Chapter 27

46 1 0
                                    


Enjoy reading!

Beatrice POV:

Papunta kami ngayon ni zeus sa Ilocos Norte upang bisitahin si lola at lolo ang mga magulang ni mama, at para maipakilala ko na din si zeus sakanila. hindi nila alam na bibisitahin ko sila. dahil sila mama at papa lamang ang nakakaalam.

Ilang oras lamang ang lumipas ay sa wakas nakarating din kami sa probinsya nila mama. nakikita ko na ang modern kubo na bahay nila lola and lolo. tanaw ko na din si lolo na nakaupo at umiinom nang kape habang nagbabasa ng dyaryo. at si lola na nagwawalis sa bakuran.

" let's go zeus" sabi ko kay zeus pagkababa namin ng sasakyan, tumango naman ito bilang sagot pagkatapos ay pinalibot ang kanyang braso sa aking bewang. lumapit na kami kung nasan sila lola at lolo. mukhang napansin nila na may tao kaya napunta saamin ang atensyon nila. kita ko ang pagkagulat sakanila ng makita ako.

" Apo!" sabi ni lola at dali daling naglakad papunta saakin at bigla akong niyakap dahilan upang matanggal ang pagkapulupot ng braso ni zeus sa bewang ko. natawa naman ako sa kanilang reaksyon at nagmano pagkatapos ay gumanti ng yakap.

" Na-miss ko po kayo la" sabi ko kay lola

" Na miss din kita apo ko, bakit naman hindi mo sinabing darating kayo edi sana nakapagluto ako ng paborito mong menudo" sabi ni lola, natawa naman ako atsaka sabing okay lang

" Wala din bang yakap si lolo Beatrice?" biglang sabi ni lolo na nasa tabi ko na pala.

" Syempre naman po meron lolo" sabi ko habang nakangiti sakanya at nag mano sakanya pagkatapos ay mahigpit ko syang niyakap, naramdaman ko ang paghalik ni lolo sa aking noo dahilan upang lumawak lalo ang aking ngiti.

" Oh apo, sino itong gwapong binata na kasama mo?" tanong ni lola, kaya napunta ang tingin ni lolo sa aking katabi dahilan upang sumeryoso ang kanyang mukha. kinabahan naman ako dahil baka magalit sila kapag nalaman nilang mag boyfriend na ako.

Akmang magsasalita ako upang ipakilala sya ng bigla syang sumingit.

" I'm Lecxis Zeus Monteverdi, Alice's boyfriend sir " pormal niyang pagpapakilala at nagmano sakanila lola at lolo atsaka lahad ng kamay. akala ko hindi tatanggapin ni lolo ito ngunit laking gulat ko ng tinanggap niya ito atsaka sabing

" Don't be too formal apo, just call me lolo anton" sabi ni lolo kay zeus pagkatapos ay ngumiti. kaya nakahinga ako ng maluwag.

" Tawagin mo nalang din akong lola Charlotte apo" sabi ni lola habang malawak na nakangiti. gumanti din naman ng ngiti si zeus sakanila.

" Kumain naba kayo?" tanong ni lola

" Opo tapos na po lola" sagot ko

" Oh sya, umakyat muna kayo don sa kwarto mo iha upang makapagpahinga kayo" sabi ni lola, tumango naman ako atsaka sabing

" Sige po lola" sabi ko at hinila si zeus papasok ng bahay.

Pagkapasok namin ay aakyat na sana kami papunta sa kwarto ko ng makita ko si kuya harry.

" KUYA HARRY?!" gulat kong sigaw dahilan upang mapunta saakin ang atensyon niya.

" Bea" gulat din na sabi ni kuya harry

" Akala ko nasa ibang bansa ka?" tanong ko

Taming the ocean Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon