Lito

62 6 1
                                    

SELENE

SELENE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ano nanaman ba ang ginagawa mo dito?" Napatingin ako sa kanya saglit, agad naman siyang nag kibit-balikat at patuloy ang paghaplos sa aso ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




"Ano nanaman ba ang ginagawa mo dito?" Napatingin ako sa kanya saglit, agad naman siyang nag kibit-balikat at patuloy ang paghaplos sa aso ko.

Naglabas ako ng malalim na buntong hininga saka itinuloy ang pag gawa nung grilled cheese sandwhich na request niya kasi nagugutom daw siya, pero may dala naman siyang chocolate icecream kanina tapos Baskin Robbins pa iyon.

"Nag post siya no?"

"Hindi. Nakipag-date ka kasi sa iba." Ngisi niya saka na lumapit sa akin, sumunod naman si Tamtam sa kanya. Ang aso ko ay sanay na sanay na sa kanya, paano ba naman kasi ay parang bata ang turing sa kanya ni Calix, lagi niya itong ini-spoil ng mga bagong laruan at pagkain.

"Tigilan mo nga ako, nakita ko yung appreciation post niya sa bago niyang jowa."

Nag pout naman ito at kinuha yung grilled cheese na kakahiwa ko lang ng bread knife. "Alam mo naman pala eh, bakit mo pa ako tinatanong." Tignan mo to, nambabara pa. Kapal ng mukha, siya na nga itong nakikikain lang.

"Bakit ka pa kasi naka-follow? Unfollow mo na para matahimik ka."

"Ayaw."

"Ay, ang rupok."

"Parang ikaw?"

I rolled my eyes at sinubukan kong pakalmahin ang aking sarili dahil nanggigigil na talaga akong manakal ng tao, simula kasi kanina ng makita niya akong hinatid ako ni Atlas pagkatapos ng mini photoshoot namin sa department nila ay ang lakas ng maka-kutya ni Calix. Si Atlas din naman kasi napaka-landi na din, nagtataka nga ako bakit hindi sila close kung halos magka-ugali na din sila. Dahil nung tinaboy ko si Atlas kanina sa gate namin ay sabi niya, "Pag sigurado na akong naka-pasok ka na sa loob ay saka ako aalis, Selene." at narinig iyon ni Calix.

"Umalis ka na nga sa kusina ko at baka hindi ako makapag-pigil mabato ko sayo tong hawak ko." Itinaas ko pa yung plastik na bread knife, natawa naman siya ng malakas saka kinuha yung isa pang kalahati nung grilled cheese at tumakbo papunta sa sala.


" Itinaas ko pa yung plastik na bread knife, natawa naman siya ng malakas saka kinuha yung isa pang kalahati nung grilled cheese at tumakbo papunta sa sala

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Hindi ko talaga maintindihan yung mga pang-aasar nila Justine, Alexis, at Calixto sa akin kay Atlas. Isa pa ay ipina-kita na kanina sa akin ni Angge yung parang pino-pormahan daw ni Atlas, nagawa nga nilang magharutan sa harapan namin.

Kwento ni Angge ay naging close daw ang dalawa nung naging team mate sila sa pinasukan nilang art contest two months ago. Ang lakas pa ng tawa nung unggoy kong ex nang magbiro iyong crush niya. "Medyo magkahawig kayo, parang gets ko na mga type ni Ford. Long legged, malaki mata tapos may bangs."

"Hindi na ako nagba-bangs." Irap ko sa kanya na ikinatawa naman ni Angge, magka-kabag sana siya ang lakas niya lumamon kanina eh.

Patay malisya kong ibinulsa ang aking telepono ng mabasa ko yung chat ni Atlas sa akin sa Instagram. Mamaya ko na siya re-replayan saka medyo naiirita pa ako. Naupo na ako sa tabi ni Calixto na ngayon ay nanonood ng One Piece sa Netflix ko. Hawak ko yung dinala niyang isang tub ng chocolate ice cream at kumuha na rin ako kanina ng dalawang kutsara dahil ang hilig mainggit ng lalaking ito sa kung anong kinakain ko, dinaig pa yung aso ko.

Wala pang sampung minutong nakaupo ako sa tabi niya nang damputin niya yung kutsarang nilaan ko para sa kanya. Nakakunot ang kanyang noo pero nag scoop ito ng napaka-laking parte nung chocolate ice cream saka inisang subo iyon. Tignan mo yung pagka-siba nito, kanina pa kumakain. "Nag s-stress eating ka ba? Sabihin mo lang Gonzales at ipapa-lamon ko tong lahat saiyo."

"Di naman ako tumataba." Kibit-balikat niya.

Napabuntong-hininga ako, saka ko siya hinarap.
"Calix, kaya mo naman mag-move on eh. Ano ba ang pumipigil saiyo? At tigilan mo ako sa kaka-self pity mo, you are worth it Calixto. Wag mo isisi lahat sayo, nagkulang din siya dahil kung binigay niya ang lahat bakit ikaw lang yung naiwang nagmamahal parin?"

"Sel, alam ko naman na hindi ako yung first choice." Nang napagtanto niyang sume-seryoso na aming usapan ay bahagya siyang ngumiti ng mapait. "Ako nga itong habol ng habol, nakulitan na lang siguro siya sa akin kaya ako sinagot."

"Wag kang tanga. Pinili ka parin niya, sabi mo nga naramdaman mo namang minahal ka niya kahit papaano kaya nga hindi mo magawang magsalita ng masama sa kanya kahit parang ginago ka lang naman."

"Sel." Tumalim yung tono ng boses niya, napaka-kagat ako sa labi ng marealized kong sumobra na pala ako. I always limit the words that I say to him kasi alam kong sensitive pa siya sa topic about Bianca, ayaw niya nang nababanggit yung pangalan nung ex niya or anything related to her unless he's the one na mag-open up kasi kahit anong iwas niya ay hindi niya mapigilan because Calix is an overthinker, plus he respects yung desisyon ng ex niya. Kaya lahat tuloy ng faults ay inaako niya na.

"Sorry, I didn't mean it that way. Kaya mo to, andito lang kami. Andito lang ako." Halos pabulong na yung panghuli, pero alam kong narinig niya iyon dahil naramdaman ko ang pagpatong ng ulo niya sa balikat ko.

"I know, and it means a lot, Sel. I always feel grateful toward you." Dumikit pa siya lalo sa akin, halos nakikiliti na nga ang leeg ko sa malambot nyang buhok.

"Kaya ba panay yung bigay mo ng tsokolate sa akin at kila mama?" Nginitian ko siya at agad naman itong kumindat sa akin, iba na talaga ang kalandian ng lalaking to. "Kadiri, dun ka nga." Siniko ko yung tagiliran nya ng pabiro saka ko siya inilayo sa akin, dahil kung hindi ko iyon gagawin ay makakapusan na ako ng hininga.

" Siniko ko yung tagiliran nya ng pabiro saka ko siya inilayo sa akin, dahil kung hindi ko iyon gagawin ay makakapusan na ako ng hininga

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
If you only knowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon