CHAPTER 49 - ALMOST IS NEVER ENOUGH

161 9 0
                                    

MICHELLE SEV

Andito siya sa room niya dito sa mansion at nagmumukmok. Apat na araw ng wala siyang balita sa mga ito. Ang huling alam lang niya ay nahuli na ang salarin sa pagkidnap at panggugulo sa Engagement Party ng dalawa. Andaming nadamay at nakulong sa tulong na rin ni Ms Mira at mga kaibigan niya. Yes, kasama sila. Ikaw ba naman ang nag mala-charles angels sa pagliligtas sa mokong na yun. Its all over the news ang pagsabat sa ilang libo libong ilegal na droga mula kay Aldrin at nagsulputan ang mga taong niloko nito. Naging madali daw ang naging rescue ops nila dahil may isang tumulong sa kanila.

Halos wala ding maipakitang mukha ang magulang nito sa media. Hinayaan ngvmga ito na ang Lawyer ang sumagot sa lahat ng issues. And we just heard the they fly back to Thailand.

"Anak may bisita ka. Nasa baba."sabi ni Nanay Remy. Ang mayordoma dito sa Mansion.

Tumango siya dito at nag ayos. Kita niya sa salamin ang pagpayat niya at mga eyebags na gawa sa gabi gabing pag iyak niya.

Pagbaba niya ay nakita niya ang mga kaibigan niya sa baba na busy sa paglantak sa snacks na tiyak na si Mama ang nagprepare.

"Beshy! Waahhhh!"

"Master!"

Lahat sila ay dinaganan ako at nag iyakan na para bang isang taon silang hindi nagkita.

"Ang pangit niyo umiyak. Di niyo bagay." lait ko sa mga ito. Kasama nila ang iba pang kaibigan nila.

"Kamusta ka na?" tanong ni Rhirhi.

"Hmmm. Im not yet okay. Pero pasasaan ba't magiging okay din." tipid kong ngiti sa mga ito.

"Tsk. Kung alam ko lang na hindi kayo magkakatuluyan ni Ann, sana pala tinuluyan na lang namin si John nung sa rescue ops pa lang. Hayss." si G.

Ang iba naman ay nalulungkot sa nakikita nila sa akin.

"Oks lang. At least ligtas na siya. Yun naman ang mahalaga." yuko ko. May nagbabadya na naman kasing luha sa aking mga mata.

"Tsk. Tara bar na lang tayo. Nakakapagod kaya bumuhat sa mokong na yun." hindi maipinta ang mukha ni A.

Paano sa kwento ng mga ito sa gc pa lang ay siya pala naatasang magbuhat dito. Sa totoo lang bawal sa kanila ang sumalang sa ganung sensitibong ops pero nito ko lang nalaman na isa pala sa mga pamilya ng mga ito ay nakasali sa special ops ng bansa. Kumbaga sila ang may hawak sa mabibigat na kaso gaya ng smugglings at ilan pang ilegal. Except with Rhirhi. Nag antay lang daw ito kasama ang medical team.

"Kayo na lang. Marami akong aasik-"

"Hoy! Hindi porket broken heart ka na ay panay tanggi mo na! Tsk. Come on!" si G.

Tama naman kasi sila. Ilang araw niyang hindi pinapansin ang mga message ng mga ito. Panay pa ang tanong kung asan daw ba ako. Tiyak nalaman na ng mga ito na nilooban ang bahay namin. Hindi pa maayos ito kaya hindi pa kami makauwi ni Mama. At yun din ang minamadali na ayusin ni Dad kasi babalik din agad ito sa Dubai.

"Fine." suko niya sa mga ito.

"Yes! Hanap tayo agad chix mo mamaya dun master--aray!" si G.

"Bwesit ka. Anong chix. Baka gusto mo sa sopa ka matulog mamaya!" pinanlakihan siya ni Rhirhi ng mata.

"Hoy ano yan! Nagsasama na kayo? Kelan pa??" si A.

Ako din ay nagulat sa rebelasyon ng mga ito. Good for them.

Namula naman ang dalawa.

"Hoy hindi ahh. Ito kasi pinalayas sa kanila ng malamang bumili na naman ng motor! Ginamit ba naman ang card ng ate niya!" sumbong ni Rhirhi.

MY ENDLESS LOVE(PORDEE STORY the Continuation)Where stories live. Discover now