Palagi kong hinihiling na sana nandito sila para meron akong mapagku-kwentuhan sa lahat ng magagandang bagay na nangyare sa buhay ko. Meron akong kasama na mag-aalaga sa anak ko. Meron akong mahihingan ng payo tungkol sa pag-iingat habang buntis. Ngunit lahat ng yun ay hanggang hiling na lang dahil kahit ano pang gawin ko, hindi na. Wala na talaga.
This supposed to be my happy day. It only happen once a year so I mush cherish it but I can't. Sa tuwing dumadaan ang araw na ito ay naalala ko kung paano kinuha ang mga magulang ko mula sa akin. Ang aksidente na hindi ko inaasahan na sa mismong birthday ko mangyayare.
It's been five years, pero sa tuwing dumadaan ang araw ko ay dito ako palagi pumupunta. Taga-taon akong nagdidiwang kasama sila kahit pa lapida na lang nila ang kaharap ko.
"Ma...Pa...pasensya na po kung ngayon lang ulit ako nakabisita." sabi ko habang nilalagay ang dalawang bulaklak. " Sobrang dami po kaseng nangyare."
Umupo ako sa picnic blanket na binigay ni Mateo sakin. Kasama ko siya dahil ipinagmaneho niya ako papunta dito. May importanteng ginagawa si Yusei ngayon at ayaw ko namang istorbohin siya lalo pa't para sa anak namin ang ginagawa niyang kilos.
"It's my birthday!" natatawa kong sabi. "Another year to spend with you both..."
Naalala ko yung mga panahon na lumalaki akong kasama sila. Yung mga panahon na sa paglinaw ng mga mata ko ay sila agad Ang nasilayan ko. Yung mga panahon na kitang-kita ko ang saya sa mga mata nila kapag tumitingin sila sakin. Yung mga panahon na ginagamot ni mama ang sugat ko sa tuhod dahil sa pagkakadapa. Yung mga panahon na sinusundo ako ni papa mula sa eskwelahan at sa sobrang tamad kong maglakad ay inilalagay niya ako sakanyang balikat.
"Marami po akong gustong ikwento sa inyo. Sa dami po parang hindi ko na alam kung saan ako magsisimula..." I sighed.
Hinaplos ko ang kanilang lapida. Malungkot akong napangiti. Kung hindi lang siguro sila naaksidente ay makikita pa nila akong nagdadalang tao pati na rin ang panganganak ko. Higit sa lahat ay ang lalaking kumumpleto sa sira kong buhay.
"May nakilala na po akong kagaya ni papa, ma. Mali nga lang yung unang pagkikita namin dahil kinidnap niya ako. Akala ko katawan ko ang habol niya. Hanggang sa unti-unti kong nakikita ang ugali niya..." pagku-kwento ko pa. "He's the real definition of the word gentleman. He took care of me. He made me feel complete again. And lastly, he sing a song for me like how papa sing you a song before, ma."
Dalawang beses na niya ako kinantahan. Gustong-gusto ko ang pagkanta ni Yusei dahil bukod sa maganda ang boses niya ay naalala ko rin yung mga panahon na kapag galit si mama ay kakantahan lang ni papa at magiging okay na sila.
"Masaya ako ngayon, ma , pa. At tsaka buntis rin po ako. Wala akong pinagsisihan na naunang nabuo ang anak namin kaysa sa kasal kase..." itinapat ko sa lapida ang singsing sa daliri ko. " Heto po, oh. Sobrang ganda ng singsing. Bagay na bagay po sa akin..."
Huminga ako ng malalim. Inilabas ko na rin sa basket yung mga pinaluto ko kay Nanny Gerlie at sa chef sa mansion. I opened the box of cake and put the candle. Syempre, I sing a birthday song and make a wish before blowing it. Ito ang unang birthday celebration ko na hindi ko ang umiyak pagkatapos ng limang taon.
A call from mom made me stop from eating. Mabilis ko itong kinuha sa bag para masagot.
"Yes, mom?" I greeted.
"Are you done, dear?"
"Uh,patapos na rin po ako."
"Oh, good. Can you pick me up after? Sa mall lang ako"
YOU ARE READING
Claimed By Successor (MONTEGUADO'S HEIR #1)
Любовные романыMONTEGUADO'S HEIR #1 CLAIMED BY SUCCESSOR Yusei Rye Monteguado, the eldest son of the new Monteguado generation made his way to finally claimed the woman he dreamed about. But before he could do that, he needs to earn her trust, soul, heart and bod...