XXVI : Fate. Destiny.

88 4 0
                                    

Pasalampak akong umupo sa aking kama dahil sa pagkabigo.

Sa ilang oras kong namalagi sa silid aklatan ay wala man lang magandang nangyari.

Sinubukan kong butasan ang pader ngunit ang kagubatan na matatag-puan sa likod ng akademya na ang sumalubong sa mata ko, hinalughog ko narin ang buong aklatan nagbabakasakaling nahalo ito sa ibang libro ngunit dumilim na lahat-lahat ay hindi ko parin nakita ni anino nito.

Napasabunot ako sa aking buhok dahil sa sobrang pagtataka.

Paano iyon nangyari?

Paanong nawala na lamang ang librong iyon sa aking silid?

Paanong nawala nalang bigla ang espasyong iyon sa silid aklatan?

Paanong nagkaroon ng harang na pader sa parteng iyon?

Dahil sa kalituhan ay hindi ko namalayang kanina pa pala may kumakatok sa aking pintuan.

Bumungad sa pagbukas ko ng pintuan ang tatlong kasama ko sa silid, mababasa sa mukha nila ang pagkalito sa kung anong bagay.

"Pwede ka ba naming maka-usap?" pagbubukas ni Blyth pagkaraan ng ilang segundo.

Tinanguan ko lamang sila at nauna nang tumungo sa aming sala upang doon kami mag-usap.

Napansin kong nagbabatuhan sila ng tingin na parang nagtuturuan sila sa kung sino ang magbubukas ng usapan.

"Kagabi pa namin ito gustong itanong sa iyo. Paano mo iyon nagawa? Paano mo naisara ang lagusang iyon?" tanong ni Casi pagkaraan ng ilang minuto.

Inaasahan ko nang itatanong nila iyon sa akin pero hindi parin ako nakasagot agad sa tanong niya.

Totoo ang sinabi kong wala akong maalala sa kung ano ang nangyari kagabi, pero sigurado akong ako ang sanhi ng pagkasarado ng lagusang iyon.

Napatingin ako sa kaliwang hintuturo ko - wala na ang maliit na hiwa dito pero may nararamdaman akong hapdi na parang napapaso dito simula pa kagabi na sa tingin ko ay isa sa mga epekto at kapalit ng pagsasara ng lagusan.

Hindi ko alam kung matatawag ba itong kakayahan o kapangyarihan, o dapat ba akong matuwa o matakot sa nangyayari.

Ayon sa libro...

Ang sinomang nilalang na makakabasa nito ay magkakaroon ng kakayahang isara ng tuluyan ang mga misteryosong lagusan sa pamamagitan ng kanyang dugo na hinaluan ng manang taglay neto - naka depende din sa kung gaano kadaming dugo at mana ang ibubuhos neto sa lakas at laki ng lagusan isasara.

Dugo, mana, at enerhiya mo ang nakataya.

Pero, may isa pang option at mas madaling paraan, iyon ay ang ibuhos ng nilalang na iyon ng isang bagsakan ang buo nyang mana sa katawan pati narin ang natitira netong life-span. Sa pamamagitan neto ay maisasarado nang tuluyan lahat ng lagusan.

Ito ang nakatalang sinabi ni Goddess Hecate na tanging solusyon upang mawala ang kanyang sumpa bago ito naglaho sa buong sang-kalawakan.

Magandang balita ito sa buong Mastica.

Ngunit...

Bangungot sa taong itinakdang makabasa ng naturang libro.

Sa totoo lang ay inakala kong isang nobela lamang na akda ng kung sino mang walang magawa sa buhay ang aklat na iyon.

Hindi ko pinaniwalaan...

Hindi ako naniwala...

Hindi kapani-paniwala...

Ngunit, sa nangyari kagabi sa tingin ko ay dapat ko itong paniwalaan.

Sa pagkaka-alam ko sa buong kasaysayan ng Mistica Landia walang ninomang nakatukoy sa pinag-mulan ng mga misteryosong lagusan, ngunit, kung tama nga ang nakasaad sa aklat na iyon ang rason ng pagsulpot ng mga ito ay dahil sa sumpa ng Dyosa ng kabutihan, kasamaan at ng gabi.

RETRIBUTION I : LAW OF IMMORTALITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon