CHAPTER 41 - A NIGHT TO REMEMBER

196 5 0
                                    

MICHELLE SEV

Ngayong araw ang labas niya sa ospital. Mabuti naman. Nakakangalay na rin ang humiga at magstay sa iisang kwarto. Lalo na at napakadaming bawal. Inabot na sila ng hapon dahil na rin sa inasikaso pa ng doktor ang gamot at pagbabayad naman ng kanyang ina sa bills niya. Ewan ko ba dito kay Mama. Inuna pa ang makipagusap sa mga nurses sa istayon nila bago maalalang lalabas na siya ngayon.

Halos naging kaclose na kasi ni Mama ang mga nurse dito. Si Mama kasi hindi mahilig pumirmi ng walang ginagawa. Kulang na lang siya na ang maglilinis sa buong hospital. Kaya minsan sinasaway na niya ito.

"Ma! Darating daw ba ngayon si Ann? Dalawang araw na kasing hindi siya nadalaw." sabi ni M. Sabay tingin sa cp nito na hanggang ngayon ay wala pa ring reply mula dito.

"I dont know anak. Wala naman siyang pasabi. Tawagan ko siya kung gusto mo." sabi ng kanyang ina.

"Hindi na Ma. Ako na lang siguro paguwi natin." bawi ko dito.

"Aysusss. Namimiss mo na siya agad. Malay mo nasa labas na siya at parito na. Ikaw naman. Siya pa ba. Hindi niya makakalimutan ang ganitong importanteng araw. Kaya ikalma mo sarili mo diyan. Darating din siguro siya o di kaya ay dadalaw sa atin." mahabang paliwanag nito.

Hindi na lingid sa kaalaman ni Mama na kami na ni Ann. Mahabang sermon pa nga ang inabot niya mula dito dahil nilihim pa raw namin bago magsabi. And Im glad that I have a kind and understanding mother. That is why I love her in the whole world. Of course next is Anntonnia.

"Ma, diba may sasabihin ka. Nung paggising ko pa sinabi mo iyon diba?" naalalang tanong niya habang pinagmamasdan itong isinop ang mga damit niya at maingat na sinisilid sa bag.

Natigilan ito saglit at huminto sa ginagawa.

"Siguro mas mabuting sa ibang araw na lang. Tsaka hindi naman masyadong importante yun anak." iwas nito.

Kaya naman ay nagtaka siya sa kilos nito.

"Ma. Lahat ng sasabihin mo, lahat yun importante. Kaya kumalma ka diyan. Sabihin mo na." pangungulit niya dito at umakbay dito.

"Ay naku. Sa susunod na lang. Makakapaghintay naman iyon. Mabuti pa tawagin mo na driver naten sa labas ng makauwi na tayo." utos nito na siya namang sinunod niya.

May halong pagkadismaya ang naramdaman niya ng walang kahit anino ni Ann na dumalaw sa kanya. Nakarating silang bahay na sarado lahat.

"Ma. Bakit naman napakadilim ng bahay."reklamo ni Michelle.

"Ikaw anak, andami mong reklamo. Ikaw tung walang bitbit. Kaya hala buksan ang pinto." sabi ng kanyang ina sa kanya.

Tsk. Mabuti pa nung nasa ospital siya todo asikaso ito. Ngayong nakauwi na sila ay panay utos na nito.

Kaya naman walang pakundangang binuksan ang pintuan. Kasabay ng pag-on sa ilaw.

"SURPRISE!!!" sigaw ng mga taong kanina pa niya hindi nakikita at ang babaeng miss na niya. O sadyang nagpamiss lang. Gulat na gulat siya at the same ay masaya.

Mabilis niya itong nilapitan at niyakap ng mahigpit.

"Awwww. Grabe yern si Anntonnia talaga ang namiss guys. Hindi tayo." himig tampong sabi ni Rhian.

"Di bale ako na lang yayakap sayo maylabs." hirit ni G.

"Yakap your face!" sabay takip sa pagmumukha ni G.

"Boom basag! Hahahaha!" tawanan ang maririnig sa buong kabahayan.

Ito ang namiss niya. Ang kakulitan ng kanyang mga kaibigan. At ang mayakap ng mahigpit ang mahal niya. At ang kaligtasan ng bawat isa sa kanila. Wala na siyang hihilingin pa.

MY ENDLESS LOVE(PORDEE STORY the Continuation)Where stories live. Discover now