Ilang minuto na akong nakatitig sa pintong nilabasan niya. Wala akong ibang maisip na gawin bukod sa pagsandal sa headboard ng kama. Napapikit ako dahil sa nangyare kanina. Hindi mawala ang imahe niya sa utak ko. Mula sa kanyang mukha hanggang sa kanyang katawan lalo na yung nasa gitna ng hita niya.
Bakit ang dali-dali para sakanyang maghubad sa harapan ng babae?
At talagang kumikidnap siya ng babae para madala dito sa mansion niya. And for pete's sake hindi ko siya kilala. Mabuti na lang talaga at may nang-istorbo kanina dahil kung wala, sigurado ako hindi ko siya mapipigilan sa plano niya.
Dalawang katok ang nagpatigil sakin. Abot-abot ang tahip ng dibdib ko ng bumukas ang pinto, kaya lang ng may nakita akong tray ng pagkain kumunot ang noo ko.
"Hija, kamusta ka?" isang boses ng matanda ang sumunod.
Tipid akong ngumiti ng tuluyan na siyang makapasok. Agad ko siyang nakilala dahil siya yung matanda sa double doors. Lumapit siya sakin at ipinatong ang tray sa kama. Umupo siya sa paanan ko.
"Kumain ka na. Alas otso na ng gabi." ngiti niya.
Tinignan ko ang pagkain. Its a grilled roasted chicken breast, a rice and a glass of juice. Nagdadalawang isip ako kung kakainin ko ba'to since wala akong kilala sakanila. Higit sa lahat hindi ko alam kung nasaan ako at kung ano ang mangyayare sakin ngayon.
"Huwag kang mag-alala, wala yang lason.."dagdag niya.
"Uh, wala po ba talaga?" I asked shyly.
Umiling siya habang natatawa, "Wala hija. Kahit ganun ang alaga ko ay mabuti naman yun pagdating sa pagpapakain ng bisita."
Kumunot ang noo ko, "Bisita? Matatawag po ba akong bisita?
"Oo, dahil dinala ka niya dito "
I groaned, "Sex lang naman ang habol niya sakin, Manang.."
"Alam ko, pero huwag kang mag-alala. Hindi yun gagalaw ng walang consent." pampalubag ng loob niyang sabi.
Kinagat ko ang sariling labi. Binaba ko ang tingin sa pagkain. Kakainin ko na lang to, gutom na rin kase ako. Ilang oras akong nakagapos dun sa abandonadong lugar yun.
Hindi ko maiwasang isipin ang nangyari sa mga babaeng nandun. Namumuo na naman ang galit sa loob ko dahil sa lalaking yun. Kung isa lang naman ang hanap niya , bakit kailangan miya pang mandakip ng maraming babae? Tapos papatayin lang ng mga tauhan niya!
"Ano po pala ang pangalan nung kidnapper ko?" diretsong tanong ko.
Nakakalahati na ako sa pagkain. Malapit na lang at mauubos ko na rin. In fairness, the chicken taste so good. Mukhang isang chef ang naghanda neto.
Tinignan ko si Manang sa mata. Walang bahid ng lungkot o pagkamuhi sakanya. Kalmado at tamang posture ang nakikita ko sakanya.
"Pagpasensyahan mo na ang alaga ko.."aniya. "Pero mabait yun, at higit sa lahat hindi siya kidnapper."
"Sorry po. But I prefer calling him that since his people took me. So , what's his name po?"
"Siya si Yusei....Yusei Rye Monteguado. Ang panganay na anak ni Ma'am Yushie at Sir Rhusty Monteguado."
"M-Monteguado?"
Tama. Kilala ang pamilya nila dahil sa dami ng negosyo. Sila rin ang may-ari ng pinagtatrabahuan kong kompanya. Napalunok ako habang iniisip yun. Mga magulang niya ang boss ko. Hindi kaya kilala niya ako? But I never seen him in the company.
YOU ARE READING
Claimed By Successor (MONTEGUADO'S HEIR #1)
RomanceMONTEGUADO'S HEIR #1 CLAIMED BY SUCCESSOR Yusei Rye Monteguado, the eldest son of the new Monteguado generation made his way to finally claimed the woman he dreamed about. But before he could do that, he needs to earn her trust, soul, heart and bod...