XVIII : Majicus Absorcion

98 6 0
                                    

MAHIGPIT akong nakakapit sa tali na gamit namin paakyat ng bundok na sakop parin ng Akademia. Patungo kami sa lungga ng naturang puting Leon na matatagpuan lamang sa tuktok ng bundok na kung tawagin nila ay Bundok ng Majikus at dito matatagpuan ang ibat ibang uri ng mga hindi pangkaraniwang nilalang.

"Tumatayo ang mga balahibo ko sa batok, nakakakilabot dito." komento ni Cain na siyang nasa harap ko.

Sa katunayan ay pumuslit lamang akong sumunod sa kanila at saka lamang nila ako nakita ng nasa paanan na sila ng Bundok, nagalit sila sa akin at napagsabihan ng malala dahil daw ay sobrang delekado ang pupuntahan nila at baka ako'y mapahamak.

Ngunit wala na silang nagawa ng magmatigas akong sumama sa kanila.

"Wag na wag mong subukang humiwalay sa akin!" pagbabanta ni Zyne na naka-alalay sa aking braso nang akmang hahabulin ko ng lakad sila Ace na kung saan nangunguna sa amin.

Ito ang isa sa mga rason kung bakit ako napalapit sa kanila - sa kanila ko lamang nalaman ang tunay na kahalagahan ng salitang kaibigan. Sa kanila ko naramdaman na isa din akong importanteng nilalang at kahit walang kapalit ako'y inaalagaan at iniingatan.

"Nauuhaw ka na ba? May dala akong tubig, may pagkain din kung gusto mo." tanong ni Ralf sa akin na nasa likod ko katabi si Fade.

"Kung pagod ka sabihin mo lang, ako magsasabi kay Ace." sabi naman Cain na nasa kabilang gilid ko bitbit ang gamit na dinala ko kanina.

Napangiti na lamang ako at hinihiling na sana ay hindi sila magbago dahil gagawin ko ang lahat mapanatili lang silang lahat sa tabi ko.

Alam kong nagiging mapag-angkin at makasarili na naman ako pero masama bang gawin ko kung anong ikakasaya ko?

Masyado na akong pinaparusahan ng tadhana - hindi ba pwedeng ipagkaloob naman sa akin ang hiling kong kasiyahan sa buhay na ito?

"Fade, Cain, Savi, Zeus, Lash, Wave - you'll follow me later! Tayo ang kukuha ang dumi ng naturang Leon.

Yulo, Burn, Kyle at Dean- kayo ang magbabantay sa labas ng kweba, gumawa din kayo ng barrier pang harang dito.

Yung mga hindi natawag dito na lamang kayo at bantayan ang babaeng makulit." sabi ni Ace na ikinasama ng tingin ko.

Hindi man niya sabihin ng derekta pero alam kong ako iyon dahil ako lang naman ang babae dito.

"Marunong din naman akong makipag laban ah! Bakit mo ako pinababantayan?"

"Tst!" sabi niya lang at sinenyasan na ang mga kasama para simulan na ang plano.

Susundan ko na sana ngunit naka hawak parin si Zyne sa aking braso at inilingan lang ako.

"Wag mo na iyong pansinin, yun talaga ang plano namin sila ang susugod tapos kami naman ang aalalay kung may mangyaring masama. Kaya wag ka ng bumusangot diyan at kumain ka nalang muna." paliwanag neto at inabutan ako ng pagkain at tubig.

"Upo ka muna dito habang naghihintay tayo." sabi ni Hayan habang pinapagpagan ang isang malaking ugat ng puno.

Umupo ako dito katabi si Hayan at si Ralf habang naka tayo naman sa harap namin sila Zyne at Rust.

Pinagmasdan ko ang paligid at apaka-ganda neto, ang aliwalas tignan at masyadong makulay na nagbibigay buhay sa buong paligid ngunit tama si Cain nakakapanindig balahibo nga ang aurang nakapaligid dito.

Napabalikwas ako ng tayo ng biglang gumalaw ang lupa at hinahangin ang mga halaman at puno at kita din namin ang unti unting pagka bitak ng mga bato sa kwebang pinasukan nila Ace.

"Anong nangyayari?" tanong Zyne na kadalukuyang naka hawak na naman sa aking braso.

"Ayaw matanggal ng barrier!" sigaw ni Dean nakasalukuyang nakatutok ang kamay sa harang na ginawa nila kanina.

Nang marinig namin ang sinabi ni Dean ay lumapit na kami sa kanila at tinulungan ang mga ito.

"Sa tingin ko ay mas lalo itong lumalakas!" komento naman ni Yulo.

"Itigil nyo na! Sa tingin ko ay mas lalo itong lumalakas habang nalalapatan ng kapangyarihan." sabi naman ni Kyle kaya inihinto namin ang pagsira sa harang.

"Kung hindi ako nagkakamali eto ang tinatawag nilang Majicus Absorcion, isa ito sa mga makapangyarihang abilidad na kung kapag nalapatan neto ang anumang kapangyarihan o abilidad ay lalo itong lalakas at ang tanging makakatanggal lang neto ay ang mga nilalang na may kaparehing kapangyarihan lang din." paliwanag ni Hayan.

"Ano na gagawin natin?" iritang tanong ni Dean na syang gumawa kanina ng barrier.

"Sino ang gumawa neto?" tanong ko sa kanila.

"Hindi ko alam at wala naman akong napansing ibang nilalang kanina. Liban nalang kung iyon ang kapangyarihan ng puting Leon na pakay natin dito, hindi pa kasi nasasaad sa libro ng kasaysayan kung ano ang abilidad ng naturang Leon." paliwanag ni Hayan na may kakayahang pakiramdaman ang paligid.

Mas lalo kaming naging aligaga nang lumakas ang pag galaw ng lupa at naging marahas na ang hangin na mas nagbigay bigat sa aura ng paligid.

Pilit kong kinokontrol ang hangin sa paligid ngunit masyado itong malakas, gumamit narin ang mga kasamahan ko ng kapangyarihan upang hindi sila matangay ng malakas na hangin at ramdam ko din ang mahigpit na kapit sa akin nila Zyne at Ralf sa magkabila kong braso.

Ilang minuto din kaming nasa ganong posisyon at ramdam ko narin ang mga namumuong pawis sa aking noo isama mo narin ang panghihinang nararamdaman ko nang makaramdam ako ulit ng malakas na aurang bumalot sa amin.

Naging malinaw na muli ang paligad at nawala ang marahas na hangin pero ramdam parin ang konting pag galaw ng lupa.

"Ayos lamang ba kayo?" tanong ng isang tinig na nagpalingon sa akin na pinagsisihan ko.

Gulat at pagkalito ang nakita ko sa kanilang mga mata at lalo na sa kanya pero panandalian lamang iyon na parang namamalikmata lang ako.

"Who are you?" maarteng tanong ng isang babaeng may mahabang olandes na buhok na kasalungat ng maikli netong paldang suot.

Wala ni isang sumagot sa amin sa kanya dahil hindi naman namin alam kung sino ang kanyang tinutukoy.

Parang may pagka banlag kasi ang mata niya ng konti.

Pero parang lang naman.

"Anong ginagawa ng mga baguhang estudyante dito? Hindi niyo ba alam na masyadong delekado ang lugar na ito para sa inyo?" tanong ng lalakeng nasa harapan nila na may makintab na olandes na buhok.

"Prinsipe Angus, kami ay inatasan ng aming Guro na kumuha ng dumi ng puting Leon para sa isang proyekto. At ayon sa nalaman namin ay dito lamang matatagpuan ito." paliwanag ni Zyne na mula sa kaharian ng Frostia anak ng isang Prinsipe.

"Wag ninyong babalaking magsinungaling dahil alam ng lahat ng Guro sa Akademyang ito na bawal pumasok ang mga baguhan sa bundok na ito." sagot ng isa pang Prinsesa na may asul na buhok.

"Hindi po kami nagsisinungaling Prinsesa Azura, totoo po ang kanyang tinuran, ang sabi po ng aming Guro ay isa daw itong sangkap para sa gagawin naming gamot." sagot naman ni Burn na mula sa kaharian ng Solaria anak ng isang Duke.

"Gamot? Sa lahat ng librong nabasa ko patungkol sa medisina ay wala akong nabasang maaaring gamitin ang dumi ng puting Leon pang gawa ng gamot!" saad ng Prinsesa Azura na syang tingin ko ay nagmula sa kaharian ng Aquaria.

"Sino ang Gurong iyong tinuturan?" Tanong naman ni Prinsipe Angus na kanina pa nakatitig sa akin.

"Gurong Ezren, yan ang kanyang pangalan." seryosong sagot naman ni Rust na anak ng Heneral mula sa Darkia na nagpakunot ng noo ng mga bagong dating.

"Hindi ba ninyo kami tutulungang iligtas ang mga kaklase namin?" tanong ko na nagpalingon sa kanila dahil walang mangyayari kung mag-chichismisan lamang sila dito.

RETRIBUTION I : LAW OF IMMORTALITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon