XV : Unang Araw

99 5 1
                                    

"ANG ganda!" komento ni Blyth ng makapasok kami sa magiging bagong silid namin.

Masasabi kong mas moderno ang desenyo ng parteng ito ng Akademia mula sa mga inprastraktura hangang sa mga kagamitin.

"Sino kaya ang makakasama natin sa silid na to?" tanong niya ng makitang may apat na silid tulugan na nasa kaliwang bahagi ng salas at ang nasa kanan naman neto ay kusina.

"Wala din akong ideya. Sana lang ay hindi ito maingay gaya mo." naisaad ko na ikinasimangot niya.

Nagkibit balikat nalamang ako at pumasok sa pinaka-dulong silad bitbit ang mga gamit ko.

Malinis at simple lamang ang desenyo ng loob ng silid, may kama, aparador, mesa, aklat at sa kanan naman matatagpuan ang silid palikuran.

Binuksan ko ang aparador at doon ko nakita ang bagong uniporme na gagamitin namin. Maayos na isinalansan ko narin ang iba ko pang mga damit dito bago ito isinara, nakita ko rin ang mga bagong sapatos sa ibaba kaya tinabi ko din dito ang luma kong mga sapatos.

Lumapit ako sa lamesa at inilapag doon ang mga dala kong libro. Nakita ko din dito ang mga bagong kagamitan gaya ng mga panulat, papel at iba pa.

"Amaya!" malakas na katok nang taong nasa likod ng aking pinto.

Lumapit ako dito at iritang binuksan ito dahil para na niyang gigibain ang pintuan ko.

"Bakit?" nakasimangot na tanong ko pero binalewala lang niya.

"Andyan na ang bago nating makakasama sa silid." nakasimangot niya ring turan.

"Hi, sweet!" agaw pansin ng babaeng nasa may salas na ma lalong nagpasimangot sa akin at nagpatawa sa huli.

"Don't you missed me?" malungkot na tanong neto ngunit kabaliktaran ng sinasabi ng mata niya — para pa itong tuwang tuwa sa reaktyon namin.

"Kung ikaw lang naman pwede pa, kaya pa kitang pagtyagaan at tiisin. Pero bakit ka pa nag dala ng asungot." sagot neto na ang tinutukoy ay si Makasa na nasa likod lamang ni Casi.

"Ang sama mo talagang nilalang. Malapit na tayong maging in-law pero ganyan parin turing mo sa akin. Kung sana ay tinutulungan mo akong ilakad sa pinsan mo edi sana may pakinabang ka pa at nakatulong ka pa sa isang magandang si ako!" sagot ni Makasa na mas lalong nagpasama sa timpla ng huli.

"Wag ka namang masyadong mahigpit, baka pagkamalan kong may pagtingin ka sa sarili mong pinsang buo." ngising dagdag niya pa na naging dahil ng pag taas ng deperatura sa buong silid namin.

"You calm down, bitch!" pag-awat ni Casi at nilingon niya naman si Makasa. "At ikaw naman wag mo na siyang patulan. And I assure you, wala naman yang gusto dun sa pinsan niya, she's head over heels din to someone." sabi niya dito na nagpahinto dito.

"Sino naman ang malas na lalakeng iyon?" wala sa sariling tanong niya na mas lalong nagpasama sa mukha ni Blyth.

Ilang segundo lamang ay narinig namin ang pagbalibag ng pintong katabi ng kwarto ko na siyang ikinatawa ng malakas ni Casi na nagpataka naman kay Makasa.

"Bakit?"

"Wala!" natatawang sagot neto na nagpailing na lamang sa akin.

"Pumili na kayo ng kwarto niyo at mag pahinga muna." saad ko at bumalik sa aking silid at nahiga sa kama.

Hindi ko inaasahang magiging mas maingay ang paglipat namin.

"HINDI mo parin ba nakita ang mga kapatid mo?" tanong ni Blyth nang malapit na kami sa magiging silid namin.

Ngayon ang unang araw ng klase namin at napagkasunduan namin na hagilapin ng tingin sila Kuya sa daan patungo sa silid namin.

"Hindi ko sila nakita." sagot ko.

"Nasaan kaya nagsusuot ang mga iyon? Gusto mo bang sa punong guro na mismo tayo lumapit para magtanong ng mga nawawalang nilalang?" seryosong saad neto na nagpa-iling lang saakin.

"Masyadong halata na mas nasasabik ka pang makita sila kesa sa mismong kapatid." natatawang komento naman ni Casi na sinabayan naman ni Makasa.

"Wala na kayo doon! Hangang dito lang usapan oh, ba't sumasabat kayo di naman kayo ang kausap?" irap neto sa dalawa na mas lalong nagpalakas sa tawa ng mga ito.

"Kyahhhh~" matinis na irit ni Makasa nang mabuksan neto ang pinto ng aming silid.

"Bakit naman walang bagong mukha? Nakakasawa!" sabi neto na nagpailing lang sa mga kaklase namin at ang iba ay tumatawa pa.

"Ayaw mo nun? Hindi na natin kaylangan mag pakilalang muli. Hahaha." sagot naman ng isa naming kaklase.

Dumeretso nalang ako sa pinaka likod ng klase na sinundan naman ng tatlo.

"Oh! Dumating na pala ang mga Prinsesa namin!" komento ng bagong dating.

Sa labing siyam namin sa klase apat lang kaming mga babae, kaya minsan tinatawag nila kaming Prinsesa at tuwing may mga gawain ay sila ang gumagawa.

Pero sino nga ba ang mag uutos, kung si Casi ay anak ng Duke, si Blyth pamangkin ng hari, si Makasa naman ay anak ng tanyag na punong manggagamot na kaibigan ng Reyna, at ako naman na siyang pinaka bata.

"Hanapin muli natin sila pagtapos ng klase." suhestyon ni Blyth sa akin ng maka-upo kami sa pwestong gaya ng lumang silid namin.

"At wag na kayong sumabat." duro niya kela Casi ng akmang sasagot ang mga ito.

"Magandang umaga!" bungad bati ng bagong pasok na siyang hinuha ko na aming magiging guro kaya naman ay binati namin ito pabalik.

"Nagagalak akong makakita ng mga bagong mukha. Ako nga pala si Gurong Ezren, ang mag gagabay at magtuturo sa inyo sa pagpapalakas ng inyo g pisikal na lakas sa buong isang taon. Wag sana kayong magsawa sa mukha ko." natatawang saad neto.

Hindi gaya sa mga paaralan sa planetang Earth, ang Akademia dito ay nakapokus lang sa isang aralin sa isang buong taon.

Maganda naman iyon dahil hindi mahahati ang atensyon ng mga estudyante pero yun nga lang ay nakakasawa nga talaga.

"Ngayon gusto ko muna kayong makilala isa isa. Magsimula tayo sayo." turo neto sa harapan.

At kagaya dati ay isa isa kaming nag pakilala na inabot ng mahigit isang oras dahil nagtatanong din ito ng kung ano ano.

"Napaka perpekto naman ng klaseng ito." komento neto ng matapos kaming mag pakilala.

"Halos lahat ay mula sa matataas at makapangyarihang pamilya sa ibat ibang kaharian, ang iba naman ay mula sa mayayamang negosyante.

Kaya hindi na kataka-taka kung malalakas kayo. Pero ang labis kong hinahangaan sa inyong lahat, ay ikaw." sabi niya habang naka turo ito sa akin.

"Masyado ka pang bata sa edad mong labing syam kaya nakakamanghang napabilang ka sa pangkat ng mga Royals." dagdag pa niya habang titig na titig ito sa akin.

"At ang mas lalong nangpahanga sa akin ay isa ka sa mga malalakas sa klase niyo. Hindi bat nakakapagtaka na sa murang edad mo at sa loob lamang ng isang taon ay nakaya mo na lagpasan ang mga mas matagal nang gumagamit ng kapangyarihan sayo?" sabi pa neto.

"Pursigido po kasi siyang matuto kaya lumakas siyang ganyan." sabad ni Blyth ng maramdaman nyang wala akong balak sumagot.

"Bakit? Kayo ba ay hindi pursigido at halos lahat kayo ay mas mahina kumpara sa kanya?" tanong naman nito na nagpasama sa timpla ng iba kong mga kaklase na siyang ikina-halakhak ng Gurong nasa harapan namin.



RETRIBUTION I : LAW OF IMMORTALITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon