Chapter 17

40 2 0
                                    


Enjoy reading!

Beatrice POV:

Lumipas ang mga araw na kasama ko si zeus habang tumatagal na kasama ko sya ay napapansin kong ayaw na ayaw niya akong may kasama or kausap na lalaki, gusto ko mang isipin na nagseselos ito ngunit biglang pumapasok sa isip ko na baka ayaw niya lang akong may kausap na lalaki dahil baka mahuli kami na nagpapanggap lamang.

Habang kasama ko sya ay iba ang nararamdaman kong saya, iba ang saya kung sya ang kasama ko kaya alam ko sa sarili ko na hulog na hulog na talaga ako at wala na akong magagawa because...

i love him.

susulitin ko nalamang ang mga oras na kasama ko sya.

" hey baby let's go" tawag saakin ni zeus sumunod naman ako at pumasok sa kanyang sasakyan dahil nga tulad ng kanyang sinabi ay ipapasyal niya ako.

May mga napuntahan na kaming magagandang lugar dito sa paris tulad ng 'Cathédrale Notre-Dame de Paris', 'Louvre Museumat' at iba pa, ang last na pupuntahan namin ngayon ay ang 'Eiffel tower' dahil ito na din ang last day namin dito sa paris

Gabi kami pumunta dahil mas maganda daw at makikita mo ang mga naggagandahang ilaw na nakapalibot dito.

Pagkapasok ko sa kanyang sasakyan ay agad kong isinukbit ang seatbelt sabay tingin sakanya at ngumiti, habang nasa byahe kami papunta ng 'Eiffel tower' ay biglang tumunog ang aking cellphone tinignan ko naman kung sino ang tumatawag at napangiti ng makita ito

" Hello po ma" sabi ko habang nakangiti at tumingin kay zeus na nakatingin din pala saakin ngunit binalik din ang tingin sa daan, ngunit si papa ang sumagot.

" Nak pasensya kana kung naistorbo kita sa trabaho mo,pwede bang makausap ka saglit? gusto ko lang kasi marinig ang boses ng princessa ko dahil miss na miss na kita nak, kamusta kana diyan? kumakain kaba sa tamang oras? baka nagpapagutom ka diyan ah kapag nalaman kong nagpapagutom ka dyan nako lagot ka talaga sakin, tandaan mo lagi yung sinasabi namin ng mama mo ah laging mag dasal kung saan man pumunta." mahabang sabi ni papa, napangiti at mahinang napatawa naman ako sa kalambingan at sa panenermon sakin ni papa

" opo kumakain po ako sa tamang oras at opo okay lang po ako atsaka palagi po akong nagdadasal pa kaya malakas ako kay lord, miss na ko na din po kayo pa" sabi ko kay papa at nag flying kiss pa, natawa naman din ito sa aking ginawa at nag flying kiss din.

Narinig ko naman mula sa cellphone ang boses ng aking madaldal na kapatid kaya mas lalo akong napangiti dahil miss ko na din ang kanyang kakulitan

"O sya anak kausapin ka daw ng kapatid mo miss kana din daw" sabi ni papa pagkatapos ay binigay ang phone sa kapatid ko, nakita ko naman ang kanyang mukha na parang gustong umiyak kaya nag alala naman ako dahil baka makita ito ni bam, mukhang napansin naman iyon ng aking kapatid kaya nagsalita ito

" wala po sya dito may pinuntahan ate" sabi niya kaya tumango naman ako

" Oh bakit parang maiiyak ang baby girl namin" sabi ko sa malambing na boses, napanguso naman ang aking kapatid at may tumulong luha mula sakanyang mga mata

" Ate uwi kana miss na po kita promise hindi na ako magiging makulet, hindi ko na din kukunin yung balat ng friend chicken mo at hindi na din ako magiging pasaway basta umuwi kana po" sabi niya habang tumutulo ang kanyang luha, naaawa naman ako sa aking kapatid at medyo naiiyak ako dahil hindi ako sanay na umiiyak ang aking kapatid kaya medyo nasasaktan ako. napatingin naman ako kay zeus na nakatingin din pala sa cellphone ko at biglang tumingin saakin atsaka ngumiti.

Taming the ocean Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon