Chapter 12 (S3)

85 2 0
                                    

🔝🔝🔝Renee Gibson🔝🔝🔝

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

🔝🔝🔝Renee Gibson🔝🔝🔝

☣Chapter 12☣

※Renee Gibson’s POV※

“Stell! Stellar!” Natatarantang tawag ng ginang kaya agad kaming napatakbo palapit ni Crisha dahil nawalan nalang bigla ng malay si Stellar.

I let Crisha check her pulse. “Let’s take her to the hospital, her pulse… hindi maganda tibok ng puso nya.” Sabi nya at agad naman na napakilos kuya ni Vanessa at ito na nag prisinta na buhatin si Stell na inalalayan naman namin.

We excused ourselves at nag paalam naman kuya ni Van sa asawa nya na nag aalala rin kay Stell lalo na mga magulang ni Van. Seeing how they quickly react and the expression in their eyes I could see how important Stell is to them na para bang pamilya na talaga sya.

It didn’t take long na madala si Stellar sa hospital at kami na rin ni Crisha ang mga doctor na nag asikaso. We took some test and do some physical checking to make sure na everything is okay kahit na alam naman naming emotionally yung problema na ngayon kay Stellar.

I administered an injection to her, something that can calm her nerves and help her to sleep for a while para pansamantala na kumalma bawat pag tibok ng puso nya. Her heart might suffer more and lead to cardiac arrest if that happened.

“How is she?” Victor asked na pinapasok na namin sa kwarto.

Crisha can't talk right now dahil emosyonal pa rin sya dahil kay Stell kaya nag excuse na muna. I ended up the one talking to him and told him na kailangan ni Stellar ng maayos na pahinga muna, that we need to make sure that her heart stabilize bago sya mai discharge. Nakahinga sya kahit paano pero kita pa rin ang pag aalala. His eyes shows a deep care, hindi lang naman sya kundi buong pamilya nila.

Nag paalam muna ito at agad tinawagan pamilya nya to tell them the news. When he get back ay nag paalam naman muna sya saglit dahil kailangan pa raw sya sa lamay para kausapin ibang mga bisita lalo na’t naiwan rin buntis na asawa niyang nandoon pati anak nya.

“Mr.McKenzie..” I called politely bago pa sya tuluyang makalabas.

Napalingon sya and gave me a questioning look.

“Thank you for loving and caring for Stellar, kayo ng pamilya mo, you didn't blame her on anything dahil alam kong alam nyo naman kung sino talaga si Stell. Knowing the fact that her hands are already tainted with blood, you guys didn't mistreat her.” I said with sincerity.

He smiled halfway. “Why would we do that to the person that my sister chose?” He answered then continued, “She is someone Vanessa only loves till her very last breath… Siya man si ‘Fate’ o hindi, me and my family knows na kahit wala siya ay nasa panganib na noon pa mga buhay namin so why would be blame her and besides..” He paused again at tumitig naman kay Stellar. “She’s been protecting Vanessa even before, I know how much she loves and treasured my sister and because of that, I already think of her like little sister too. She's a loving second daughter sa mga magulang ko, malambing na in-law ng asawa ko, mapagmahal na tita ng anak ko and I think she is also a perfect pair sa kapatid ko, their genders doesn’t matter to us dahil mas mahalaga kung paano nya binago kapatid ko, tinuruan nyang magmahal ng totoo at sobra si Van hanggang sa huling sandali nito.” Sabi nya at baling muli ng tingin sakin. His eyes showed sadness, he's strong in concealing it.

Mafia's Dangerous Obsession (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon