XLIII

52 4 3
                                    

Hindi ko alam kung ano dapat ang mararamdaman ko sa mga ganitong panahon — ang makaharap ang aking mga magulang.

Ang sabi ko ay galit ako sa kanila sa pag-abandona sa akin, ngunit bakit ako nakakaramdam ng pagkasabik at pagkadurog ng puso ko habang nakatanaw sa Reynang umiiyak sa harapan ko.

Nanginginig ang kamay nyang inabot ang aking kamay saka ito hinaplos-haplos habang nakatungong nakamasid doon.

"H-hindi ako pwedeng mag-k-kamali..." nanginginig na saad neto pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.

Hinagod ng hari ang likod ng kanyang asawa at pilit itong pinapatahan.

Tanging ang paghikbi lamang ng Reyna ang maririnig sa pagitan naming tatlo dahil kanina pa pinalabas ang mga kasama namin kanina.

"Ilang taon ka na naming hinahanap at halos halughugin na namin ang buong mundo at magdasal sa kung sino mang Dyos o Santo ibalik ka lang o ilagay ka lang sa ligtas at magandang buhay, ni minsan ay hindi kami tumigil sa pag hahanap sa iyo ngunit hindi ko lubos akalaing ikaw pa mismo ang makakahanap ng daan pauwi dito na siyang labis kong ipinagpapasalamat. " saad netong muli habang masagana paring umiiyak.

"Hinahanap?" nagtataka kong tanong.

"Alam kong naguguluhan ka, ngunit bago ang lahat ay gusto naming magpakilala sayo." pag-uumpisa niya saka umayos ng upo at pinasadaang pinunasan ang kanyang mga luha na pilit paring kumakawala sa kanyang mga mata.

"Ako ang Reyna ng kaharian ito — Savani Floria-Avania." naka-ngiting pagpapakilala neto.
"At siya naman ang aking asawa at ang Hari ng kahariang ito." turo niya sa Haring katabi.

"Columbus Avania." sagot ng Hari na ngayon ay nakatingin na sa akin.

"Bakit nyo nga ako hinahanap?" balik tanong ko dahil kilala ko naman na sila at hindi nila sinagot ang tanong ko kanina.

"Dahil kami ang iyong mga magulang." sagot ng Reyna saka humagulgol ng iyak.

Kunot noo kong pinagmamasdan ang mga ito ng ilang minuto saka nagbuntong hininga.

"Alam ko!" sagot ko nagpa maang sa kanila at nagpahinto sa pagiyak ng Reyna.

"Kung ganoon ay bakit hindi ka bumalik sa amin?"

Hindi sumagi sa akin na makakaharap ko sila sa misyong ito.

"Bakit pa ako babalik sa mga nilalang na nag-abandona na sa akin?" balik tanong ko na ikinailing nila.

"Hindi kaylan man ka namin inabandona. Hindi ka namin inabandona." Pailing na sagot neto habang mas lalong humigpit ang hawak nya sa kamay ko ngunit iwinagli ko lang ito.

"Sinungaling!" sigaw ko at masama silang tinignan.

"Hindi kami nagsisinungaling. Sa katunayan ay nawala ka sa amin, may kumuha saiyo. Maniwala ka!" saad ng Reyna kasabay ng pagsalampak nya sa sahig dahil sa tindi ng emosyon sa tingin ko ay nararamdaman niya.

Malaking parte sa akin ang umaasang totoo ang sinasabi niya ngunit paano naman kung hindi?

Sa posisyong meron sila sa kaharian ay bakit sa loob ng mahigit tatlong-daang taon ay hindi nila ako nahanap kung hindi naman ako lumabas sa teretoryo ng Avania?

"Isang gabi matapos kayong ipanganak ng iyong kapatid ay may lumitaw na isang nilalang na nakasuot ng itim na balabal sa ating silid tulugan. Gusto ka naming iligtas at ginawa namin ang buong makakaya namin para iligtas ka, ngunit hindi namin alam kung bakit natalo niya kami sa isang pitik niya lang.

Masyado itong malakas na nakaya nyang tangalin ang mahikang nakapalibot sa ating kaharian at ihulog ito mula sa pagkakalutang neto sa ere.

Maraming sugatan at mga napinsala dahil doon at inabot kami ng ilang taon bago muling makabangon. Hindi kami tumigil sa pag hahanap sa iyo ni minsan." paliwanag ng hari habang inaalalayan ang asawa nito.

RETRIBUTION I : LAW OF IMMORTALITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon