Chapter 17

132 5 0
                                    

☣Chapter 17☣

※Stellar Vermillion’s POV※

‘Hey make sure you take those pills I gave you. I triple the dose on that para ma numb kahit paano yang sakit din dyn sa sugat na nasa hita mo.’ Sabi ni Crisha sa kabilang linya habang tulala lang ako sa reflection ko sa salamin.

‘Stell are you there? I’m getting worried here, ayos ka lang ba?’ I heard again.

I sighed. “Y-yea, I am. I’m doing good.” I lied.

“Ahh hey Crish… If ever… I gave it to a pregnant woman, hindi ba makakasama sa baby?” I asked habang kuyom ang kamao.

‘Huh? Of course it will. Wait, are you pregnant?!’ Rinig ko pang parang napatayo ito sa kinauupuan.

“No! No, I’m not.” Mabilisan kong sagot.

‘You almost gave me a heart attack there..’ Parang nakahinga naman sya ng maluwag at narinig ko muli pag upo nya.

‘Why'd you ask? may kakilala ka bang buntis na kasali sa auction?’

“Ahh yea.. I... I want to save her, she's too young to be here.” Pagdadahilan ko nalang.

‘Well… unfortunately you can't use that pills dahil masyadong matapang yan. And sad to say kahit hindi nya inumin yan, once she took that drug mula sa mga Frenier, it will only end up the same. No way of escaping it. She needs to give up the child na kung pwede lang ngayon nya na ipalaglag at tanggalin sa katawan nya bago pa sila tuluyang malason pareho.’

“Why? What do you mean?”

‘It’s because the drug that Frenier have is too powerful so even just a taste from it, pag buntis tumikim non magiging poison na yon sa baby and worst baka pati mommy madamay dahil magiging lason na yung bata sa sinapupunan ng ina. The poison will weaken the system and can even cause death so better to remove it as soon as possible.’

Napapikit ako ng mariin at kagat sa loob ng labi habang hawak sa sinapupunan ko dahil sa mga sinabi nya. No wonder I feel so weak these past few days already.

‘Stell, don't involve yourself sa problema ng iba dahil maski ikaw nasa delikado ngayon. Have you forgotten na nandyan din si Drake? He will kill you pag nakita ka nya.’

“I know…” I just said.

“Ahh hey, andyn ba sila?” Dugtong ko namang tanong sabay buntong hininga nya.

‘Lagi naman pag may mission ka. Honestly they've been here mula pa kahapon. They are guarding your mom to make sure na wala kang gagawin na tatalima kay Alfonso. Good thing wala mga kapatid mo dahil pinabakasyon ko na muna sa resthouse na binili mo para sa kanila since sembreak naman.’ Paliwanag nya.

‘But don't worry nakabantay rin naman ako rito to make sure na hindi nila gagalawin si tita.’

“Crish… Thank you… I’m really thankful to have you.” Sincere na sabi ko.

‘No need to thank me, because of you buhay pa ko ngayon so make sure you do the same and Fate, I know it's hard but please be strong. We can't give up yet. Our family needs us. Meron ka pang Lucas so let's keep fighting, hmm?’

I just nodded although hindi nya yon nakikita.

I despised doing any missions but what can I do when I don't even have a choice.

‘If you need anything, call me. Pupuntahan kita agad.’

“Hmmm.” I just replied dahil parang may nakabara na sa lalamunan ko at pinatay na yung tawag.

My hand was shaking, my whole body was trembling habang inaalala mukha ni Drake kanina ng makita nya yung dalawang guhit sa PT test ko na sya pa mismo bumili. He was so happy… Very happy that he even shed tears sa tuwa ng ngayo’y parang naging punyal sa dibdib ko sa isipin na nag patong-patong na kasalanan ko dahil alam ko rin namang huli na. I took that drug already without knowing na nagbunga agad yung gabing yon.

I was so desperate to make him want me, to start loving me with a hope na sya makakatulong sakin lalo na para kay Lucas pero parang mas ginulo ko pa lahat. Na baka hindi man si Drake pumatay sakin, si Dark naman at kung hindi sila baka mga pamilya naman nila.

My mission is to steal informations from them, to get close to Mrs.De Silva dahil may gusto ring ipanakaw si Alfonso pero hindi ko naman to magampanan ng ayos. Ni hindi ko na nga alam gagawin ko but I can't give up. My family needs me and I hate to admit pero sobrang nagagalit ako sa ama ko. How can he leave us like this? Why did he join the Mafia when in the first place kakayanin naman namin mabuhay na may sapat lang na pagkain sa hapagkainan and now here I am stuck in this hell na pinasukan nya. I should be pursuing different career, chatting with friends, having a simple relationship, enjoying my life pero mga bagay na yon nawasak na.

I heard a knocked na agad kong kinaayos ng tayo.

Stephan entered and wearing his fancy clothing habang may suot na kalahating maskara.

“Hmmm, should I join the bidding too?” He asked habang nakatitig sa katawan ko.

I casually grabbed the robe pretending that I don't care if he seen me naked at pinang cover yung robe sa katawan ko  dahil nakasuot lang talaga ko ng manipis na nighties.

“What do you want?” I asked although I know naman kung bakit sya nandito pero hindi ko inaasahan gagawin nya. The pills were transferred using his own mouth and since I was caught off guard ay agad kong nalunok yon. My tears fell na agad kong kinatulak at sampal sa kanya.

He chuckled habang nakahawak sa pisngi nya.

“Don't you love my payback?”

I harshly wiped my tears pero panay na talaga pag patak. Is this also included as a sign of pregnancy? Napaka weak ko na. Sabi ko na nga ba hindi magandang matuto akong umiyak dahil ganito mangyayari. Mukhang kailangan ko na naman pag aralan patigasin muli tong puso ko dahil bawal tong bumigay nalang basta.

“I didn't know na marunong ka rin palang umiyak.” Parang naaaliw pa na sabi nya.

“Give them a good performance, Fate, our loyal hunting dog.” He smirked sabay layas na habang natatawa.

I quickly went to the restroom at halos ipasok ko na sa lalamunan ko buong kamay ko pero wala talaga. My vision was already spinning in instant ni hindi nako makatayo ng ayos.

“H-Hey miss! Ayos ka lang?!” One of the ladies asked na kasali rin sa i bi-bid base sa suot nito na halos gaya ng akin.

I swallowed hard and fought the urge to just grab her and pinned her this instant kaya bago pa ko di makapag pigil ay agad ko na syang tinulak unti palayo.

“M-My med… can you.. Get it? It's on the red bottle.” I said panting sabay turo sa labas na agad naman nitong sinunod.

She quickly went back at ito na rin agad nagbukas ng bote habang may dala na rin na tubig..

“H-Here.. take it. Are you sure na okay lang sayo gamot na to? Mataas yung dose nito, baka ma overdose ka.” Sabi nito.

“P-please I need it..” I said begging kaya napilitan syang ipainom sakin yung gamot.

My body suddenly felt so weak at napasandal na lang sa balikat nya hanggang sa nag dilim na lahat.

Mafia's Dangerous Obsession (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon