Chapter 12

174 2 0
                                    

Warning: SLIGHT SPG SCENES AHEAD. Read at your own risk :)



Akala ko ayos na ang lahat. I am happy that Yusei treating me like a perfect lady. Kaya lang habang hinihila ko siya palabas ng club, hindi mawala-wala sa isipan ko si Bernard. I know there's something going on with him and that woman.


I felt strange, the feeling that I'm not hurt or even broken from what I saw. Nadidismaya lang ako dahil hindi ko akalain na kayang makipagkita ni Bernard sa ibang babae habang wala ako. Siguro ay gawain niya yun dati pa kaya sanay na siya at higit sa lahat, baka dati niya pa akong niloloko. My head is aching for thinking those things.



Tuluyan na kaming nakarating sa parking space ng club. Napapikit ako habang pinapakiramdaman ang pananahimik ni Yusei. Maybe he's mad because I watched someone else instead of him. Sana lang ay hindi dahil baka tuluyan na akong bumagsak sa lupa.



"Yusei, let me explain.."I stated.

He looked at me and smile weakly. Hawak niya pa rin ang kamay ko sa paraan na hindi ako nasasaktan. He's holding me like I'm a fragile to him. Kaya lang nahahabag ako sa pinapakita niyang ekspresyon ngayon.


"No need to explain. I understand you..." aniya. "Sa ating dalawa ay ako pumilit sayo na maging akin. You don't have to explain."

Umiling ako, "Please, huwag mong isipin yan. I enjoyed being with you"


"You do?"

"Of course! Sa tingin mo magiging mabait ako sayo kung hindi ko gusto sa piling mo. I even let you be my first..."


Ako na bumitaw sa kamay niya at inilagay yun sa leeg niya. Tumingkayad ako para maabot ng tuluyan ang mapupulang labi niya. Isang matagal na halik ang ibinigay ko sakanya.



"Gusto mo bang bumalik sakanya?" nahihirapan niyang tanong.


I looked at him in disbelief. Bigla akong tinamaan ng sakit sa tanong niya kaya naman eto na naman ang mata ko at namamasa na. Nagbabadyang ipakita sakanya ang sakit.



"Papakawalan mo ba ako kung sakali?" balik tanong ko.


"If that's what you want. Wala akong magaga—"


I teared up. Sinuntok ko ang dibdib niya. Hindi ko akalain na masasabi niya yun. He's willing to give me up? Just like that?



"Ayaw...mo na ba sakin?" naiiyak kong tanong.

"Damn..."

"Pinapamigay mo na ako?"




Umangat ang kamay niya at marahan na hinaplos ang pisngi. Pinahid niya rin ang mga luhang pumapatak sa mata. I can't help it, hindi ko kayang pigilan ang pagkawala nila sa mata ko.


"Kung alam mo kung gaano ko kagustong ipagdamot ka sa lahat, pati na rin diyan sa boyfriend mo. I don't care if you don't have a feelings for me as long as you're with me. Magiging sapat na yun sakin..." malambing niyang sabi. "But who am I to take your happiness away from you?"


I gulped, "I told you...masaya ako sayo..."


"Are you sure?"

"Oo naman. Gustong-gusto kong manatili sa piling mo..."


He chuckled and kissed my lips, "Thank you for choosing me, then..."



Bago kami makasakay sa kotse niya ay nakita ko ulit si Bernard at yung babaeng kasama niya at naghahalikan. I rolled my eyes on them. Muli kong tinignan si Yusei na nakatingin na rin pala sa akin. I winked at him and enter the car. I don't have time for those people.



Claimed By Successor (MONTEGUADO'S HEIR #1)Where stories live. Discover now