Chapter 18

42 2 2
                                    

Enjoy reading!

Beatrice POV:

Ngayon ang araw ng pag uwi namin sa pilipinas, kaya nandito kami sa kanyang private plane,nakatitig lamang ako sa bintana at pinagmamasdan ang mga ulap na nadadaanan namin.

Katabi ko ngayon si zeus na nakasandal sa aking balikat na natutulog dahil hindi daw sya masyadong nakatulog nalg maayos kagabi, gusto ko mang tanungin ay hindi ko nalang tinuloy.

Pinagmasdan ko ang kanyang maamong mukha na mahimbing na natutulog, talagang pinagpala talaga ito sa kagwapohan kaya hindi na ako magtataka kong may mga babaeng patay na patay sakanya

sino bang hindi diba? merong syang maamong mukha, may mapupulang labi, may mahahabang pilik mata, makakapal na kilay at higit sa lahat ang kanyang matangos na ilong

Habang pinagmamasdan ko ang kaniyang mukha ay nasabi ko na lamang saaking sarili na talagang hulog na hulog na ako sakanya, ang akala kong mababaw lamang na pagkagusto sakanya ay mas lalo na palang lumalalim at kahit alam kong masasaktan ako ay itutuloy ko parin.

Sabi nga nila Take a risk or lose a chance?

Mas pipiliin ko ang take a risk kasi kahit alam kong masasaktan ako ay itutuloy ko parin kahit walang kasiguradohan na magugustuhan niya ako at least pinanindigan ko ang aking nararamdaman, mas gusto ko nalang ipagpatuloy ang nararamdaman ko sakanya kahit hindi niya alam, pero natatakot ako na dumating yung time na makahanap siya nang tunay niyang mamahalin at hindi ako iyon...

Natigil ang pag iisip at pagkakatitig ko sakanya ng biglang mag salita ang flight attendant na nakarating na daw kami kaya excited na ako umuwi dahil miss ko na ang aking pamilya, dali dali ko naman ginising si zeus at sabing

" Zeus, gising nandito na tayo" sabi ko at mahinang tinapik ang kanyang pisngi, nagising naman ito at tumayo upang ayusin ang kanyang nakusot na damit pagkatapos ay nilahad niya ang kaniyang kamay saakin kaya dali dali ko naman hinawakan ito at naramdaman ko nanaman ang kuryenteng dumaloy sa aking katawan.

Pagkalabas namin ng private plane nya ay may mga nakaabang na lalaking nakablack habang bitbit ang aming gamit, napunta naman ang tingin ko sa isang lalaking may dala ng aking maleta.

Hindi mo maipagkakaila na ang gwapo niya para syang artista na laging gusto ng bakbakan, may makikisig na katawan kagaya ni zeus pero mas lamang parin si zeus sakanya, natigil naman ang pag titig ko sa lalaki ng biglang mag salita si zeus.

" Tsk stop staring at him" sabi niya sa naiinis na boses kaya nagtataka naman akong napatingin sakanya at sabing

" bakit? ih ang gwapo niya ih"sabi ko at tumingin muli don sa lalaki na nakatingin din na saakin kaya masaya akong ngumiti at kumaway sakanya

" Hi po, anong number mo kuya? text tayo mamaya or add mo ako sa fb" sabi ko at bumungisngis na parang kinikilig atsaka pakita ng phone ko na may number

nakita ko naman itong napangiti dahilan parang mas gwumapo ito, nagulat naman ako ng biglang umalis si zeus na hindi ako kasama kaya dali dali naman akong sumunod sakanya na pasakay na ng sasakyan, sumakay naman na din ako ng sasakyan at nagtataka akong tumingin sakanya na mukhang galit.

" Hey bat muko iniwan don? umalis ka agad di hindi ko tuloy naibigay yung number ko kay kuyang pogi at hindi ko nakuha yung number niya edi sana may kachat na ako tuwing gabi hays... panira ka zeus" nagmamaktol kong sabi kay zeus

Taming the ocean Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon