CHAPTER 16 - LET'S GET MARRIED

331 7 3
                                    

MICHELLE SEV

Ang bilis ng araw. Foundation na nila. Naglipana ang mag estudyante sa buong University. Bukod pa sa mga outsiders na manonood.

Pero eto siya at busy sa pag aattendance ng mga kaklase niya at sa pagmarka ng mga index card ng mga ito. Hindi ko alam kung bakit pa kasi nauso ito sa kanila. Hello. We're in college. But that's an instruction of our Professor. Wala tayong magagawa kundi sumunod.

"Besh! Try naten yung mga booth mamaya sa baba." excited nitong sabi. Well, kadarating lang nito.

"Late ka na." sabi ko dito.

"Besh naman! Naging beshies pa tayo kung mamarkahan mo pa akong late!" reklamo nito.

"Fine." pagkapos i-attendance ito at ibinalik ang index card ay umupo na rin ito habang siya ay busy sa pagbilang kung sino pa ang hindi niya na-aattendance. Jino-joke time lang naman niya si Rhirhi sa late dahil wala naman sinabi si Sir Dimaculangan. Basta daw personal na mag papa-attendance ay okay na. As usual mga barkada na lang ni Millie ang wala pa dito sa classroom.

Namomoroblema siyang napatingin kay Rhian. "Oh bakit?"

"Hindi pa ako makakababa e." ipinakita niya ang mga pangalang wala pang check.

"Tsk. I-absent mo na lang mga yan besh!"

Napailing na lang siya dito. Tinignan niya ang oras. Magsisimula na ang games nila Anntonnia sa gym.

"Rhi, lets go." sabi ko dito. Hindi si Paliparan ang makakahadlang sa panonood ko sa mahal ko.

When suddenly I remembered I talk to her cousin na isang SSC officer. Ilang beses nilang kinorner ito kasama si Glaiza.

"Hey that' s out of the Law. Binibintangan niyo kami sa isang krimen na hindi naman namin ginawa." masamang tingin nito sa amin ni G.

"Hoy, Crisostomo. This is my school. And it is my Law. Oras na malaman kong kayo ang nagpakalat sa video. Asahan niyo wala ng tatanggap na iskwelahan sa inyo." pinaningkitan ni G ang dalawa. Kasama ang isang buddy ni Crisostomo.

Parang namutla ito sa narinig. Lalo na't di naman lingid sa kanilang kaalaman na anak ng may-ari si Glaiza ng pinapasukan nilang iskwelahan.

Tumango lang ang mga ito at nangakong wala daw talaga. Pero hindi ako naniniwala sa kanila. Alam kong kasabwat ang mga ito. Mukhang ginamit lang kasi sila un-intentional.

"Naks. Bumu-blooming ka besh ha. Baka may hindi ka nakukwento?." tanong nito na pumukaw sa aking naalalang nangyari sa nakaraang linggo.

Parang si Mama lang kung magtanong. Well, baka updated na naman ito kay Mama. Kanino pa ba niya malalaman kundi kay Mama lang.

"Ano ikukwento ko? Andaming balita. Sports? News Current affairs? Artista?" tanong ko dito.

"Bwiset ka besh. Oh e di dun tayo sa sports?" ngisi nito sa akin.

"Sports? Saan sa swimming? Sa basketball?---"

"Stooooppp!----" pero bago kumuda ito ay hinuli na ito ng mga estudyanteng nagbabantay sa booth.

"Pasensiya na Ate Rhian! Napag utusan lang po!" sabi ng isang estudyante. Nasa First year pa lang ata ito eh.

"Wait!!!! Anong booth kayo?" kabado nitong tanong.

"Sa Date Your Crush po. May nagrequest po, 100K para maidate ka."

Lihim siyang natawa sa hitsura nito.

"Bayaran ko na lang kayo. Baka mukhang unggoy ang magdedate lang sa akin." reklamo nito.

"Pasensiya na ate. Binigyan na po kaming tig 50K para dalhin ka po dun e."

MY ENDLESS LOVE(PORDEE STORY the Continuation)Where stories live. Discover now