Gabi (2)

43 2 2
                                    

CALIXTO


Langya. Naaalala ko ang lahat.
Ang pag-tulak ni Justine sa akin palayo sa best friend niya, ang mga iniwang kataga ni Selene nung nasa tabing dagat kami, at ang labi niyang lumapat sa akin. Bakit hindi nagawa ng alak sa sistema ko na ibaon lahat iyon sa limot? Langya talaga, ang daya.

Pagdating ko sa bahay kahapon ay dumiretso ako sa kusina, gaya ng karaniwan ay nasa kumpanya nanaman ang mga magulang ko, kulang na lang ay tumira ata sila doon dahil hindi naman kami nagkikita sa bahay na ito kahit pa nasa iisang bubong kami. Binuksan ko iyong cabinet kung nasaan ang mga koleksyon ni Dad ng alak, kumuha ako ng baso at sinalinan ko iyon ng kung anong nadampot ko. Nag ba-baka sakaling pag gising ko bukas ay kagaya parin ng dati ang lahat.

Pero langya talaga, kahit parang nabibiyak na ang aking ulo pag-gising ko kanina ay alala ko parin ang lahat. Tuwing pipikit ako, si Selene, siya parin ang laman ng utak ko.


"Parang tanggap ko na."

"Ang ano?" Hindi siya sumulyap sa akin, nakatuon siya sa mga buhangin na nilalaro ng kanyang mga paa. Napangiti ako dahil para siyang bata, ang sarap niyang alagaan.

"Ang desisyon niyang iwan ako. Tanggap ko na rin na tapos na talaga kami, at pakiramdam ko ay unti-unti narin akong nakakalimot."

Nakuha ko ang atensyon niya nang sabihin ko iyon. Ang malaking maganda niyang mata ay malinaw parin sa aking paningin kahit ang sinag lang ng buwan ang tanging ilaw namin at ang kaunting makukulay na ilaw na umaabot parin dito galing sa Villa.

Ngumiti ako sa kanya, "Pero aaminin kong tuwing nababanggit parin ang pangalan niya ay bumabalik parin ang lahat ng alaala, masasaya at malungkot, walang pinipili pero mas maluwag na sa kalooban."

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya, siniko ko naman siya ng pabiro at agad naman siyang umiling. "Wala, masaya lang ako para saiyo, akala ko magpapakatanga ka buong taon."

"Hoy anim na buwan pa lang naman kaming break! Grabe ka sa akin." Depensa ko na ikinatawa niya lang uli,

"Lina-lang mo lang yun? Siya nga may syota na tatlong buwan pa lang kayong hiwalay non." Humarap siya sa akin ng buo at kita ko pa ang pag taas niya ng kanyang kaliwang kamay at ipinakita sa akin ang tatlo niyang daliri na para bang pag ginawa niya ito ay rerehistro sa utak ko na ganon lang ako kabilis palitan.

"Ganon siguro pag hindi pantay iyong pagmamahal, iyong mahal ka lang pag malungkot ka tapos pag okay na, pwede ka na niyang iwan."

"Ganon ba naramdaman mo?" Nawala naman ang mga ngiti sa labi niya. Nakita ko rin ang pag lungkot ng kanyang mga mata. Napaka-expressive talaga ito kahit kailan.

Bianca. I loved her for years. The first time I saw her was on my little sister's sweet 16. She was the hired makeup artist and automatically I was enamored. The way her eyes turned into a crescent moon shape, as her smile reaches to her eyes was my favorite, especially those gummy smiles. Bianca was 2 years older than me and I met her when I was nineteen, 5 months after my college year started. I also had a crush on someone at my department that time pero lahat iyon nabalewala dahil sa lakas ng tama ko sa kanya.

After that, I followed and befriended her on different social media platforms at nalaman ko na she's already seeing somebody else. Pero hindi iyon naging dahilan para tumigil ang pagka-gusto ko sa kanya, medyo nag lay low din ako para mag focus sa pag-aaral pero nagsimula ulit kami mag-usap pagkatapos ng isang taon nang malaman kong nangaliwa ang kanyang nobyo. She was sad and heartbroken, she needed someone and I was there.

If you only knowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon