Chapter 12

42 3 0
                                    


Enjoy reading!

Beatrice POV:

Nandito ako ngayon saaking kwarto upang mag impake ng dadalhin ko sa paris, nakapagpaalam naman na ako sakanila mama at papa pati rin sakanila kuya lucas and alicia

Nung una ay hindi pa pumayag si kuya lucas dahil ang gusto niya ay sya mismo ang kasama ko papuntang paris at gusto niya sya mismo ang tutupad sa pangarap ko papunta don ngunit alam niyang wala na siyang magagawa dahil parte iyon ng trabaho ko medyo nagtatampo pa sya ngayon kaya hindi pa niya ako pinapansin

Pagkatapos kong mag impake ay bumaba ako upang kausapin ulit si kuya lucas dahil hindi ako sanay ng hindi kami nagpapansinan

" Ma nasaan po si kuya?" tanong ko kay mama

" Nasa kwarto niya anak, kausapin mo sun dahil paniguradong nagtatampo yun sayo" sabi niya, ngumiti naman ako at tumango pagkatapos ay tumaas ulit ako upang pumunta sa kwarto niya

Nakarating ako sa tapat ng pinto niya at kumatok

"Pasok, bukas yan" sabi ni kuya dahan dahan ko namang binuksan ang kanyang pinto at pumasok, naabutan ko naman syang nag-ccellphone habang nakatalikod lumapit naman ako sakanya at bigla ko syang niyakap

" kuya" sabi ko pero hindi sya sumasagot, tama nga ako nag tatampo talaga

" kuya kausapin mo naman ako oh" sabi ko dahilan upang lumingon ito saakin at sabing

" bakit?" sabi niya sa walang ganang boses

" Bam sorry na hindi ko naman din inaasahan na isasama ako ng boss ko ih" sabi ko at ngumuso

" Bam saakin mo sinabi na gusto mong pumunta sa paris kaya dapat ako ang kasama mo at gusto ko ako ang tutupad ng pangarap mo na yun pero bakit naman iba kasama mo?, kuya moko ih" sabi niya sa malungkot na boses

" Ganto nalang bam sa second na pupunta ako ng paris ay ikaw ang magiging kasama ko promise kaya wag kana mag tampo sakin kuya sige ka iiyak ako" pagbibiro ko kasi alam kong ayaw na ayaw niya kaming umiiyak ng mga kapatid niya.

"Promise?" tanong niya sakin at tinaas ang kanyang hinliliit na daliri

" Promise close my heart" sabi ko at itinaas din ang hinliliit kong daliri upang mag pinky swear, napangiti naman ako dahil ayos na kami

" ayos na tayo kuya? hindi kana nagtatampo sakin? papansinin mo na ako?" tanong ko ngumiti naman ito at tumango kaya bigla ko syang niyakap narinig ko naman ang mahina niyang tawa na ikinangiti ko

"Kuya kelan pala alis mo?" tanong ko sakanya

" Next month bam" sagot nya umungot naman ako at nagpadyak ng paa ko at sabing

" Ang bilis naman ih" sabi ko

" alangan naman mabagal" pilosopo niyang sabi

" Bam naman ih" sabi ko tumawa lang naman ito at sabing

" sige na baka malate kapa at maiwanan ng eroplano" sabi niya kaya kumalas na ako ng yakap sakanya at humalik sa kanyang pisngi

" Okay bam" sabi ko at ngumiti sakanya

" Mag iingat ka don ah sabihin mo sakin kung may nang-aaway sayo aawayin ko din" sabi niya at hinalikan ako sa noo kaya ako naman ang napatawa sa sinabi niya

Taming the ocean Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon