XVII : Unang Tagpo

104 4 0
                                    

MAHIGIT kalahating oras na nang dumating ang mga Prinsesa at Prisipe ng ibat ibang kaharian ngunit naka-upo parin ako at pinagmamasdan sila.

Halos lahat ng mga kaklase ko ay nagsilapit sa mga ito upang magbigay galang at batiin ang mga ito.

"Hihintayin pa ba natin sila?" tanong ni Ralf na isang anak na negosyante sa kaharian ng Solaria.

"Hindi ko rin alam." sagot naman ni Hayan na isa ring anak ng negosyante sa kaharian ng Aquaria.

"Baka kasi matagalan ang mga yan mag usap-usap dahil matagal narin hindi sila nagkita-kita." saad ni Ralf.

"Bakit naman?" kuryosong tanong ni Fade na nagmula sa Darkia.

"Hindi mo alam?" tanong ni Ralf na inilingan lang ni Fade.

Mailap din itong si Fade sa iba pero kung nakapalagayan ka na niya ay kakausapin ka na neto. Mahiyain at tahimik lang din ito at puro pagbabasa ng libro lamang ang nakaka-kuha ng interes niya.

"Nakakalimutan mo na yatang mga anak ng matataas na opisyal ang mga kaklase natin, malamang sa malamang ay lagi ang mga iyan sa palasyo noon pa man. Ang alam ko din ay magkakakilala silang lahat at ang iba ay kaibigan ng mga Prisipe at Prinsesa." paliwanag ni Ralf.

Muli kong ibinaling ang aking atensyon sa mga naturang Prinsesa at Prisipe at tama nga ang sabi ni Blyth noon, walang maitulak kabigin ang mga ito, magaganda nga ang kanilang itsura at tindig. Anim na lalake at apat na babae, litaw na litaw sila sa dami ng estudyanteng nasa loob ngayon ng bulwagan.

Habang pinagmamasdan ko sila ay muling nagbukas ang malaking pintuan at pumasok dito ang isang pamilyar na pigura na mas lalong nagpa-ingay sa mga estudyante.

Mula sa mga kulay ng mata, hugis ng ilong at mga labi, parehong pareho sa nilalang na nakikita ko tuwing nakaharap ako sa salamin, ang pinagka-iba lamang namin ay ang porma at kapal ng kilay at ang kulay ng buhok.

Mas matangkad din ito sa akin ng isang talampakan kung susukatin at maganda din ang kanyang pangangatawan. May pagkakapahero din sa mga ekspresyon sa aking mukha.

"Hindi ko alam kung namamalikmata lamang ba ako o hindi." pagbasag ni Ralf na pabaling baling ang tingin.

"Akala ko ako lang din ang naka pansin." pagsang-ayon naman ni Hayan at tumitig ito sa akin.

"Ng alin?" baling naman ni Fade mula sa pagbabasa nya.

Tumayo na ako at naglakad palabas ng bulwagan. Nakarinig pa ako ng pag tawag sa aking pangalan ngunit hindi ko na ito pinansin pa at nilingon.

Sobrang laki ng pagkakahawig namin at hindi na nakaka gulat kapag pagkamalan kaming magkadugo.

Ang iisipin ko nalang muna ngayon ay kung paano ko sila iiwasan at lulusutan ang mga magiging haka-haka ng iba.

Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi pa ako nakakatagal sa labas pero sumasakit na ang ulo sa mga problemang parating.

Bakit ko nga ba nakalimutan na sobrang laki ng posibilidad na magkita kami. Masyado akong naging kampante.

Napahinto ako sa aking paglalakad nang mapagtanto kong nasa madilim na akong kagubatan. Nanindig ang aking mga balahibo sa sobrang dilim ng lugar at isama mo pa ang ibat ibang huni ng mga hindi ko maturang hayop.

Tinalasan ako ang aking pangdama at lumingon lingon sa paligid nagbabakasakaling maalala ko ang daan pabalik.

Nadismaya ako nang hindi talaga pamilyar ang kahit anong sulok ng kinaroroonan ko ngayon.

Napatampal na lamang ako sa aking noo nang maalala kong bobo pala ako sa dereksyon mula noon pa man.

Naalerto ako nang may maramdaman ako sa paligid...

RETRIBUTION I : LAW OF IMMORTALITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon