Chapter 25 (S3)

224 6 0
                                    

☣Chapter 25☣

※Third Person’s POV※

Stellar is holding a phone firmly na inabot sa kanya ng bantay na pinabibigay raw ni Victor just in case na may gusto raw siyang sabihin sa mga ito. She doesn’t have any plan to say anything dahil baka mas gustuhin niya pang siya na ang sumugod roon. Pero dahil nabanggit na naman ang anak niya pati na kahibangan ni Elise na may utang na loob siya rito ay hindi na siya nakapag-timpi pa habang nanunuod sa screen.

“Huwag mo akong sumbatan sa mga ginawa mo lalo na sa anak ko Elise dahil una sa lahat, ikaw ang sapilitang gumagawa non.”

“Pangalawa, huwag mo rin ipagmamalaki na tinanggap mo ako sa pamilya nyo gayong pasimple mong nilalason ang pagkain ko.”

Napalingon si Drake sa ina niya. Napaatras si Elise sa anak dahil nakadama siya ng takot ng salubungin niya ang mga tingin nito.

“Third, my son…” Stellar paused, “Drake De Silva received the info mula kay Stephan patungkol sa pagkakaroon ng anak ni Fate. He was stupid to not realize anything... he can't even see na ako at si Fate na pinaghahanap niya ay iisa lang dahil ganyan kabobo anak mo.”

Medyo natawa sila Renee dahil doon na kinadilim lalo ng ekspresyon ni Drake.

Agad na pinahid ni Stellar ang luha niya na kusang bumagsak at dama nya pangangatog ng kamay niya sa galit.

“Dahil sa inyo, dahil sa kabobohan nyong mag-ina ay pati ang inosenteng anak ko nadamay na pinatay na lang basta ng mga tauhan nyo. Ang anak kong anak namin ni Darius De Silva….” Pagbubunyag ni Stellar.

Nabigla ang mag-ina. “P-Patay na s-si Lucas a-at anak siya ni Darius?!” Halos manghina at halos matumba na sabi ni Elise na kina-alalay ni Drake sa ina.

Bumagsak ang mga luha ni Elise, natulala habang inaalala ang bata. She really didn't know that the child they treated as a family is really carrying De Silva’s blood at ngayo’y patay na pala, ni wala silang alam.

“Stell…” Mahinang tawag naman ni Drake, pakiramdam niya ay tumigil rin ang bawat paghinga niya dahil sa nalaman sa kinahinatnan ni Lucas. Hindi niya malaman kung ano ba ang dapat niyang sabihin.

Napapikit na lang si Drake habang yakap ang kanyang ina na umiiyak. Sa isip ni Elise, sinisisi niya ng lubos ang sarili dahil nagkamali siya sa utos ng gabing iyon, na patayin ang sino man na nasa mansyon matapos nilang tumakas ng kanyang anak. She forgot that the child was left behind dahil sa nagkakagulo na nung gabing iyon.

“It's kinda funny to think that I almost give my heart to a psychopath like you Drake De Silva.” Muling pinahid ni Stellar ang luha niya habang nakatitig sa footage nila Drake.

“I almost thought na sayo ko makukuha ang pagmamahal, atensyon, lalong-lalo na ang proteksyon na kailangan ko, naming mag-ina.”

“I was wrong… you're worst… you're the worst person I ever met that how I wish I could torture you bit by bit in the most painful way kasama yang ina mo sa pagdamay niyo sa anak ko kaya pwede ba, alang-ala na lang kay Lucas, pwede bang mamatay na kayong mag-ina at huwag ng manlaban pa? Kayong tatlo na sumira sa buhay ko, pwede bang kahit sa paglunod man lang hayaan nyong pag bayaran ang mga nagawa nyo sa'kin? Samin ng anak ko?” Tanong ni Stellar habang panay lang ang pagbagsak ng luha niya dahil sa galit.

Rinig nila ang mahinang paghikbi ni Stellar sa kabilang linya maski ang malalalim na paghinga nito.

Lumamlam ang mga mata ni Drake. Dama niya ang matinding kirot sa dibdib niya, mahirap man aminin ay ayaw niyang marinig iyon kahit noon pa.

Mafia's Dangerous Obsession (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon