Chapter 22

40 0 0
                                    


Enjoy reading!

Beatrice POV:

kagaya nga ng sabi ko simula ng ligawan ako ni zeus ay lagi nalang ako nakakatanggap ng mga mamahalin na gamit galing sakanya, tulad ng mga mamahalin na bag. ilang beses ko naman na syang pigilan ngunit sadya talagang makulit si zeus.

Narito kami ngayon sa kanyang sasakyan dahil inaya nya nanaman akong magdate, ilang beses na akong tumanggi sa pagaaya niya ng date saakin ngunit ngayon ay wala akong nagawa kung ang pumayag sa dinner date namin kuno, hindi sana ako papayag dahil marami pa akong tatapusin na trabaho sa bahay kaso ang sabi niya ay sa iba niya nalang ito ipapagawa kaya mas lalo akong hindi pumayag dahil ayokong ipagawa ang trabaho ko sakanila na dapat ako ang gagawa.

Ngunit sadyang makulet talaga si zeus dahil ilang beses niya akong kinulet kaya wala akong nagawa kundi mag paalam sakanila mama at papa na malalate akong uuwi dahil pumayag ako sa gusto niya.

Papunta kami ngayon sa isang restaurant kung saan kuno kami magddinner date, habang nasa byahe kami papuntang restaurant kung saan kami magddinner date ay bahagya akong nagulat ng bigla niyang hawakan ang aking kamay at dinala iyon sakanyang labi pagkatapos ay hinalikan

" I'll wait until I make you mine baby, no matter how many years it takes I'll wait, I'll do everything just to get you, I love you " sabi niya sa malaming na boses habang diretsong nakatingin saakin pero tumingin din sa harap dahil baka mabangga kami.

sana nga, sana nga makapag-antay ka hanggang sa masabi ko ang totoong nararamdaman ko sayo zeus, hindi ko man masabi ang totoong nararamdaman ko ngayon sayo dahil may nararamdaman parin akong takot ngunit alam ko sa aking sarili na...

mahal kita zeus...

Napayuko naman ako dahil sa pamumula ng aking pisnge at sa nararamdaman kong kilig.

Narinig ko naman ang mala musika niyang tawa sa aking pandinig atsaka sabing.

" You're so cute when your blushing baby" sabi niya, dahilan upang mas lalo akong pamulahan kaya mahina ko naman itong nahampas sa kanyang matigas na braso.

" Tseh tumigil ka nga" sabi ko sakanya ngunit mas lalo niya lang akong inasar

" why? I'm just telling the truth. You're so cute when your blushing baby" sabi niya sa malambing na boses.

" Titigil ka o uuwi ako?" sabi ko,

Tumigil naman ito pero halatang nagpipigil ng ngiti kaya tumingin ako sakanya pagkatapos ay inirapan ito at nanahimik.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na din kami sa restaurant kung saan kami magddinner date, akmang lalabas na ako ng pigilan ako ni zeus atsaka sya ang lumabas pagkatapos ay pinagbuksan ako ng nito, hindi ko naman mapigilan ang ngumiti dahil sakanyang ginawa atsaka nagpasalamat dito

" thanks zeus" sabi ko habang nakangiti

" your always welcome baby" sabi niya habang malawak na nakangiti

" let's go inside baby, i have a surprise for you baby because this is my first date with the most beautiful woman in my eyes." sabi niya ulit, ngumiti naman ako pagkatapos ay tumango, bigla ko namang naramdaman ang mainit at magaspang niyang kamay na humawak saaking bewang.

Taming the ocean Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon