Enjoy reading!Beatrice POV:
Nandito ako ngayon sa balcony habang prenteng nakaupo at umiinom ng milk, tumingin ako sa paligid at bigla nalang napangiti dahil nakaramdam ako ng katahimikan at pinagmamasdan lamang ang mga bahay, pinakikinggan ang mga magagandang huni ng mga ibon na malaya at masayang lumilipad sa kalangitan, dito ako nakaramdam ng kalayaan, dito ko nararamdaman ang kalayaan sa mga taong mapanghusga at mapangmataas na akala mo ay perfect.
Habang tahimik at nakikinig sa mga huni ng mga ibon ay naramdaman kong may tumabi saakin kaya tinignan ko kung sino iyon.
" Magandang umaga po, papa at mama" pagbati ko at ngumiti kay mama at mama
" Magandang umaga din anak" pagbati din nilang dalawa habang may hawak na tasang may laman kape atsaka tumingin sa kalangitan.
" Maiwan ko muna kayo anak, may ginagawa kasi ako" sabi ni mama tumango naman ako kay mama pagkatapos ay lumabas na ito.
" Napaka ganda ng kalangitan diba nak?" biglang tanong ni papa ng maiwan kaming dalawa habang nakangiting nakatingin sa kalangitan, tumango naman ako
" Yes pa" sabi ko
" Alam mo bang may similarities tayong mga tao sa araw at buwan?" sabi ni papa, nagtataka naman akong tumingin sakanya dahilan upang matawa ito ng mahina
" Tulad ng tao ay kailangan din nila ng may masasandalan, dahil hindi lahat ay kakayanin nilang mag isa diba, hindi lahat ng problem ay kinakaya ng ibang tao dahil kailangan din nila ng mga taong masasandalan at masasabihan nila ng problema pero walang problemang binigay si lord na hindi natin kakayanin diba? tulad ng araw at buwan ay kailangan din nila ang bawat isa" sabi ni papa kaya mas lalong napakunot ang aking noo dahil hindi ko maintidihan ang kanyang sinasabi.
Napatawa naman ito saaking itsura atsaka sinenyasan akong lumapit pa, kaya sinunod ko naman si papa at umusog para makalapit sakanya, nang makalapit ako ay niyakap ako nito at hinalikan sa noo atsaka sabing
" The moon needs the sun to shine, and the sun needs the dark dahil tulad ng tao hindi sa lahat ng oras ay kakayanin diba? ganun din ang araw, hindi sa lahat ng oras ay sisinag at mag bibigay ito ng liwanag saatin kaya kailangan din ng araw ang kadiliman upang makapagpahinga, tulad ng tao, hindi din sa lahat ng oras ay kakayanin nila dahil gusto din ng mga tao ng maganda at payapang pahinga, pero wag agad magtitiwala dahil kahit ang araw ay kayang traydorin ang buwan, nak" sabi niya
Napangiti naman ako ng maintidihan ko na ang sinasabi ni papa, katulad niya ay kailangan niya din si mama sa buhay niya.
" gaya niyo ni mama? na lahat nang tao ay kailangan ang bawat isa? and lahat ng tao ay kailangan ng taong makakasama nila hanggang sa pag tanda? pero wag agad mag titiwala dahil kahit anong tagal ng pagsasama niyo at pagtitiwala mo sakanila ay kayang kaya ka din nilang traydorin" sabi ko dahilan upang mapangiti si papa atsaka sabing
" nakuha mo nak, wag agad magtitiwala kahit gano pa katagal ang pinagsamahan, at ang tao ay kailangan ang bawat isa" sabi niya kaya mas lalo akong napangiti sa sinabi ni papa
" May sasabihin ka paba anak?" tanong niya kaya dali dali akong umiling
" Hin--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng maalala ko si zeus, dahil balak ko nang ipaalam sa mga magulang ko ang panliligaw saakin ni zeus.
BINABASA MO ANG
Taming the ocean
RomanceWhat will you do if one day you see your loved one with the beauty of a woman that you intend to suppress but you are the one who is surprised? Will you just turn a blind eye or will you continue even though it hurts? Lecxis Zeus Chivalry Monteverdi...