III : Amaya sa kaharian ng Avania

129 10 0
                                    

"KAMAHALAN, ano po ang inyong masasabi?" tanong ni Kamia.

Sa aking harapan ay ang isang maliit na bahay na parang isang bagyo ang dumaan ay matutumba na. Ngunit dahil sa mga halamang nakatanim sa paligid nito ay gumanda syang tignan.

"Pagpasensyahan nyo at ito lamang ang nakayanan naming maibigay sayo, Kamahalan. Masyadong mahal at mahirap magkaroon ng lupain, at sa loob ng tatlong daang taon ay ito lamang ang kumasya sa aming kita." Saad ni Lydia na syang umaalalay sa akin.

"Syang tunay, Kamahalan. Hayaan nyo at pag-iigihan pa po namin upang mapalawak pa po ang inyong lupain." sang-ayon naman ni Deo na syang tinanguhan ni Keo.

Sa kanilang sinabi ay biglang sumikip ang aking dibdib na kadalasang aking nararamdaman sa aking unang buhay kapag ako'y naaawa o naaantig sa isang bagay.

'May kakayahan pa pala akong maramdaman ito?'

"Halikayo at ipapakita ko ang inyong magiging silid tuluyan." sabi Lyndia at inakay ako papasok.

"Nasaan ang aking mga magulang?" tanong ko na nagpagulat at nagpatigil sa kanila.

"Kamahalan..." Saad ni Kamia na may lungkot sa kanyang mga mata, ganun din si Deo at Keo.

"Tanong ko'y sagutin ninyo." Saad ko na ma's lalong nagpa tahimik sa kanila.

"Halika muna't pumasok at umupo, Kamahalan. Sa loob ko na lamang sasabihin sa inyo, hindi na maganda ang hangin dito sa labas at baka kayo'y magkasakit." pagsagot ni Lydia at iginaya ako papasok sa loob ng maliit na bahay.

Pagpasok namin ang isang makalumang disenyo ng isang tirahan at may pagkakatulad sa aking unang naging buhay sa panahon ng Joseon ang bumungad sa amin.

"Maupo muna kayo." sabi Lydia saka sya tumingin kay Kamia.

"Siguro hindi na lingid sa kaalaman ninyo ang kahariang inyong kinabibilangan. Tinatawag itong Avania na kung saan nabibilang ang mga nilalang na kagaya nating may kakayahang lumipad at kontrolin ang elemento ng hanging.

Ang kahariang ito ay pinamumunuhan ng Haring Columbus Avania at ng Reynang Savani Flora Avania na syang... na syang... " nag-aalinlangan nitong sabi at lumingon kay Lydia na nagpa buntong hininga sa huli.

"Na syang inyong mga magulang, Kamahalan." pagdugtong nito at sinuri ang aking reaksyon sa kanila g sinabi.

Tinaasan ko lamang sila ng kilay na nagsasabing ipagpatuloy nila ang pagkwekwento na syang naintindihan naman nila.

"Ang iyong ina ay isang Diwani sa kahariang ng Floria at ipinagkasundo sya ng kanyang mga magulang na maikasal dito sa Avania. Labis ang galak ng iyong ina sa pagkat lihim na may gusto sya sa Prinsipe ng Avania, nang sila'y maikasal umamin sa kanya ang Haring Columbus na may pagtingin din ito sa kanya kaya ito pumayag na maikasal sila sa madaling panahon.

Ngunit sa araw din na iyon ay nagkaroon ng digmaan at walang magawa ang Hari na iwan ang kanyang asawa sa gitna ng selebrasyon. Naintindihan naman ito ng Reyna at binasbasan nya ang kanyang asawa.

Tumagal ng ilang taon ang digmaan at nagwagi sa huli ang ating kaharian, ngunit tatlong taon na nang matapos ang digmaan ay hindi parin umuwi ang Hari.

Isang araw, kumalat ang balitang nagkaroon ng pamilya ang Hari sa kasagsagan ng digmaan at ang dahilan kung bakit ito'y hindi parin bumabalik sa kaharian.

Ang dating maunawain at hinahangan ng lahat na Reyna ay lubos ng nagbago dahil sa balitang iyon. Nag-iba na ang kanyang ikinikilos at ugali at maslalo pa itong lumala ng makumpirmang totoo nga ang balitang nang inuwi ito ng Hari at gawin pangalawang asawa.

Nagkaroon ng malaking lamat ang kanilang relasyon, lalo pa't buntis uli ito sa pangalawa nitong anak na syang naging dahilan kung bakit walang oras sa kanya ang kanyang asawa.

Hindi lahat nakaka-alam, ngunit sa kadahilanang iyon ay nagawa din ng Reynang magtaksil at nakipagrelasyon sa kung sino na hindi namin kilala.

Nagkaroon ng pagpupulong sa kung sino ang hihiranging ikalawa sa trono at marami ang nagsabi sa konseho na dapat mula ito sa mismong Reyna ng kaharian at hindi sa ibang asawa ng Hari na syang nagbigay galak sa Reyna, nagbigay ng araw ng pagsisiping ang isang pari na syang pinayagan naman ng Hari.

Nabuntis ang Reyna, at gaya ng inaasahan nito ay inaalagan sya ng Hari. Sa araw ng kapanganakan niyo ay lubos kaming nagulat ng dalawang itlog ang lumabas, isang kulay ginto at isang puti. Alalang alala ko pa kung paano naging balisa ang Reyna nung nga panahon iyon. Pipisahin kana sana nya nang biglang dumating ang taga anunsyo na dumating na ang Hari at nais nyang pumasok. Walang nagawa ang Reyna kundi ang ibigay ka sa akin at sinabing ako na ang bahalang tumapos sa iyo.

Dumaan ako sa likod na bintana at nagpakalayo layo, hindi ko maaatim na tapusin ang buhay nang isang supling na walang kamuwang muwang.

Importante sa akin ang Reyna, dahil sa iniligtas nya ako sa mga panahong nasa bingit ako ng kamatayan at itinuring din nya akong isang kaibigan, kaya lahat ng kanyang utos ay buong puso kong sinusunod. Ito ang kauna-unahang sumuway ako sa kanya kaya wala na akong mukhang maihaharap pa." Mahabang kwento ni Lydia at kakikitaan din ng lungkot ang kanyang mga mata.

"At sana ay wag kayo magtatanim ng galit sa inyong Ina, Kamahalan. Nagawa nya lamang iyon sa pag-aakalang isa kayong bunga ng kanyang pagtataksil, ayaw lamang ng inyong Ina na iwan sya ng Hari. At wag din po sana kayo magtanim ng galit sa inyong ama, dahil hindi nito alam ang inyong katauhan, kaya na - " dugtong pa nito pero napahinto sya ng sumingit na ako sa kwento nya.

"Ayoko nang marinig pa ang patungkol dito. Wala na akong pakialam kung sino ang aking magulang. Simula ngayon isa na lamang akong pangkaraniwang nilalang sa kahariang ito, walang titulo at posisyon pinanghahawakan, isang hamak na mamamayan lamang." sabi ko.

" Ngunit Kamahalan-"

"Amaya, yan ang aking pangalan at hindi Kamahalan. Tawagin nyo ako sa pangalang iyan."

"Ngunit..."

"Isa iyang utos at hindi paki-usap na sana ay inyong sundin." sagot ko na nagpa bigla sa kanila.

"Masusunod, A-Amaya" sagot nilang apat may pag-aalinlangan.

Simula ngayon hindi na ako makikipag-paligsahan para sa trono o ano mang pusisyon na lagi kong ginagawa sa mga nakaraan kong buhay.

Gusto ko nang mamuhay ng tahimik at payapa. Buhay na malayo sa gulo.

Alam ko sa katauhan ko ngayon ay malabo iyong mangyari, natitiyak kong hahabulin ako nito, ngunit gagawin ko ang lahat para hindi ito mangyari.

Masyado na akong pagod para mag-isip at makipag-agawan sa trono o anumang titulo.

Pagod na pagod na ako.

RETRIBUTION I : LAW OF IMMORTALITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon