XXI : Panaginip.

88 4 0
                                    

****

"HINDI kita anak! At hinding hindi kita magiging anak! Isa kang disgrasyada at kahihiyan sa amin. Sana ay hindi ka nalang na buhay pa!"

"Kapatid mo ako, kaya lagi mong tatandaan na nandirito lang ako kapag kinakaylangan. Hindi ka mag-isa, I can be your knight my princess."

"Gusto kong iurong mo na ang kasal natin ngayon din! bakit hindi mo matanggap na wala akong nararamdaman sayo at may mahal na akong iba? I will never fall in love to a woman like you!"

"Kaibigan? Nababaliw ka na ba? Hinding hindi kita ituturing na isang kaibigan at siguradong walang may gusto. Pasalamat ka at natiis kitang pakisamahan ng ilang taon! You're so disgusting!"

"Hindi ko alam na kaya mo kaming pagtaksilan ng ganito! Nararapat lamang sayo ang dinadanas mo ngayon."

"Bakit mo ito nagawa sa kanya? Bakit siya pa? Alam mong mahal na mahal ko siya."

"Kulang pa ang kamatayan bilang parusa sa lahat ng iyong nagawa! Hiling kong bangungot ay habulin ka saan ka man mapunta!"

"Wag kang mag-alala mahal kong kapatid, gagawin ko ang lahat maipaghiganti lang kita kahit buhay ko pa ang kapalit."

"Isang karangalan na ang mga kamay ko mismo ang kikitil sa buhay mo! Wala ka nang kawala ngayon at wala narin magliligtas sayo, any last words?"

"Don't worry! I will do everything to save you, Mahal ko!"

***

NAPABALIKWAS ako ng gising dahil sa nakaka binging matinis na tunog mula sa panaginip ko.

Tinakpan ko ang aking dalawang tenga gamit ang aking mga palad nagbabakasakaling maibsan ito, ngunit hindi man lang naka tulong ang mga ito.

Napa-baluktot ako ng higa ng mas lalong lumakas ang tunog at sumakit ang ulo ko.

Hindi ko na alam kung anong gagawin, pa baling baling na ako sa higaan at iniuuntog ko narin ang aking ulo, ngunit wala paring nangyari.

Muling pumasok na parang teleserye ang napaniginipan ko kanina sa aking isipan, ngunit napakalabo neto pero malinaw na malinaw sa akin ang mga boses at sinasabi nila.

Napahawak ako sa aking pisngi ng maramdaman kong parang basa ito at napa ngiti nalang ako ng mapakla ng malamang lumuluha ako.

Hindi ko alam na sa simpleng panaginip lamang ay magkakaganito ako.

Muli akong napahawak sa ulo ko ng mas lalong sumakit ito pero bago pa ako mawalan ng malay ay parang tila lumiwanag ang aking paligid.

"AMAYA, iyan ang aking pangalan." sagot ko sa taong nasa harapan ko.

"Kinagagalak kitang makilala, Amaya, ang pangalan ko naman ay Angus." pakilala niya at kaunting yumuko ito sa harapan ko.

Ilang araw na na sunod sunod itong nagpapadala ng liham sa akin kaya naman ay pinaunlakan ko na lamang upang ibaling sa iba ang iniisip ko.

Apat na araw na ang nakararaan ng gabing iyon ngunit pilit parin nito akong binabagabag.

Alam ko sa sarili kong hindi ito parte ng mga alaala ko pero kahit anong gawin ko ay hindi ko ito kayang iwaglit o burahin sa isip ko.

Ngayon lamang ako nangamba dahil sa isang panaginip sa buong buhay ko.

"Ayos ka lang ba?" tanong nang kaharap ko at kababakasan ang pag-aalala dito.

"Ayos lamang po ako." simpleng sagot ko.

"Kung ganon ano ang iyong pasya?" tanong neto na ikina-lito ko at tila naintindihan naman niya kaya napa-iling na lamang ito.

"Ang sabi ko ay gustuhin ko man balewalain ang pagkakahawig natin pero hindi ko kaya. Parang pinagbiyak tayong bunga kung tawagin. Kalokohan man kung iisipin ngunit gusto ko parin malaman ang totoo, kaya gusto ko sanang sumailalim tayo sa salamin ng buhay upang mabura na ang agam-agam ko at ng lahat. " paliwanag niya.

"Salamin ng buhay?" tanong ko dahil ito ang unang beses ko iyong marinig.

"Oo, ito ay isang bagay na matatagpuan sa bukal na buhay, kaya nitong tukuyin ang nakaraan ng isang nilalang at ang buo nitong pagkatao." paliwanag niya na nakapagpatayo sa akin.

"Ipagpaumanhin nyo kamahalan, ngunit gusto ko pong malaman kung bakit ako pupunta roon?"

"May gusto lamang akong malaman." sagot neto at tumayo rin.

"Ano iyon, kamahalan? Iyon ba ay patungkol sa kung bakit magka pareho tayo ng wangis?" tanong ko ngunit naging tahimik lamang siya.

"Kung ganoon lilinawin ko po, imposible ang iyong iniisip kamahalan, may sarili akong ina at may tatlo akong mga kapatid, nakatira kami sa liblib na lugar malayo sa centro o sa palasyo, kaya malayong totoo ang iyong haka-haka."

"Sa katunayan ay gusto ko rin itong ipagsawalang bahala, ngunit mas lalo akong hindi mapakali dahil maliban sa magkawangis tayo ay pareho din tayo ng kapangyarihan." sagot niya.

"Iyon ay dahil sa ang aking ama ay isang Avanian at ang aking ina ay isa namang florian." sagot kong muli na inilingan niya lamang nagpapahiwatig na hindi siya naniniwala.

"Sa ayaw at sa gusto niyo kamahalan ay hinding hindi ako sasama o pupunta sa lugar na iyon. Sana ay irespeto ni yo ang aking desisyon."

"Sa anong dahilan? Wala namang mawawala sa iyo kapag pumunta ka toon." saad niya.

"Gaya ng sabi ko kanina ay may sarili akong pamilya, at sa pag sama ko sa inyo ngayon ay parang pahiwatig narin iyon na pinagdududahan ko ang aking buong pagkatao." pagrarason ko na nakapag pa tahimik sa kanya.

"Kaya sana kamahalan ay hindi na ulit ito muling mauungkat. Masaya na ako sa kung anong meron ako, kaya sana ay hindi niyo na ako muling gagambalain ng dahil lang dito." sagot ko at tumalikod na.

"I just want to confirm something! About that dream!" pahabol niya na nakakuha ng pansin ko.

Malamlam na mukha ang bumungad sa akin ng lingunin ko siya.

Kung iisipin, malayong malayo ang ugaling nakikita ko simula noong una ko siyang nakita sa diskriptyon ng ibang tao.

Tahimik, seryoso, at nakaka takot, iyan ang naririnig kong pag-uugali niya sa ibang tao, kaya nakakataka na wala sa mga iyon ang nakikita ko.

Para sa akin, isa siyang makulit na parang asong sunod ng sunod sa kanyang amo.

Magsasalita na sana ako ng biglang nakarinig kami ng pamilyar na malakas na tunog ng kampana.

Kampana ng panganib!

Ibig sabihin lamang noon ay isang lagusan muli ang magbubukas.

"Go back to your room now. Wag na wag kang lalabas hanggat hindi hihinto ang tunog ng kampana. Isarado mo lahat ng pintuan at bintana, naintindihan mo?" sabi niya na mahigpit ngayong nakakapit sa balikan ko, tumango na lamang ako sa sinabi niya.

"Good! Pagkatapos neto ay mag-usap muli tayo. Now run and go straight to your room and never look back. Kami na ang bahala dito." sabi niya at tinulak ako.

Gustuhin ko mang hindi siya sunduin ngunit tila kinokontrol ang buong katawan ko, parang may sariling buhay ang dalawa kong paa na ngayon ay tumatakbo na ng mabilis.

Parang nangyari na ito sa akin noon.

At kung hindi ako nagkakamali ay ang lalaking tumulong sa akin noon sa kagubatan at si Angus...

ay iisa.

RETRIBUTION I : LAW OF IMMORTALITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon