Enjoy reading!Beatrice POV:
" Sorry natagalan, by the way saan punta natin? " tanong ko sakanila at isa isang niyakap.
yumakap silang pabalik.
" Xylo tayo bes para enjoy naman yung natitirang araw ni lorence" sabi ni Jane
mahina syang hinampas ni lorence sa braso.
" grabe naman sa natitirang araw parang mamamatay naman ako sa pagkasabi mo Jane, aalis lang ako ng bansa hindi pupunta sa langit " sabi ni lorence dahilan upang matawa ako.
napayuko nalamang ako sa lamesa ng mapatingin saamin ang mga tao sa loob ng restaurant nang mag tuloy tuloy ang kanilang bangayan.
Kumain muna kami bago mag punta ng Xylo.
Hindi ako uminom dahil parang wala akong ganang uminom ng alak ngayon samatalang si Jane ay puro giling doon sa dance floor habang nakaalalay si lorence na mukhang stress na stress na sa kaibigan namin.
Napailing nalamang ako.
" hi are you alone?" tanong ng lalaki at biglang tumabi saakin.
Agad akong umusog palayo sakanya pagkatapos ay umiling.
" No, kasama ko mga kaibigan ko" I said pagkatapos ay tinalikuran ito ngunit bago pa man ako makalayo sakanya ay hinigit nya na ang aking braso.
"c'mon woman I know you like it" sabi nya habang nakangisi at bahagyang pinisil ang aking pang upo dahilan upang masampal ko sya.
Tumagilid ang mukha nito at kita ko ang pamumula ng kanyang pisnge dahil sa pananampal ko.
" BASTOS!" sigaw ko pagkatapos ay tinalikuran na muli ito, laking pasasalamat ko ng hindi na ito sumunod.
Agad akong nag tungo kung nasaan banda sila lorence, habang naglalakad patungo sila ay biglang tumunog ang aking telepono na nasa loob ng aking bag.
Lumabas muna ako saglit upang sagutin ang tawag.
'Hello?'
I said after answering the call.
[ hello po ma'am? kaano-ano po ninyo si Mr. Monteverdi, number niyo po kasi ang nasa emergency call]
Sabi sa kabilang linya.
' I'm his fiance, why?'
[ Ahh, ma'am nandito po kasi ang fiance niyo sa Xylo lasing na lasing na po, ayaw pong umuwi hanggat hindi daw ang fiance nya ang sumundo sakanya.]
' okay...okay i'll be there, send me the location '
[ okay po ma'am]
Nagpasalamat lamang ako at pinatay na ang tawag, wala pang isang minuto ay tumunog na ang aking telepono hudyat na may nag text, agad ko itong tinignan at nakahinga ako ng malalim nang makitang hindi kami pareho ng location na pinuntahan.
akala ko same Xylo kami.
Wala na akong sinayang na oras at agad na akong pumanhik, hindi ko na nagawang magpaalam sakanila lorence at Jane dahil sa pagmamadali.
ilang minuto lamang na pagmamaneho ay agad rin akong nakarating roon.
Pagkapasok ko palang ay nilibot ko agad ang aking paningin upang makita si zeus, nang makita ito ay agad akong lumapit, napatingin sa akin ang waiter na nasa gilid ni Zeus at mukhang binabantayan ito.
" Kayo po ba ang fiance ni sir, ma'am?" tanong nya, agad akong tumango bilang sagot.
"Pasensya na ma'am kung naistorbo ko po kayo pero mukhang ayaw talaga umuwi pag hindi kayo ang sumundo e" sabi nya at mahina pang tumawa, ngumiti nalamang ako at sinabing ako na bahala kay zeus.
BINABASA MO ANG
Taming the ocean
RomanceWhat will you do if one day you see your loved one with the beauty of a woman that you intend to suppress but you are the one who is surprised? Will you just turn a blind eye or will you continue even though it hurts? Lecxis Zeus Chivalry Monteverdi...