XXII : Lagusan. Libro. Plano.

99 6 0
                                    

TAKOT AT PAGKABALISA.

Iyan ang nararamdaman ng karamihan sa mga mag-aaral. Walang nino mang mag-aakala na pagkalipas lamang ng mahigit isang taon ay isang lagusan muli ang magbubukas.

Sa kasaysayan ng buong Mistica Landia ay kadalasang mahigit isang daan taon pa muli bago magkaroon ng panibagong lagusan, kaya nakakapagtaka ang pangyayaring ito at nagdulot ng pangamba sa lahat lalong lalo na't hindi pa nalalagyan ng harang ang nasa kaharian ng Floria ay may panibago na naman.

Ang panibagong lagusan ay tumubo sa Gubat na matatagpuan sa pagitan ng Akademia de Mistica at ng kaharian ng Darkia na kung tawagin ay ang gubat ng panganib.

Ang Gubat ng panganib ay ang pugad ng mga batang Darkian na hindi pa nag-aanyong tao at hindi pa makontrol ang kanilang kapangyarihan at pag-iisip. Kaya naman tinatawag itong mapanganib dahil sa kaya kanilang patayin at saktan ng walang pagdadalawang isip kaya ipinagbabawal pumasok ang mga ibang lahi dito.

Isang linggo na ang nakakalipas at usap-usapan na marami nang nasawing mga batang Darkian at mapasa hangang ngayon ay hindi pa bumabalik ang mga maharlikang ipinadala roon upang harangan ang lagusan.

"Wala parin ba tayong klase?" tanong ni Blyth.

"Wala parin daw, halos lahat ng mga Maestro natin ay nasa kaharian ng Darkia." sagot naman ni Cain.

Kasalukuyan kami ngayong nasa silid aklatan at tumatambay naisipan namin ditong magkita-kita dahil sa hindi ito pinupuntahan madalas ng mga estudyante at lagi itong walang tao kagaya ngayon, ang tanging wala lamang saamin ay sila Ace at Hayan na kung saan ay pinahintulutang sumama patungong Darkia.

"Aren't you guys bothered and curious about those portals?" tanong ni Casi na kinataas ng kilay ni Blyth.

"Who wouldn't be? Lahat naman siguro tayo diba? Those portals makes us miserable and restless. Kung pwede lang mawala ang mga iyon kapalit ng buhay ko ay buong puso kong gagawin, ang tatlong libong taon na paghihirap natin ay masyado nang mahaba." sagot ni Blyth na sinang-ayunan ng lahat.

"Sang-ayon ako sa sinabi mo, kaylangan ay may gawin tayo upang makatulong kahit sa maliit na bagay man lang." pagsasang-ayon naman ni Fade na sinang-ayunan ng lahat.

"May naisip akong plano..." taas kamay ni Burn.

Napailing na lamang ako at inilibot ang aking tingin kesa ang pakinggan ang sinasabi nilang plano — dahil alam ko namang sa lahat nang plano nila ay hindi nila hinahayaang sumama ang mga babae lalo na kapag delekado.

Lumapit ang sa mga estate na kung saan maayos na na kasalanan ang mga libro, kababakasan ang pagkaluma at ang mga alikabok na nakadikit sa mga ito.

Sa pagkaka-alam ko ang aklatan na ito ang unang gusaling ipinatayo sa buong Akademia at ito ay mahigit sampung libong taon na ng nakakalipas.

Hindi na ito pinupuntahan ng mga estudyante dahil sa kwentong may kaluluwang nagbabantay daw dito at isa pa ay may dalawang silid aklatan pa ang Akademia na ma's modern at magandang desenyo kesa sa aklatan ito na parang pinaglipasan na ng panahon dahil sa makalumang desenyo at nakakatakot na awrang naka paligid dito.

Pinadaan ko ang daliri ko sa mga librong na dadaanan ko hindi alintana ang alikabok neto, amoy na amoy ko rin ang hindi kaaya-ayang mga amoy neto.

Napahinto ako ng may maamoy akong pamilyar na amoy at alam kong hindi ito mula sa mga ka samahan ko, pinakiramdaman ko ang paligid dahil baka may ibang nilalang pa dito bukod sa amin.

Ngunit pagkalipas ng ilang minutong pag-oobserba sa paligid ay wala akong naramdaman kakaiba at kung meron man ay alam kong maaalerto ang mga kasamahan ko na maingan paring nag-uusap hindi kalayuan sa kinatatayuan ko.

RETRIBUTION I : LAW OF IMMORTALITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon