Chapter 03

206 5 0
                                    

Sa gitna ng gabi ay bigla akong nagising. Sinulyapan ko ang katabing parte ko. Wala yung kidnapper ko. Tumingin ako sa wall clock. It's already one o'clock. I wander where did my kidnapper go? Ang tagal niya namang umuwi.

Napalabi ako at bumangon. Slowly , I opened the door carefully. Sumilip pa ako dahil baka may mga bantay gaya nung sinabi ni kidnapper sakin, kaya lang ni isang guard wala akong nakita.  Napangisi ako at tuluyan ng lumabas.

Isang hakbang pababa ng hagdan ay agad napako ang paningin ko sa sala. Nandun ang kidnapper ko. Nakaupo siya habang may iniinom na parang alak. Kumunot ng tuluyan ang dalawa kong kilay. This is the first time I saw him getting drunk.

Bago ako tuluyan bumaba, sinuyod ko ang kabuuan ng sala, still no guards. Lumunok ako at tumakbo pababa. Maliit lang ang ginawa kong paghakbang hanggang sa tuluyan akong huminto sa harap niya.

Pagod na nakasandal ang ulo niya sa sofa. Amoy na amoy ko na rin ang alak sakanya. Napabuga ako ng hininga at tumingin sa bote ng mamahaling alak sa coffee table.

"Anong nangyare sayo?" I whispered

Wala akong natanggap na sagot. I composed myself. I need to know kung kailan ako makakabalik sa normal kong buhay lalo na sa boyfriend ko. Bahagya akong tumuwad at tinukod ang dalawa kong kamay sa tuhod.

"Kailan mo'ko papauwiin?" tanong ko ulit.

My eyes grew bigger as I saw his side lip raised a bit. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at agad yung tumama sakin. Napatuwid ako ng tayo para mailayo ko ang mukha sakanya.

"I don't have time...." paos niyang sabi.

"Ano? I will literally sue you! You kidnapped me!" galit kong sigaw.


He chuckled and in one swift move, he pulled me to his lap. Napahiyaw ako sa ginawa niya. Mabilis na dumapo ang suntok ko sa braso niya. Ang dalawa niyang kamay ay napunta sa bewang ko. He hugged me and buried his face to my neck.


"Shit! Anong ginagawa mo?"

Pilit ko siyang tinutulak pero sadyang ang lakas niya. I gritted my teeth. Tinignan ko ang mukha niyang nakabaon sa leeg ko. Nakikiliti ako pero hindi ko yun pinagbigyan ng pansin. I'm so mad at him. Walanghiya to!


The last thing I heard is him, snoring. Lumuwag naman ng konti ang yakap niya sa bewang ko  I gulped and slightly pulled his arm on me. Pagkatapos ko yun tanggalin ay inalalayan ko siyang makahiga sa sofa. Kumuha ako ng throw pillow at inilagay ko sa unan niya. Kinuha ko rin ang tuxedo at ginawang kumot niya. Pagod ko siyang tinignan. Galit ako pero I'm not that kind of people who build an hatred.


Pagkatapos ay niligpit ko ang alak niya. Hinugasan ko rin ang ginamit niyang baso. Tsaka ako bumalik sa kwarto. Mabilis naman agad akong nakatulog ulit.


A loud bang from downstair wake me up. Bumilis ang kabog ng dibdib ko. Alam ko ang tunog na yun. Bumangon ako at lumabas ng kwarto. Mula sa itaas, kitang-kita ko ang nangyayare sa baba.


Ang kidnapper ko ay tuwid na nakatayo suot ng isang itim na long sleeve polo at black pants. May hawak siyang baril at nakatutok yun sa lalaking nakaluhod sa harapan niya. Marumi ang damit at umiiyak habang nagmamakaawa.

"Parang awa niyo na po sir! Sa susunod hindi na po ako papalpak!" sigaw ng lalaki.

"I don't give second chances. Especially to those who's not worth of it..." sagot naman ng kidnapper ko.

Pinakalma ko ang sarili at mabilis na bumaba. Didiretso sana ako sa kidnapper ko pero mabilis na hinila ni Mateo ang braso ko. Inilagay niya ako sa gilid niya habang hawak na niya ang dalawa kong balikat.


"B-Boss! May pamilya po ako!"

Isang nakakatakot na ngiti ang pinakawalan ng kidnapper ko. He looks so dangerous while holding the gun. Sinulyapan ko ang mga guards na nakapalibot pero ni isa walang pumipigil.

Kinagat ko ang sariling labi. Ito ang unang beses na babanggitin ko'to  and I'm hoping that he'll listen to me.

"Y-Yusei...." I called him.

Natigilan siya at dahan-dahan akong nilingon. He looked at me without humor. Kakaibang lalaki ang nasa harapan ko ngayon. Hindi siya yung lalaking nakikita ko netong mga araw. Ganito ba siya? His another side?


"What are you doing here? Go back to your room." aniya.


I gulped, "Anong gagawin mo?"

He tilted his head and formed an evil smirked, "Magbabawas. Our population is too big."

"A-Ano?!" gulat ko siyang tinignan. " How could you take his life from his family?! Wala ka bang puso?!"

"Don't interfere here." biglang sumeryoso ang mukha niya. " Mateo dalhin mo siya sa kwarto!"

Nagmatigas ako ng hilahin ako ni Mateo. Mabuti na lang at hindi ako malakas ang pagkakahila niya. I still managed to stay even he's pulling me.


"Ma'am Nastya, halika na po..." bulong niya.


I angrily gritted my teeth. Buong pwersa kong tinulak si Mateo. Napahiga siya,  I looked at him pleading. Mamaya hihingi ako ng tawad sakanya. Nilingon ko si Yusei at sinugod siya. Hinawakan ko ang baril at pumagitna sakanila ng lalaking nakaluhod. Na-alerto ang mga guards sa ginawa ko. Abot-abot ang tahip ng dibdib ko.


"Please...." maluhaluha ko siyang tinignan.

"Let go, Nastya."

"He's innocent! Marami ka ng pinatay!"

"Shut up. I don't need your conscience!" he shouted angrily.

I stilled. Ang kaninag luha na pinipigilan ko ay tuluyan ng kumawala. Nanghihina kong binitawan ang kamay niya. Unbelievable, that's it. Ganun lang ba ang buhay para sakanya?

Naramdaman ko ang paghawak ni Mateo sa balikat ko. Inilalayo niya ako. Walang tigil ang pagtulo ng luha ko habang pagod na nakatingin kay Yusei. I don't feel anything, para akong lumulutang sa ere. Ito ang unang beses na may nakita akong tao na kayang pumatay ng inosente.


Binalik niya ang pagtutok ng baril sa nakaluhod na lalaki. Kitang-kita ko ang pagkasa niya. Namanhid ang buong katawan ko ng tuluyan na niyang pinaputok ang baril. Nanlabo ang paningin ko habang nakatingin sa lalaking napahiga kasabay ng pagdanak ng dugo niya.


"Mateo.."

Binitawan ako ni Mateo at lumapit kay Yusei. Kinuha niya ang baril habang ang lalaki ay hinihila na ng dalawang guard.
Yumuko ako at patuloy na umiiyak. I just witnessed an innocent life to be taken from him.


A black shoe fixed on my sight. Pinahid ko ang mga luha ko at nag-angat  ng tingin sa lalaking nakatayo na sa harapan ko. Walang bahid ng awa ang ekspresyon niya. Tinignan ko siya ng masama at dinuro.


"You...! Kidnapper and now a fucking killer! You're not worth it to live! Bastard!" I shouted.


Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Tumakbo ako palayo sakanya. He's a killer. Hindi dapat ako nakikipaglapit sa taong demonyo at walang awa. Pumasok ako sa kwarto at patuloy na umiyak.

Paulit-ulit na nagrereplay sa isipan ko ang nangyare. Kung paanong ang isang bala ng baril ay tuluyang kumitil ng buhay. Hinahabol ko ang sariling hininga. I feel so useless while staring at him just like what I witnessed in that smoked dark place.

Those innocent lives.....

Claimed By Successor (MONTEGUADO'S HEIR #1)Where stories live. Discover now