XXVIII : Pinagbago

84 3 0
                                    

"Are you sure about that?" nagdududang tanong ni Casi kay Makasa na ikina-irap lang ng huli.

"Sa ating apat ako ang may mas matatas na kaalaman sa ganitong mga bagay." sabi niya at walang pagdadalawang isip na inihulog ang hawak kanina ni Casi na tubig sa kawali.

Natawa na lamang ako nang biglang nagsitakbuhan sina Casi at Blyth palabas ng aming silid pero pagkaraan ng ilang minuto ay nakita kong nakasilip ang ulo nila sa pintuan.

"Mga duwag!" bulyaw ni Makasa sa mga ito. "Wala ba kayong tiwala sa akin?" dagdag pa niya na mas lalong nagpa tawa sa akin.

Kasalukuyan naming ginagawa ang binigay sa amin ni Gurong Gabo na aming proyekto.

Ayon sa medicine guide book na ibinigay sa amin ng aming Guro, ang gamit ng gamot na ito ay para mapabilis ang paghilom ng sugat o mga pasa sa katawan.

Ito na ang panghuling proyekto namin at dalawang linggo mula ngayon ay gaganapin na ang aming pagsusulit.

Simula ng may tumubong lagusan sa bundok ng panganib — pitong buwan na ang nakakaraan ay bigla na lamang dumoble at humigpit ang ginagawang pagsasanay sa mga estudyante at nadagdagan din ang aralin namin at iyon ay patungkol sa medisina.

Tama nga sila, mabilis lamang lumipas ang oras kapag madami kang ginagawa.

"Tapos na! Sino sa inyo ang magiging human test natin?" tanong ni Makasa kela Blyth at Casi na nagdulot ng pamumutla sa kanila.

"Pwedeng si Blyth nalang? I'm afraid of blood." sabi ni Casi at tinulak paharap si Blyth.

"What the-! Bakit ako? Ayoko nga! Paano kung palpak yan? Bakit hindi nalang ikaw Makasa?" depensa naman ni Blyth na ikinataas ng kilay ng huli.

"Mahiya naman kayo, ako na nga ang gumawa lahat-lahat tapos ako parin gusto niyong sumubok?" balik saad naman ni Makasa.

"Tumulong naman ako sa pag hahanap ng sangkap ah." sumbat ni Blyth.

"Ako naman tum-"

"Tama na yan! Ako na." singit ko sa sana ay sasabihin ni Casi dahil sa kita kong walang nino man ang magpapatalo at magboboluntaryo sa kanila.

"No!" "Hindi pwede!" "Hindi!" sabay sabay nilang lingon sa akin.

"Masyadong mahalaga ang bawat patak ng dugo mo, hinding hindi namin hahayaang masugatan o masaktan ka!" depensa ni Blyth.

Kaya sa huli ay si Casi ang naging human tester namin dahil siya daw ang may pinaka maliit na ambag sa proyektong ito at sa kabutihang palad ay matagumpay naman ang ginawa namin.

Napangiti na lamang ako habang pinagmamasdan silang nagkukulitan. Malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil sapag-aalaga, pagmamahal at suportang natatanggap ko sa kanila.

Simula noong araw na nalaman nila ang kakayahan ko ay hindi na ito muling na ungkat pa, sabi nila ay nandyan naman daw ang mga Prinsesa at Prinsipe na may mas malaking responsibilidad sa pagsasarado sa mga lagusan at pagliligtas sa mga nasasakupan nila.

Tungkol naman sa mga Prinsesa at Prinsipe ay magpa hangang ngayon hindi parin nakakabalik dito sa Akademya. Ayon sa nasagap naming balita malaking mana daw ang nawala sa mga ito, ang iba daw sa kanila ay iabot ng ilang buwang walang malay dahil sa sobrang panghihina.

Noong nakaraang linggo naman ay nakita ko na muli ang mga kapatid ko. Ayon sa kanila ay sa labas sila ng Akademya nag sanay, survival course daw ang tanging inaral nila sa buong isang taon at kaya sila bumalik dito ay dahil sa nalalapit na pagsusulit.

"You look like a coloring book!" natatawang komento ni Makasa sa make-up ni Blyth.

"Tumahimik ka! Inggit ka lang dahil mas maganda ako sayo, kaya di ka pansin ng pinsan ko eh kasi napaka-common ng itsura mo." sabi neto na ikina-asim naman ng mukha ng huli.

"That's not true! I'm more beautiful than you. Wag kang magbubuhat ng sarili mong bangko!" sabad naman ni Makasa.

"Magsitigil nga kayo! Pareho naman kayong di nila napapansin!" natatawang singit ni Casi na nagpasama lalo sa mukha nung dalawa.

"Makapagsalita akala mo naman may pag-usad din sa lalake niya!" komento din ni Blyth na nagpabaliktad sa ngiti ni Casi.

Napa-iling na lamang ako sa mga inaasal nila, para silang mga bata kung magbangayan.

"Amaya! Dito!" agaw pansin ni Ate Kamia sa amin nang makapasok kami sa loob ng Canteen. Naka-upo sila sa may gilid katabi ng salaming pader.

Habang palapit kami sa kanila ay muli ko silang inobserbahan, pansin kong lumaki ang katawan nila Kuya Deo at Keo at tumikas ang mga tindig nila, si Ate Kamia naman ay nawala na ang mga baby fats neto sa mukha, ramdam ko din na lumakas ang enerhiyang pumapalibot sa kanila.

Muli kong naramdaman ang pagsundot ng kung sino sa aking tagiliran pero di ko ito pinansin dahil sigurado akong si Blyth lang ito na nagpapa-alala sa kung anong sinabi niya kanina.

Gusto niyang ilakad ko siya sa kay Kuya Deo.

"Anong gusto nyong pangkain? Kami na ang kukuha at pipila." bungad ni Kuya Deo sa amin ng makalapit at maka-upo kami sa tapat nila.

Binigay na namin ang mga gusto naming kainin at pagtapos nun naramdaman ko muli ang palihim na kalabit ni Blyth sa akin.

"Kuya, isama niyo na itong si Blyth, sigurado akong hindi niyo mabibitbit lahat ng pangkain natin." suhestyon ko para tumigil na ang kiti-kiting kalabit ng kalabit sa akin.

Nakita ko ang paglaki ng ngiti niya na pilit nyang pinipigilan ng pumayag si Kuya Deo sa suhestyon ko at napansin ko din ang pag-irap ni Casi dito.

Natatawa ako sa inaakto nila sa totoo lang, parang hindi pang senior ung mga edad nila.

Napahinto ako ng makita ko ang mapanuring tingin ni Ate Kamia sa akin. Sa katunayan niyan ay laging ganyan ang tingin nya sa akin — hindi lamang siya kundi pati sila Kuya Deo at Kuya Keo.

Napasimangot ako saka ko siya tinaasan ng kilay. Nakakailang kasi at naiirita narin ako sa laging ganoon ang tinging pinupokol nila sa akin.

"Ate Kamia, ano bang problema mo sa akin!" sita ko sa kanya na mas lalong nagpakunot sa noo niya.

Hindi ko talaga lubos maintindihan ang gusto nilang ipahiwatig. Ganyan ba ang naging dulot sa kanila ng isang taong pag-eensayo sa kung saang lupalop man sila nang-galing?

"Parang may mali sayo." komento neto at mas lalo akong pinaka titignan, naramdaman ko din ang pagbaling ng tingin nila Casi at Makasa sa akin.

"Ano ang nangyayari dito?" tanong ni Kuya Keo ng maka balik sila, ganoon na ba kami katagal sa pagtititigan?

"Ano ba problema nyo sa akin?" malumanay na tanong ko.

"Ako lang ba o hindi, napansin kong parang ang laki ng pinagbago mo." pag-uumpisa ni Ate Kamia na ikinatango naman ng mga kasama namin.

"Yan din ang napansin ko, malaki ang ipinagbago mo sa totoo lang, lalong lalo na ang pag-uugali mo." segunda naman ni Kuya Keo na nagpalito sa akin. "Dati ay malimit ka lamang magsalita at lagi kang seryoso pero ngayon nakakaya mo nang makipagsabayan sa naka paligid sayo." dugtong neto na ikina-sangayon ng mga kasama namin.

"Nakakapanibago, pero sa totoo lang, gusto ko ang pagbabago mong ito." komento ni Ate Kamia na muling sinang-ayunan ng mga kasama namin maliban nalang kay Kuya Deo na mas lalong naging mapanuring ang tingin sa akin.

Anong ginawa ko sa kanya?

RETRIBUTION I : LAW OF IMMORTALITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon