XXVII : Reyalisasyon

76 3 0
                                    

Napabalikwas ako ng bangon habang hinahabol ang aking paghinga, ramdam ko ang malakas at mabilis na pintig ng puso ko na tila'y tumakbo ako ng ilang kilometro.

"Gising ka! Alam mo ba kung gaano mo kami pinag-alala? Ak-akala namin p-patay ka na!" singhal ni Blyth sa akin na ikinataka ko.

Ngayon ko lamang napansin na hindi lamang ako ang nandirito sa aking silid at napansin ko rin ang mga hilam na mata nila na mas lalo kong ikinapag-taka.

"Anong nangyari sa inyo?" tanong ko na nagpahagulgol sa kanila.

"Hindi kana kanina humihinga pati ang pintig ng pulso mo ay hindi na namin maramdaman! Ak-akala namin— akala namin -" hindi matapos tapos na paliwanag ni Casi dahil humagulgol itong muli.

"Anong ibig ninyong sabihin?" tanong ko dahil tila hindi ko ito maproseso.

"Hindi mo ba matandaan? Nag-uusap-usap lang tayo kanina sa salas tapos bigla ka nalang sumigaw habang hawak mo ang iyong ulo at pagkaraan ng ilang minuto ay nagulat na lamang kami nang di na namin maramdaman ang iyong paghinga at pulso." paliwanag ni Makasa na nagbigay linaw sa akin.

Natatandaan ko na, pero anong nangyari sa akin? Kung nawalan na ako ng pulso at hininga ay maitutulad na isang himala ang muli kong pagka buhay.

Presensya naming apat lamang ang umiikot sa aking silid kaya masasabi kong walang sinumang pumasok ditong manggagamot o nilalang na kaya akong buhayin o pagalingin.

Pinakiramdaman ko ang aking sarili — nawala na ang sakit at kirot sa aking ulo pero ramdam ko ang hapdi sa aking lalamunan na natitiyak kong dahil sa pag-atungal ko kanina.

Pero, pagkabalisa at takot ang naramdaman ko sa isang reyalisasyon.

Paano kung ito na nga talaga ang kapalit ng pagsasarado ko ng lagusan?

Paano kung sa tuwing nagsasarado ako ay ganun uli ang mangyari? O di kaya ma's masakit pa doon kasi sa pagkaka-alam ko ay mahina lamang ang lagusan iyon.

"Masakit pa ba ang ulo mo? Ayos ka na ba?" tanong ni Blyth na mabilis ko namang tinanguan.

"Sigurado ka?" paninigurado naman ni Casi.

"Ano ba kasi ang nangyari sayo? Kanina ginamitan kita ng kapangyarihan ko upang pagalingin o bawasan man lang ang nararamdaman mo ngunit nakakapagtakang hindi umepekto ito sayo at bumalik lamang ang manang inilabas ko sa akin." nagtatakang hayag ni Makasa na ikinabuntong hininga ko.

"Hindi ba't gusto niyong malaman kung paano ko naisarado ang lagusang nasa baba ng bundok ng Majicus?" tanong ko na ikinatango nila kahit kababakasan ng pagtataka ang mukha nila.

"Isa iyon sa aking kakayahan." sabi ko na nagpa gulat sa kanila.

"Kakayahan!?" natatawang patanong ni Blyth ngunit bigla din itong nag seryoso pagkaraan ng ilang minutong hindi ako kumibo habang seryoso ko lamang silang tinignan.

"Kakayahan? Pa-paano? Wag mo kaming biruin ng ganito!" turan niya na nagpabuntong hininga lamang sa akin. "Kung may kakayahan ka palang gawin iyon ay bakit ngayon mo lamang ginamit?" dugtong na sabi ni Blyth ng sa tingin ko ay naalala niya ang nasaksihan nilang ginawa ko.

"Bakit hindi mo ginagamit kung may kakayahan ka palang gawin iyon? Kung sana - kung sana ay ginamit mo iyon kahit sa lagusang tumubo nalang sa Avania o di kaya sa bundok ng panganib sana - s-sana ay hindi ganoon kalala ang naging pinsala, s-sana ay hindi ganoon karami ang mga naging biktima! Kung totoong kaya mo iyon gawin ay dapat noon palamang ay gumawa kana ng aksyon." sumbat naman ni Casi nang sa tingin niya ay wala akong planing sagitin si Blyth.

Napayuko na lamang ako, ramdam ko ang panunumbat at poot sa kanilang mga winika. Ramdam ko din ang pag-iiba ng tingin nila sa akin.

"Totoong may kakayahan akong gawin ang bagay na iyon, ngunit may kapalit." pag-uumpisa ko at tinignan sila.

Ayoko sanang ipaalam ito sa kanila ngunit itinuring ko na silang kaibigan o kapatid, at pinagkakatiwalan ko sila ng sobra.

"Sa bawat pag-gamit ko ng kakayahang ito ay siyang bawas naman sa lakas at manang meron ako." paliwanag ko na ikinataka nila.

"What do you mean?" tanong ni Casi.

"Kung ikukumpara natin ay para lamang akong isang kandila sa isang madilim na silid — kapalit ng liwanag na naibibigay ko ay ang unti-unting pagka-lusaw naman ng katawan ko.

Ang nangyari sa akin kanina ay ang bayad sa pag-gamit ko ng kakayahang iyon. Mahina lamang ang lagusang iyon ngunit masyado nang mataas ang singil sa akin. Sobrang sakit na parang binibiyak ang aking ulo at gustong kumawala ng kaluluwa ko sa aking katawan.

Natatakot ako sa totoo lang!

Natatakot akong masaktan. Natatakot ako sa sasabihin ng ibang tao. Natatakot ako sa panganib na maidudulot neto sa akin.

Kaya hindi ko ito ipinag-sabi nino man. " mahabang litanya ko na nakakuha ng simpatya nila.

"Patawad! hindi ko alam." sabi ni Casi na inilingan ko lamang.

Kung ako din ang nasa katayuan nila ay baka mag-histerikal din ako kung malaman kong may nilalang palang kayang burahin ang bagay na nagsisilbing salot sa mundong kinabibilangan ko.

"Paano ka nagkaroon niyan? Kaylan mo pa nalaman?" tanong ni Blyth pagkaraan ng ilang minutong katahimikan.

"Sa katunayan niyan ay hindi ko na matandaan kung kaylan ko ito natuklasan. Pero isa lamang ang sigurado ako — hindi pa noon ako nagkakatawang tao nang matuklasan ko iyon, dahil sa aksidente akong nakasarado ng lagusang patubo palamang sana malapit sa aking naging tahanan noong ako'y isang ibon palamang." paliwanag ko.

Natatandaan ko pa noon ang pangyayaring iyon — biglang dumilim ang kalangitan at isang nakakasilaw na dilaw na bagay ang biglang sumulpot sa aking harapan, tuwang tuwa noon ako dahil akala ko'y isa iyong surpresa na naman galing kila kuya Deo, ngunit, isang bagong pakiramdam noon ang aking naramdaman na tinatawag nilang kaba, mabilis ang pintig ng aking puso at nanginginig ang aking mga kalamnan.

Malakas na pwersa ang pilit noong humihigop sa akin, ngunit, aksidente akong nasugatan noon at pumasok ito sa misteryosong bagay sa aking harapan at pagkaraan lamang ng ilang segundo ay nawala bigla ang bagay na iyon.

Matinding sakit noon ang naranasan ko na buong akala ko ay dulot ng malakas na pag bagsak ko sa lupa.

Ganitong ganito ang naramdaman ko nung araw ding iyon.

Sa katunayan, simula noon ay malakas na ang kutob ko na may kakayahan talaga akong mag sarado ng lagusan at ilang beses ko nang binalak na subukan ito, ngunit dahil sa babaeng napaniginipan ko ay nag lakas ako ng loob na mulling subukan.

Oo! Sa panaginip!

Panaginip, na kung saan ko nakilala ang pinaka-magandang babae na nakita ko sa buong buhay ko, ang babaeng akala ko ay isa lamang produkto ng aking isipan. Sa panaginip na iyon din ko natuklasan ang mga kakayahang at kapangyarihan ko, siya ang nagturo sa kung paano ko pa mapalakas ang kapangyarihan ko, at siya din ang nagsabi sa mga magiging kapalit ng pag gamit ng kakayahang taglay ko.

"Kamusta na ang iyong pakiramdam? May masakit paba sayo?" nag-aalalang tanong no Blyth pagkaraan ng ilang minuto.

Lumapit din sa akin si Casi at sinuri ang aking ulo.

"Masakit ba?" tanong niya habang nakapisil sa ba dang itaas ng aking tenga. "Dito ka naka hawak kanina eh."

"Ayos na ako. Wala naman na akong maramdamang sakit o nabawas sa aking enerhiya. Siguro ang pagpapasilip sa akin sa langit na ang kapalit ng pag gamit ko ng kakayahan ko." natatawang paninigurado ko sa kanila.

"Hindi magandang biro iyan! Pero seryoso ka ba na ayos kana? Gusto lang namin makasigurado. Baka mamaya kasi niyan may nangyayari o nangyari na sayo na di lang natin alam." hayag ni Makasa.




***
Sorry po sa lame na ud, promise aayusin ko tong chap na to pag may time po ako. Love you all.

RETRIBUTION I : LAW OF IMMORTALITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon