Chapter 23 (S3)

98 4 0
                                    

☣Chapter 23☣

※Third Person’s POV※

***
Before reading, reminder that this is only work of fiction.

Wala po kong alam sa aviation lalo na sa mga ganitong eksena dahil tamad akong manuod ng movies. As in wala akong tinatapos na panuorin na movies kundi hapyaw sabay tulog dahil ganoon ako katamad, ending agad pinapanuod ko madalas🤣.. 

Again, This is just from my pure imagination so please bear with this flow. (Pinagsisisihan ko na to bat nag sali ako ng ganitong scene wala naman akong alam sa jetplane na yan kaso wala eh... Bahala na talaga.) 🤧 wag nyo po kong i bash jusme dugo na utak ko.

*****
Now begin reading 🍿🍿🍿

⬇⬇⬇⬇

The roaring sound of Jet Engines will be heard from miles away. Tens, almost hundreds of jets are already aligning to leave the runway any minute now at tanging inaantay na lang ay ang go signal.

“Ehem, ehem…Darkian, Kian ma friend can you hear us?” Rinig na tanong kay Darkian mula sa suot nyang headphones.

“Ano na naman ba yon Renee?” Tinatamad na tanong ni Darkian habang siniset ang sinasakyan nya. Sa katunayan ay hindi naman sya kabilang dito pero dahil na hacked na ni Renee ang isang fighter jet pati na rin ang system ay madali na syang naka salisi, nag panggap na isang private pilot na pinadala rin rito.

“Umayos ka sa pagpapalipad Darkian kundi bibinggo talaga tayo. Imbes na bumaba yung mga kaso natin mayayari talaga tayo lalo nako.” Paalala ni Renee rito.

Tinakot nya kasi ito na kapag hindi nito nagawan ng paraan na makasali sya sa misyon na pasabugin ang isla ay sisiguraduhin nyang bungo nila ni Crisha pasasabugin nya. Renee doesn’t have a choice kundi ang gawin ang lahat para mahack ang system na successfully naman nitong nagawa. He told them that he will escape sa oras na alam nyang burado na nga talaga sa mapa ang buong lugar na yon kasama ang mga tao na nandoon para may magawa man lang sya para kay Stellar na nasa custody na ng CIA.

“Oyy Darkian, pinanood mo naman siguro yung briefing routine ng pagpapalipad nila diba? Pang huli ka lagi sa mga jets tandaan mo.” Rinig nyang paalala naman ni Crisha pero hindi na sya sumagot.

“I want clear air today. I don't wanna hear any blind calls up there, do you guys read me?” Rinig niyang tanong ng commander na nasa kabilang jet plane lang.

“Roger that.” Sagot ng mga nandito pati na sya para mas maging kapanipaniwala pagpapanggap nya.

Nadama ni Darkian na napalingon pa ito sa gawi nya kaya medyo nag iwas sya ng tingin at nag panggap na busy sa ginagawa sa mga controls. He can't let anyone notice na hindi naman talaga sya kabilang dito.

On the other hand, Darkian knows how to operate this plane dahil sinanay na rin siya noon na paliparin ito. Hindi lang sya ang nag aral para doon kundi maski si Stephan. This is one those things they studied ng mawala sila ng limang taon para mag ensayo dahil nabuo na rin ng sariling army ang mafia.

“Darkian be ready.” Rinig nyang sabi ni Renee.

“By the way, that jetfighter you got has a hidden camera gaya ng request mo so makikita ka ni my loves mo once na lumipad na kayo pati mga pagpapaka johnny rambo mo.” Sabi ni Renee.

“Hahaha good luck huwag ka muna mag pakamatay.” Rinig niyang natatawang sabi naman ni Crisha.

Medyo napangisi sya dahil doon kasabay ng mas matibay na loob na ipakita kakayahan nya kay Stellar kaya sisiguraduhin nyang hindi sya mamamatay.

Mafia's Dangerous Obsession (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon