Chapter 22 (S3)

103 5 0
                                    

☣Chapter 22☣

※Third Person's POV※

Sa isang pribadong establisyimento sa Paris ay nagkakagulo ang mga secret agent matapos dumating ang Deputy Director ng CIA na hindi nila inaasahan lalo na ang kasama nitong babaeng nakamaskara habang my posas pa ang mga kamay.

They were stunned to see the most wanted female assassin sa personal na kahit may maskara pa ang kalahating mukha nito ay alam nilang hindi pangkaraniwalan ang gandang meron ito.

“Is it really her? The one they called ‘Fate’..” Dinig nilang tanong ng ibang nasa paligid.

Nag patuloy lang si Victor habang nakasunod lang si Stellar rito at kasunod nila ang iba pang mga bodyguards na lahat ay mga armado.

Pinakiramdaman lang ni Stellar ang paligid. Sa ngayon ay wala siyang nadaramang kakaiba maliban sa mga mata ng mga nandito na naka sunod lang sa bawat galaw nya.

“Pagpasensyahan mo na, sikat ka kasi sa lahat ng nandito.” Rinig nyang sabi ni Victor.

“Should I be glad then?” She asked sabay urong sandali dahil may kung anong paparating sa gawi nya.

It was a dart pin na bumaon ng kaunti sa dingding matapos niyang maiwasan.

“Wow… I didn't know na pwede palang atakihin na lang basta ang informant dito.” Sarkastikong sabi ni Stellar kahit na ang totoo ay hindi naman sya ganoon mapupuruhan dahil hindi naman buong pwersa pagkakabato non kundi parang may tinitest lang.

Mula sa sulok ay may lalaking lumabas.

“What’s the meaning of this agent Austin?” Victor asked in a dead serious tone to the man na isa sa best agent nila.

“Just wanna see kung gaano nga ba kabilis umiwas ang tinagurian na pinakamailap na mamamatay tao.” Sabay lingon kay Stellar.

“You're senses are phenomenal. Ikaw nga ata talaga si ‘Fate’..” May papuri na halong pagdudang sabi pa nito.

Stellar smirked at hindi na ito pinansin dahil nauna na syang maglakad.

Victor gave a warning gaze to agent Austin bago nagpatiuna na kay Stellar.

The two entered sa isang kwarto at sa loob ay may dalawa pang taong nag aantay. Sa tikas ng mga pangangatawan ay dama ni Stellar na hindi sila basta-basta lang.

“Take a seat.” Malalim na boses na utos ng isa.

Tumango si Victor sa kanya kaya nag lakad na sya papunta sa upuan. Bago umupo ay nilibot nya muna ang tingin sa kabuuan ng kwarto. The room is really plain na may kulay puting pintura at nakakasilaw na ilaw. Sa gitna ay may lamesa, upuan na naka bolt pa sa sahig para siguraduhing hindi magagalaw para magamit pang ataki.

Napadako tingin nya sa sulok dahil may mga CCTV’s rin sa bawat sulok and behind the investigators ay ang malaking salamin. Even without seeing anything unusual ay dama ni Stellar na maraming tao na nandoon sa likod non. Tinatayang nasa kwarenta mahigit rin iyon na nakamasid lang sa kanya at base sa naririnig nya ay mga nagtitipa ang karamihan doon.

‘Hackers? Who knows and who cares..’ Yun na lang nasabi ni Stellar sa isip nya.

“Fate…” Tawag pansin ni Victor dahil nakatayo pa rin ito.

She sighed at umupo na. Gaya nga ng sabi ni Victor ay nanatili lang ito sa tabi para makinig, na hindi na nagawang tutulan ng mga private investigator mula and besides na briefing na rin naman sya ni Victor sa maaaring gawin o itanong para huwag syang kabahan kung sakali.

Mafia's Dangerous Obsession (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon