabilis na napabalita sa buong Pilipinas ang nangyaring pangingidnap sa anak ng mag asawang Santibañez. Dahil sa sikat ang pangalang Ortega ay parang apoy na mabilis kumalat sa buong Pilipinas ang balita.

Kahit anong gawing tago at confidential sa pangyayari ay hindi magawa ng mag asawa dahil may nagleak sa balitang ang nag iisang anak ng mga ito ay ilang araw ng nawawala. Ang ilang kamag anak at mismong pamilya ni Beatrice ay nag aalala sa iskandalong kinasangkutan na naman ng pamilya nila.

"This is bullshit! How do you work? You're so slow! Another person was injured and is in critical condition due to the slowness of this investigation! Isang tao lmg pero hindi niyo magawang damputin!" namomoroblemang sabi ni Mira sa mga kapulisan.

Kasalukuyang nasa ospital sila ngayon. Walang magawa ang mga kaharap kundi humingi na lamang ng pasensiya.

Kung maaari nga lang sanang siya na ang gumawa ngunit magkaiba ang kanyang serbisyo sa mga kapulisan.

"Mira, calm down. Ang mahalaga naman ay ligtas na silang dalawa. Ang mabuti pa ay pumasok na tayo sa loob." mahinahong sabi nI Ms Bea sa asawa.

Hinihilot ni Mira ang kanyang ulo. Hindi naman dahil sa injured at ligtas na ang dalawa ang kanyang iniisip. Kundi ang salarin na hanggang ngayon ay malayang nakakalakad pa rin sa labas. Isang maimpluwensiyang tao ang mga magulang nito. Pero hindi uubra ito sa kanya. Kung kinakailangang suyurin niya ang buong mundo para madakip ito ay gagawin niya. She closed her fist hard.

MY ENDLESS LOVE(PORDEE STORY the Continuation)Where stories live. Discover now