XIV : Pagsusulit

96 5 0
                                    

"Akala ko talaga labanan ang mangyayari, hindi ko naman aakalain na ang sinisabi nilang pagsusulit ay sa ganitong paraan." reklamo ni Casi na anak ng isang Duke sa Avanian.

Akala ko noong una ay isa sya sa mga taong mag rereyna reynahan o isang bitchesang babae. Pero nagkamali ako, masyado lang syang prangka, mataray at mapag mataas na tao dahil ganun siya pinalaki biglang isang susunod na tagapagmana ng kanyang ama.

Ngayon na ang araw ng pagsusulit, at tama nga siya. Ang buong akala ko din ay labanan ng lakas at kapangyarihan ang magaganap, ngunit mali kaming lahat.

Nakapila kami ngayon at isa isang pinapapunta entablado kung nasaan nakalagay ang isang malaking bato na magdidikta kung saang lebel ka mapapabilang.

Isang mahiwagang bato na sumusukat sa lakas at manang meron ang isang indibidwal.

"Kung labanan pa kaya ang nangyari ay hindi ako kakabahan ng ganito, dahil alam ko sa sarili kong kaya kong magpa bagsak ng kalaban. Pero sa ganitong paraan ay wala tayong kakayahan baguhin kung anuman ang ididikta ng bato na iyan." komento naman ng isa ko pang kaklase na sinang ayunan naman ng lahat.

" Kinakabahan ako." saad ni Blyth na nasa aking harapan ngayon. Anim nalang na tao bago siya at ako naman ang susunod sa kanya.

"Kaya yan!" naisaad ko na lamang dahil ako din ay nakaramdam ng konting kaba sa kung ano ang magiging kapalaran ko pagkatapos ng pagsusulit na ito.

"Sana ay mapa bilang tayo sa iisang pangkat." saad nyang muli.

"Ako din, sana magkakasama parin tayong lahat." singit naman ni Casi na nasa harapan naman ni Blyth at nakikinig pala sa aming pag-uusap.

"Tama ka, kung papipiliin ako mas gugustuhin kong magkakasama tayong lahat kahit saan pa tayong pangkat ilagay." sagot naman ni Blyth.

"Ano na kaya naging resulta ng iba?" tanong ni Casi, hindi kasi namin alam kung anong nangyayari sa entablado dahil masyadong malayo ito at wala kaming marinig kung anong sinasabi ng guro na nasa tabi ng bato na syang magsasabi ng resulta mo.

"Anyway, I'm confident enough that I will be part of Royals!" dagdag niya, matatas na ngayon syang mag salita ng Ancient language dahil tinuruan siya ni Blyth ng nagkapalagayan sila ng loob. At ayaw na ayaw nyang pinapa-alala sa kanya ang kahihiyang pagpapakilala nya noong unang araw ng klase.

"SUNOD!" tawag pansin ng guro dahil naka harap sa amin si Casi kaya naman ay hindi niya napansing sya na ang kasunod.

Taas noo itong naglakad papuntang entablado at nakita ko pa ang pag-irap niya, dahil ang pinaka ayaw niya sa lahat ay iyong minamandohan siya at inuutusan.

Paglipas ng ilang minuto ay tinawag narin si Blyth.

"Wish me luck!" sabi neto saka lumakad na papuntang entablado.

Ako na lamang ang natitira sa pila, bawat klase kasi ang pagsusulit at ang pila namin ay naka base sa edad — pinaka huli ang mas bata.

Gaya ng sabi ni Blyth, ma's gugustihin ko ding mapabilang muli sa grupong eto kaysa mapabilang sa mataas na antas.

"SUNOD!" tawag pansin muli ng guro pagkalipas ng ilang minuto.

Naglakad ako patungo dito at nang makalapit ako sa bato ay nakaramdam ako ng malakas na enerhiya — hindi ito mabigat kundi magaan ito sa pakiramdam.

"Ilagay mo ang iyong kanan na palad sa bato." sabi niya na si yang sinunod ko.

"Iparamdam mo sa bato ang lakas at kapangyarihan na meron ka." saad uli neto na siyang ginawa kong muli.

RETRIBUTION I : LAW OF IMMORTALITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon