Enjoy reading!
Beatrice POV:Matapos kaming kumain ay bumalik na kami ng LZM Company
"Sir nakalimutan ko pong itanong ano pong tamang oras ang pag-uwi ko" sabi ko habang nasa sasakyan, hindi ko kasi iyon natanong kanina dahil may pinagawa agad syang trabaho
"8:30-6:30" maikling sabi nya tumango nalamang ako bilang sagot at nanahimik
Ng makarating kami ng kumpanya, ay dumiretso agad ako saaking opisina upang ayusin ang mga gamit ko para pag sapit ng 6:30 ay uuwi nalang ako
Tinext ko naman si kuya lucas na sunduin ako dito sa kumpanya ng LZM company at may sasabihin na din akong magandang balita
Tumunog naman ang aking cellphone hudyat na may nag text napangiti naman ako ng makita kong si kuya lucas iyon
Sabi niya naman sa text ay hintayin ko nalang sya doon sa may parking lot. tinignan ko naman ang oras at nakita kong 6:00 na kaya nagpunta muna ako ng cr upang mag retouch ng make up
Matapos mag retouch ay pumunta muna ako sa opisina ni sir upang ibigay ang mga natapos ko nang trabaho.
Makalipas ang ilang mga minuto ay sumapit na ang 6:30 kaya nagpaalam na ako kay sir upang umuwi
"ahm sir mauuna na po ako ah" sabi ko kay sir lecxis
" wait for me" sagot naman nya tumango nalamang ako bilang sagot, nakita ko naman syang nagmamadaling kinuha ang kanyang coat at cellphone sa katabi niyang table
" let's go" sabi niya at biglang hinawakan ang aking kamay dahilan upang mapalundag ako at sabing
"ay puke ng kabayo nalaglag" sabi ko napatakip naman ako agad saaking bibig at nahihiyang tumingin kay sir lecxis at humingi ng tawad
Nakita ko naman itong napakagat labi na parang pinipigilan ang tawa niya kaya sinabi ko na
" sige sir ilabas niyo na yan nakakahiya naman" sarkastiko kong sabi bigla ko namang narinig ang kanyang tawa na parang musika sa aking pandinig na ikinatulala ko
Napatigil naman ito sa kanyang pag tawa ng mapansing nakatitig lang ako sakanya, tumingin naman ito saakin kaya subrang lapit na ng kanyang mukha saakin
Unti unti naman lumalapit ang kanyang mukha saakin na parang balak akong halikan ng tumunog ang aking cellphone hudyat ng may nag text dito
Bigla naman akong natauhan at kinuha ang aking cellphone upang tignan ang nag text nakita ko naman na si kuya lucas ang nag text na ang sabi ay nasa baba na sya ng building
Kaya tumingin naman ako kay sir lecxis na may iritasyon sa kanyang mukha na parang batang hindi nabigyan ng lollipop.
palihim naman akong napatawa dahil ang cute ng kanyang mukha, peke naman akong umubo at sabing
" ahmmm sir lecxis baba na po tayo" sabi ko na hindi makatingin sakanya
hindi naman na ito nagsalita at nakita ko nalamang itong tumango bilang sagot at nauna ng naglakad palabas sumunod naman ako sakanyang likod
BINABASA MO ANG
Taming the ocean
RomantizmWhat will you do if one day you see your loved one with the beauty of a woman that you intend to suppress but you are the one who is surprised? Will you just turn a blind eye or will you continue even though it hurts? Lecxis Zeus Chivalry Monteverdi...