Takbuhan (2)

38 2 1
                                    

CALIXTO


"Napaka-understanding mo kasi, parang ayaw tuloy kitang mawala. You're like my constant, and you always feel like home."

After saying those words to her, umulit sa isipan ko ang mga sinabi ni Justine sa akin. Mukhang inis parin siya kanina dahil hindi kami nag pansinan, ni hindi nga niya ginalaw yung kape na dinala ko kung hindi lang inabot ito sa kanya ni Selene.

Hindi ko naman siya masisisi dahil mali ko naman talaga. Pakiramdam ko tuloy i'm taking Sel for granted just like now. Kaya hindi ako nagpahalatang-umusod palayo sa kanya, alam kong gusto mo siyang makasama Calixto pero kailangan mo muna pag-isipang mabuti kung ano ba talaga siya para saiyo.

Hindi inalis ni Selene ang tingin niya sa akin, kaya naman ng umusod siya konti sa akin palapit para magsalita ay inunahan ko na siya.

"Napaka-importante mo na sa akin, Sel. I see you just like how I see my sister. You're a family." Hindi ako tumingin dahil alam kong hindi ko magugustuhan ang magiging reaksyon niya. Pero ang lahat ng sinambit ko ay totoo kung kaya't hinayaan kong maipakita iyon sa kanya.

If this will keep her by my side forever, then so be it. Iyong pagka-komportable, ang pagka-pamilyar namin sa isa't isa, having Selene in my life is like having her as my fortress; where it's all safe.

And it's still too soon for me, the trauma and heartbreak are still fresh, kahit pa nasabi ko sa kanya sa beach na okay na ako ay andon parin iyong anxiety na what if sooner or later I'll lose someone who's dear to me again? Hindi ako sigurado kung makakaya ko ulit iyon, because when Bianca left, she took a piece of me with her, and for all those months na wala siya ay ang hirap talaga huminga, until Sel... She happened to me.

Hindi naman bago si Selene sa buhay ko, kilala ko na siya simula nung 1st day of college. We were in the same department and we had a few subjects together, actually last year ko nga lang siya naging kaklase talaga sa buong subject ko dahil nag shift sila ni Justine sa mga ibang subjects na kinukuha nila and nasaktong tugma na sa amin ni Alexis. Mas naging close kaming apat dahil doon.

Sel was there when I announced na girlfriend ko na si Bianca, she was also there when everything went loose, she became my crying shoulder because I knew she would understand and basically because napag-daanan niya na din, siya lang naman kasi sa loob ng barkada ang may ex na talagang naging parte sa buhay niya yung tao at minahal talaga ng buo, hindi ko naman matatakbuhan si Alexis dahil wala naman iyon sineryoso, si Justine naman NBSB pa, in which I admired that for her.

I had no one to turn to a few months ago, but Sel was there. She opened her arms wide for me, listened to my unending rants without any judgment, and stayed even when I didn't ask her to.

"Okay, ingat ka Sel. Hatid na kita sa labas?"

It's not that I don't feel the same. It's the fear of losing her. Kaya hindi pu-puwede, I've already invested a lot into this friendship, I couldn't bear to lose it just because I started to have feelings for her as well.

Hindi ka naman mahirap mahalin, Selene. Nakakatakot nga dahil sobrang dali lang. I understand now why I responded with the kiss—it's because I never stopped admiring her, from the first day we were introduced until this very moment.

I stood there, staring at her eyes. Baka sakaling maintindihan niya. I'm sorry Sel, I really didn't mean to hurt you.

Suddenly, she let go of her bag and wrapped her arms around me, hugging me tight. For the first time, hinayaan kong tumibok ang puso ko para sa kanya. But before I could wrap my arms around her ay mabilis siyang bumitaw.

"Hindi, okay lang. Pahinga ka dyan." Saad niya at nagmamadaling tumalikod saka pinulot ang kanyang bag.

I tried to reach out. I wanted to reach out to her so badly, pero masyadong komplikado.

"Chat mo ako pag nakauwi ka na?" Napahinto siya saglit sa paglalakad ng sabihin ko iyon at pinag masdan ko ang kanyang likuran. Siguro nga mas mabuti na ito, itigil na ang dapat itigil bago pa natin mas masaktan ang isa't isa.

"Sige. Good night, Calixto."


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Where do you think you're going Calixto?" Napahinto ako sa pag-lalakad ng marinig ko ang mariin na tono ng boses ng aking Dad.

Pumikit muna ako at kinalma ang sarili bago ko siya hinarap. "Lalabas po kami ni Alexis."

Napakunot naman ang noo niya, saka niya ibinaba ang tasa ng kape sa glass table, "May sakit ka daw sabi ng kaibigan mo, tapos aalis ka?"

Napangiti ako pero hindi iyon umabot sa aking mga mata. "Ano ito, trip mo mag tatay-tatayan ngayon?"

"Calixto!!!"

Nang pasigaw na niyang tinawag ang pangalan ko ay tinigil ko na ang pekeng ngiting nakalapat sa labi ko. "Sorry, hindi kasi ako sanay na andito kayong dalawa. Kasi ang pagkaka-tanda ko, wala naman kayong pakealam kahit mag deliryo pa ako sa lagnat."

Hindi na rin siya nagpa-ligoy ligoy at sinabi na ang tunay niyang intensyon. Lumabas na din si Mama galing sa kusina ng marinig ang sagutan namin ni Dad.

"Your mom and I don't like that girl for you, Calixto. Nagkaka-ganyan ka nanaman dahil sa babae!"

Langya. Napatawa ako ng bahagya, "Iyang babaeng sinasabi mo, mas naging pamilya pa siya kaysa sayo. And you don't have the right to meddle with my life when you don't even have the time to be in it."

"Aba, lumalaki kang bastosー!!"

"Stop." Narinig ko si Mama na inawat si Dad. "Let your son hon, he'll come around." Iyon ang huli kong dinig bago ko sinara ang pinto at tuluyan ng umalis.

Nakakapagod. Pagod na ako na laging ako na lang ang umiintindi, langya it should be both sides diba? Pamilya tayo eh, pero bakit ako lang yung kumakapit? Naiintindihan ko naman na inaalala niyo ang future ko pero mostly it always benefit our family name eh, pero hindi naging para sa akin. 

Langya ang dali lang naman sabihin ang, 'anong gusto mo, Calixto?' kahit minsan lang, pero laging 'Eto ang gawin mo, Calixto.'

Pustahan ang alam nilang favorite food ko ay nung nine years old pa ako, pagdating ng haiskul, pinabayaan na ako eh. kaya ko na daw. Anong muwang ng isang trese anyos?!

Nakakagago lang talaga. Iyong magiging magulang lang sila pag naka-alala o trip nila. So what right do they have to make decisions for me when they haven't been there for half of my life?

If you only knowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon