Prologue

368 6 0
                                    


Subrang saya ko ng malaman kong buntis ako dahil alam kung matutuwa si Zeus dito kaya balak ko syang isurprise. dahil matagal niya na itong inaasam.

Malawak ang ngiti ko habang papunta ako sa kanyang kumpanya ng makarating ako ay pupunta na sana ako sa kanyang opisina kaso bigla akong hinarangan ng kanyang bagong secretary at halatang kinakabahan

Nagtaka naman ako sa kanyang inaakto ngunit hindi ko nalang ito pinsan at nagpatuloy ngunit hinarangan ulit ako ng kanyang secretary na ikinainis ko

"Ano ba bat moko hinaharangan" sabi ko sa naiinis na boses

Mukha naman itong natakot at napalunok at biglang sabing

"A-ahh ma'am bawal pong tumanggap n-ng bisita ngayon si s-sir ma'am d-dahil marami p-po syang ginagawa" sabi nya sa nauutal na boses at halatang kinakabahan

" Evelyn alam mo naman na girlfriend niya ako kaya may karapatan akong pumunta sakanya kahit na anong oras" sabi ko at humingi ng patawad sa gagawin ko

Tinulak ko sya.

mabilis na pumunta ako sa opisina ni zeus at binuksan ang pinto, malawak akong naka-ngiti dahil excited akong malaman niya ang aking supresa

Ngunit ang excitement na nararamdaman ko ay bigla nalang nawala ng makita ko ang lalaking gusto kong supresahin na may kahalikang babae habang nakakandong sa kanya ang babae

Gusto kong lumapit upang saktan sila ngunit hindi ko kayang lumapit dahil parang napako ang aking mga paa sa aking kinatatayuan.

ang sakit makitang may kahalikang ibang babae ang lalaking mahal ko,at mukhang sarap na sarap habang ako'y durog na durog...

ang unang lalaking minahal ko bukod kay kuya at papa.

Akmang aalis na ako ng hindi ko sinasadyang masagi ang isang vase saaking tabi dahilan upang makagawa ito ng ingay.

Napatingin naman sila don at gulat na gulat naman sya ng makita ako pagkatapos biglang tinulak ang kanyang kahalikang babae atsaka sabing

"Alice..." gulat na tawag nito sakin

Pinilit kong ngumiti dito at lumunok upang tanggalin ang bikig na nakabara sa lalamunan ko.

" Hi, did you two enjoy?"

"b-baby mali ang iniisip mo" sabi niya sa kinakabahang boses

sarkastiko naman akong napatawa habang nakatingin sa nagsusumamo nyang mga mata

Kung wala siguro ako sa sitwasyong ito ay makakaya ko pang maawa sakanya ngunit ngayon ay

Puro galit at pandidiri ang nararamdaman ko para sakanya

"mali? ih tangina! kitang kita ng dalawa kong mata ang kababoyan na ginagawa niyo ng babae mo!!! nakakadiri kayo!" sabi ko habang nanlalabo ang mata dahil sa aking luha

"No b-baby let me explain please baby" sabi niya at tumutulo na ang kanyang luha

Bigla naman nag salita ang kaninang babaeng kahalikan niya habang nakangisi

"Ano kaba Lecxis wag kang umiyak sa mga walang kwentang babae katulad niyan hindi mo deserve ang isang katulad nya" sabi nya kaya bigla namang uminit ang aking ulo at sinampal sya ng magkabilaan at sinabing

"Totoo nga ang sabi nila na kung sino pa ang kabet sya pa ang matapang!" sabi ko sa galit na boses

"Shut the fuck up! you fucking whore, dont you dare to say that to my girlfriend! because you will never like what i'll do to your family!" sabi niya sa nagbabantang boses at tumingin saakin ang kanyang nagmamakaawang mga mata ngunit wala akong naramdaman na kahit katiting na awa

Nakita ko naman biglang natakot ang babae kaya nanahimik nalang ito

"Baby please listen to me mali ang iniisip mo" sabi niya habang patuloy parin ang pag tulo ng kanyang luha

Umiling na lamang ako habang nanlalabo ang aking patingin

"Tama na Zeus ayoko na..." sabi ko nakita ko namang may dumaan na sakit sakanyang mga mata at umiling, sinubukan nya naman abutin ang aking mga kamay ngunit iniiwas ko lang ito

"No please baby mali ang iniisip mo, please don't leave me i can't live without you please baby i will do everything para wag mo lang akong iwan please baby" sabi niya habang umiiyak mahina naman akong napasinghap ng makita ko itong lumuhod at hinawakan ang aking kamay

"Please Alice gagawin ko lahat wag mo lang akong iwan" he begged

"tumayo kana jan zeus" sabi ko at pilit na itinatayo sya ngunit ayaw nya kaya sinabi ko nalamang na

" Tumayo kana jan zeus! dahil kahit ano pang paawa mo hindi hindi na ako maniniwala sa mga kasinungalingan mo! alam mo zeus baka hindi talaga tayo ang para sa isa't isa, alam mo ang pakiramdam ko ngayon ah?! pakiramdam ko na kaylan man ay hindi pa ako naging sapat sa isang katulad mo!" sabi ko at bahagyang pang napapiyok dahil sa pag hikbi

" T-tangina zeus p-pinilit kong intindihin ka dahil alam kong may pinagdaraanan ka p-pero how could you do this to me ah?! binigay ko naman ang lahat sayo ah! binigay ko ang katawan ko sayo kasi ganun kita kamahal, minahal kita ng buong buo kahit pagod na pagod na ako...tiniis ko ang bawat gabi na hindi kita katabi matulog dahil lagi ka nalang late umuwi, tiniis ko yung mga oras na nawawalan ka ng time sakin dahil sa pagtatrabaho mo...t-tiniis ko yung mga oras na tinatanggihan mong kainin ang mga pagkain na niluto ko para sayo, tangina zeus! tiniis ko lahat iyon...p-pero anong kalasanan ko sayo para s-saktan moko ng ganito ah...Minahal kita! a-ano hindi paba ako sapat?" humahagulgol na sabi ko sakanya

Pinagsusuntok ko ito sa dibdib kahit nahihirapan. He was just letting me to punch him.

" n-no baby you're enough, subrang sapat kana para sakin p-please alice don't leave me baby i-i l-love you so much...hindi ka nagkulang. You are enough, a thousand times enough, Alice. You are the best that sometimes I felt like I don't fucking deserve you." He swallow hard and bit his lower lip, as if he was hurting.

"No Zeus! dahil kung totoong naging sapat ako sayo hindi ka hahanap ng babaeng pupuna ng mga pagkukulang ko diba?! i-ito ang sasabihin ko sayo...pinagsisisihan ko na pinapasok pa kita sa buhay ko!" sabi ko habang nanlalabo ang aking mata dahil sa nagbabadyang luha

Ngunit alam ko sa sarili ko na isang kasinungalingan lamang ang aking sinabi, dahil hindi ko pinagsisisihan 'yung araw na pinili ko syang mahalin, mas gugustuhin ko nalang na iyon ang paniwalaan niya. gustong gusto ko syang saktan dahil sa subrang sakit na idinulot niya saaking puso.

"N-no please..."

Akala ko iba sya sa mga lalaki, pero isa din pala sya sa mga manloloko! minahal ko sya ng higit pa sa buhay ko dahil akala ko sya na...pero hindi pala.

nasaktan man natin ang isa't isa sa paraang hindi natin inasahan, si tadhana ang may kagustuhan.

Gusto ko man bawiin ang mga salitang sinabi ko dahil kitang kita ko ang sakit sa kanyang mga mata...gusto kong sampalin ang sarili ko dahil nasaktan ko ang lalaking mahal ko, pero anong magagawa ko subra pa sa subra ang binigay niyang sakit saakin...

"tama na zeus ayoko na sana wag na tayong magkitang muli subrang sakit ng ibinigay mong sugat sa puso ko kung alam mo lang..."

"maghiwalay na tayo..." dagdag ko at tumalikod upang tumakbo narinig ko naman itong tinawag ang aking pangalan ngunit hindi na ako lumingon

Ang balak ko sanang pagsupresa para sabihin sakanya ang aking pagbubuntis ay hindi natuloy dahil ako ang nasupresa.

Muli akong lumingon sa kompanya kung saan kami nagkakilala ngunit dito din magtatapos ang aming relasyon.

Nakita ko naman si zeus na tumatakbo habang tinatawag ako ngunit dali dali nalang akong pumasok sa taxi at sinenyasan na umandar na ang sasakyan, napansin naman ito ni Zeus kaya hinabol nya ito ngunit hindi nya na naabutan.

Ako naman ay malakas na humagulgol      dahil sa pinipigilang sakit na nararamdaman gusto ko ng sumuko ng naalala kong may panghahawakan pa pala ako at iyon ang anak ko

bigla nalang nandilim ang aking paningin at narinig ko nalang ang boses ni kuyang driver na halatang nag-aalala.

Taming the ocean Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon