Enjoy reading!Beatrice POV:
Nandito ako sa ngayon sa aking kwarto at nakatalukbong ng kumot habang humahagulgol
Nakarinig ako ng yabag na papunta saaking kwarto pero hindi ko nalan yon pinansin hanggang sa bumukas ang pinto ng aking kwarto ng dahan dahan
Naamoy ko naman ang pabango ni kuya lucas kaya sure akong sya iyon hanggang sa nag salita sya
" Bam wag ka nang mag tampo kay kuya uuwi din naman ako rito ih" sabi niya at niyakap ako habang nakatalukbong ako ng kumot hindi naman ako sumagot sa kanyang sinabi kaya narinig ko ang kanyang malalim na paghinga
" Bam hindi sanay si kuya ng ganyan ka, pansinin mo na po si kuya please bam" sabi niya kaya tinanggal ko ang nakatalukbong na kumot saaking katawan at diretsong tumingin sakanya
" Sabi mo hindi mo kami iiwan ni alicia kahit anong nangyari pero bakit iiwanan mo na kami" sabi ko at tumulo nanaman ang aking luha
Hinawakan naman nya ang aking mukha at pinunasan ang aking mga luha na walang tigil sa pagtulo, hinalikan naman nya ako sa noo at sabing
" bam hindi ko naman kayo iiwan, babalik din si kuya ah magtatrabaho lang po sya para mapuntahan natin ang mga paborito niyong lugar ni alicia, diba sabi mo pangarap mong pumunta sa paris? tapos si bunso naman pangarap din nyang pumunta ng Disneyland para makita nya ung mga favorite nyang Disney princess" sabi nya
" Paano ko matutupad ang mga pangarap niyo kung hindi ako magtatrabaho diba? kaya wag ka nang umiyak bam dahil promise ko sayo babalik ako dito" sabi niya saakin at ngumiti
"Promise babalik ka? hindi mo kami iiwan?" sabi ko
" Promise po kapatid ko kaya ngumiti kana at tumahan na sa pag iyak kasi nahuhurt si kuya kung nakikita ko kayong umiiyak ni bunso atsaka sa susunod na buwan pa naman ako aalis" sabi niya kaya ngumiti naman ako ng ikinangiti niya rin at niyakap ako
gumanti din naman ako ng yakap kay kuya lucas at humalik sakanyang pisngi naramdaman ko din naman na hinalikan nya ako saaking noo
" So okay na tayo bam" sabi niya kaya sumagot naman ako ng opo na ikinalawak ng kanyang ngiti
" Tara na sa baba bam at kumain kana dahil hindi mo natapos ang pagkain mo kanina" sabi ni kuya tumango naman ako at nagpahila na sakanya pababa
Nang makababa kami ay naabutan namin sila mama,papa at alicia na nasa sala, nakita naman kami ni mama na magkasama ni kuya na ikinangiti nya at sabing
" okay na pala ang mga anak ko" sabi niya at lumapit saamin upang yakapin kaming dalawa
" syempre naman ako pa ma konting lambing ko lang kay bam ay okay na toh ih" sabi nya kay mama habang nakangisi mahina ko naman kinurot ang kanyang bewang at sabi
" Kuya naman ih" sabi ko habang nakanguso kaya natawa naman silang lahat
" im just kidding bam" sabi niya pero tumatawa parin na ikinairap ko at dumeritso sa kusina upang ipagpatuloy ang pagkain ko
Narinig ko naman ang mga tawa nila nung umalis ako, napangiti naman ako
Medyo nalulungkot parin ako sa pag alis ni kuya dahil mamimiss ko ang panlalambing nya saaming magkapatid at mamimiss din namin ang pagtatanggol ni kuya tuwing may nang aaway saamin.
Gusto ko mang pigilan si kuya lucas ay hindi ko nalang ginawa at tinanggap ko nalang ang kanyang pag alis dahil para saamin din naman ito.
Habang kumakain ay biglang sumagi sa aking isipan ang maamong mukha ni sir lecxis na habang nakangiti, naisip ko naman ang kanyang mapupulang labi na parang ang sarap halikan
BINABASA MO ANG
Taming the ocean
RomanceWhat will you do if one day you see your loved one with the beauty of a woman that you intend to suppress but you are the one who is surprised? Will you just turn a blind eye or will you continue even though it hurts? Lecxis Zeus Chivalry Monteverdi...