Chapter 09 (S3)

84 3 0
                                    

☣Chapter 09☣

※Darkian Frenier’s POV※

“When we said ‘No’ it’s a no, Darkian!” Nag iigting na panga na sabi ni dad. My jaw clenched at bago pa ko makagawa ng bagay na hindi pa dapat ay umalis na lang muna ko dahil nadama kong may mga paparating na rin naman.

Kung alam ko lang na yung magkakasunod pala na numero yung magkakasama sa kwarto edi sana nag pahuli na lang ako. Hindi dahil sa takot ako sa galit ni Stellar kundi gusto kong respetuhin gusto nya.

I head outside our camp para magpahangin na lang muna. Outside, the sea breeze and the sound of the waves welcomed me. It's refreshing to be honest dahil animo’y payapa ang lahat kahit na kabaliktaran nito ang totoo. I decided na magtungo roon sa malaking bato, I can't sleep anyway dahil di pa naman talaga ako inaantok.

When I got there I didn't expect to see Stellar na nakaupo lang sa buhanginan at naka sandal ang likod sa malaking bato.

“Sinusundan mo ba ko?” She asked in a low tone habang nakatanaw lang sa malayo.

“I’m not… I didn't even know you're here since I didn't even feel your presence.” I admitted at paalis na sana ng mag salita sya.

“How did you manage to stay here for 5 years without having a chance to contact anyone?” She asked na kinalingon ko and just now noticed na nainom sya and who knows kung saan nya nakuha yon.

“You shouldn't drink.” I said sabay lingon nya. I was awestruck looking at her eyes. Her eyes is so solemn, full of sadness at namumula mula na rin pisngi nya dahil mukhang lasing na.

“Are you worried that I might attack you…. In bed?” She asked. I can't answer dahil totoong kakaiba sya pag lasing, nag iinit - Init ng katawan pero alam kong dahil lang yon sa mga panget na karanasan niya noon.

She slightly smirked. “I’m not the same as before… I’m not interested in you nor anyone except for that one.” At uminom sya mula sa bote habang nakatanaw sa malayo.

She stretched her hands na parang may inaabot. “I miss her so bad… It drives me nuts. There's something in my chest, something is heavy.. something is hurting. I want Vanny, I badly want to see her to see na ayos lang sya, I’m so f*cking worried na baka naiyak sya dahil wala ako. I can't take it… Her cries keep echoing in my head..” Her tears fell at napasambunot sa buhok nya habang nakatungo na.

Her sobbed escape habang nakahawak ng mahigpit sa kwintas at nilapat yun sa labi nya.

I felt a pain sensation on my chest. I hate to admit but a part of me was hoping na gusto nya lang talagang marinig ko mga salitang yon ng nasa eroplano kami pero ngayon na nakikita ko na mismo sa harapan ko emosyon sa mga mata nya dama kong walang kasinungalingan mga yon.

She already poured all that love to someone and funny thing sa taong hindi ko kailanman inaasahan. I felt envy but those reasons she gave, those things na hindi ko magawa ay naiintindihan ko kung bakit sya pa. Vanessa McKenzie, her wife, a woman who successfully captured her heart sa pamamagitan ng mga bagay na hindi ko magawa sa kanya ng tama kahit na ilang taon pa kaming naging mag asawa ay nagawa ni Vanessa sa maikling panahon lang.

I honestly know about them, na nag pakasal sya, I thought to myself na mas okay na yon dahil maimpluwensya pamilya nila at mapoprotektahan nila si Stellar but even with money and reputation death will still follow her, us, them, who involves in this organization o kahit wala sa organisasyon dahil sa yaman rin ng pamilyang yon ay maaaring mamatay ang kahit sino.

‘Too much is equal to danger, I learnt that a long time ago.’

“Do you really want the throne?” I asked her. The truth is, I don't want the throne pero kailangan ko yon para mabalaan rin lahat ng magtatangkang gumalaw sa kanya. With that power, I can control the majority and make rules na aalisin na si ‘Fate’ sa grupo. Na huwag na syang gagalawin dahil tapos na misyon nya sa grupo.

“The throne?…” Tumawa sya ng mapait. “I want my wife, not the throne.. I want freedom, I want to live our lives like a normal couple. I want to be the one to protect her, I want the throne to protect her… To also make those people who killed my son vanished completely, I want them all gone because as long as they are here hindi ako mapapanatag na magiging ligtas sa kahit sino si Vanny. With that throne, no one will dare to stop me and I promise to protect her no matter what it costs, the throne….. I need it… for her.”

Hearing it ay pareho lang rin pala kami. Masakit lang dahil handa niyang gawin lahat sa iba yung bagay na handa ko ring gawin para sa kanya.

Tumayo si Stellar at halos matumba pa pero bago pa ko makalapit ay sya na agad ang kumapit sakin.

Humawak sya sa damit ko habang nakadantay noo nya sa dibdib ko at nahikbi.

“P-Please… Please help me.. Help me to free myself from these.. I-I need to go back, I need to go back and ease this thing inside my chest kailangan ako ng asawa ko Darkian, I can't stay here long s-she needs me, I-I can't survive without her with me… P-Pakiusap… T-tulungan mo ko hindi ko na kaya.” Hirap niyang pakiusap kasabay ng matindi nyang pag-iyak hanggang sa hindi nag tagal ay bumagsak na sya’t nakatulog na dahil sa matinding kalasingan.

I clenched my fist at napaluhod habang yakap sya ng mahigpit. It’s honestly a torture to see her in pain, to know that she's already out of my reach. Maybe It's my karma for being pathetic and weak.

“I’m sorry….” I whispered, trying to control this pain in my chest.

I carefully carried her and grabbed her mask para ilagay yon sa mukha nya habang pinakikiramdaman ang paligid and good thing mukhang tulog na karamihan kaya madali ko syang nadala sa kwarto.

I carefully put her down on her bed, I covered her and just sat next to her bed habang pinagmamasdan sya. She's dreaming and she kept calling two names. Si Lucas at Vanessa habang panay pagluha nya.

Sobrang sakit na makita siyang nahihirapan and even the memories ng mawala si Lucas ay naging sariwa na rin muli sa ala-ala ko. Stellar suffered a lot, maski kami pero mas matindi yung sakit na dinanas nya ng sabihin nilang wala na. She is the one who makes her heart colder, to not react to the pain of losing Lucas after waking up again. She forcefully closed her emotions to keep going and Vanessa helped her to gain those emotions — to love again.

I carefully wiped her tears ng matigilan ako dahil may nadama akong presensya hanggang sa may kumatok na.

I ready my gun and walk carefully sabay silip sa peephole. I saw the two kaya pinagbuksan ko naman sila.

“Why are you guys here?” I asked pero mga mata nila, I can see that there's something wrong.

“Si Fate…. Gising ba sya?” They asked at sakto non narinig nila pagbigkas muli ng mga pangalan ni Stellar kaya sinarado ko na muna yung pinto.

Crisha’s tears fell ganoon na rin kay Renee ng lumingon ako sa kanila.

“Why what's going on?” I asked and started to feel uneasy.

“W-what to do? Paano na natin sasabihin sa kanya, hindi nya yon kakayanin.”

“Why? What do you mean?” I asked, my brows furrowed pero mas kita ko na lalo emosyon sa mga mata nila.

“Dark…. S-Si Stell…” Hindi na natuloy ni Crisha sasabihin nya dahil pigil nya na hikbi nya kaya si Renee na nagtuloy.

“P-Patay na si Vanessa, someone killed her sa airport. H-her family, they want Stell to come back bago nila ilibing si Van kami inutusan ng dad mo na magsabi… they already got the plane waiting, they want Stellar to see her wife before sending her off.”

Halos mabingi ako sa narinig kong sinabi nila dahil unang pumasok sa isip ko yung maaaring mangyari kay Stellar. Yung sakit na kakaharapin nya pag nalaman to.

“Darkian, what should we do? Stellar…. Mahal nya si Van, Sobrang mahal nya si Van… H-hindi nya na yon kakayanin.” Renee asked at pahid sa luha nya ganon na rin si Crisha.

Mafia's Dangerous Obsession (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon