XXXIV : PERSEUSSSS!

58 5 0
                                    

Muli akong napabuntong hininga habang nakatingin sa aking kisame.

Ilang araw na ba akong nakakulong sa kwarto ko?

Tatlong araw? Apat? Lima?

Sa totoo lang ay hindi ko na alam dahil ni liwanag ng araw o buwan ay hindi ko maaninag.

Magmula nang araw na iyon ay hindi na muli ako nakalabas sa silid ko ni hindi man lang kami natuloy sa lakad namin noong araw na iyon.

Muli akong napakamot sa ilong ko dahil para na naman akong nababahing.

Hindi ko alam kung anong ganap nila sa buhay at pati ako ay nadadamay, gustong gusto ko na talaga silang tirisin lahat at pag-uuntugin.

Tuluyan akong napabahing ng apat na beses na sunod-sunod dahil sa masangsang na amoy na iyon na di ko alam kung saan nagmumula.

Parang amoy ng napabayaang buwanang dalaw ng babae sa sobrang lansa.

Hindi ko alam kung paano ko ito natiis sa loob ng ilang araw at hindi ko rin alam kung bakit hindi ko man lang magamit ang kapangyarihang taglay ko.

Nakaratay lamang ako sa aking higaan na ni kahit daliri ko ay hindi ko maigalaw.

Masyado akong nanghihina at ang tangi ko lamang masisisi ay ang masangsang na amoy na ito!

Matalim kong tinignan ang lapastangan na taong pumasok sa aking silid.

"Dinalhan kita ng makakain!" sabi ni Casi habang nakangiti at ang lapastangan ay nakatakip ang dalawang butas ng ilong.

Inirapan ko lamang ito pahiwatig na ayoko siyang makita. Naubos na ata ang boses ko sa pagmamakaawa sa kanila pero ayaw parin nila akong pakawalan.

Narinig ko ang pagbuntong hininga neto pagkalipas ng ilang minutong katahimikan kasunod ng paglapag niya sa hawak niya sa mesang katabi ng higaan ko.

"Alam mo kung ano ang kondisyon na hinihingi namin hindi ba?" mahinahong tanong niya.

"Makakalabas ka lamang dito kapag sinabi mo kung sino ang nag lagay ng markang iyan sa leeg mo." dagdag niya pa nang hindi ako nagsalita.

Ang sabi nila ay masyado daw delekado na magpagala - gala ako kaya nila ako kinulong dito, pero sa anong dahilan? Bakit naman delekado?

Wala man lang paliwag sa kung anong dahilan at basta nalang nila ako kinulong at pinaparusahan ng ganito.

"Ang Prinsipe nga ng Darkia!" urat kong sabi.

"Paanong ang Prinsipe eh hindi pa nga iyon nakakabalik dito sa Akademia!" at kagaya ng mga nakalipas na araw ay ayaw nilang paniwalaan.

Gusto kong magdabog dahil sa pinagmumukha nila akong sinungaling! Inirapan ko nalamang ito at hindi na siya muling pinansin, nakakaasar lang diba?

Nagtatanong siya tapos kapag sinagot naman hindi naniniwala — parang tanga lang!

Pagod na akong makipag argumento sa kanila, nasa sakanila nalang kung paniniwalaan nila o hindi.

Muli akong napa-irap nang malala ko ang sinabi sakin ni Blyth noong isang araw.

Tst. Sinabihan ba naman akong ilusyonada dahil daw ang Prinsipe pa ang pinagbibintangan ko!

At ang sabi naman ni Makasa ay nananaginip daw ako ng gising!

Tst. Hindi ko na talaga alam kung kaibigan ko ba talaga sila o hindi.

Lumipas pa ang kung ilang oras at para na talaga akong mababaliw.

Nakakabaliw pala ang humilata lang at walang gawin ng ilang araw?

Hindi ko narin masyadong naaamoy ang malansang amoy na iyon na tila ba nasanay na ang ilong ko.

RETRIBUTION I : LAW OF IMMORTALITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon