Kabanata 8

218K 5.1K 5.1K
                                    

Kabanata 8

Fight

"She's not fighting anyone."

Gusto kong umangal dahil sabik na sabik na akong maigalaw ang mga buto ko, pero naisip ko rin na hindi pa ngayon ang tamang oras upang masaksihan n'ya ang kakayahan ko.

Kaso ay sawa na rin akong magpanggap.

"She's just going to be a burden to you, Dos. You'll have to look out for her? Protect her?"

"Loser, I wonder what you see in her? An undefeated man like you should have a strong woman."

"What a shame, Dos. She don't belong here. We don't need a cry baby."

They mocked me. Some women giggled and gossip in their own dialect. Hindi ko sila maintindihan.

Cry baby? Nakakainis. Pakiramdam ko ay pinapahiya ko sa Diablos. Ano namang pakialam ko, 'di ba? Pero 'yong pride ko, inaapakan. Hindi puwede 'yon.

Lumilipad ang malulutong na mga mura sa isip ko. Hindi pa ako kailanman nakakaranas ng ganito. They're bullying me. I have to stand for myself.

Humihpit na lamang ang pagkakayakap ko kay Diablos sa pagpipigil at pagtitimpi. Deciding in the middle of scorching rage would only make things worse. My mind is poisoned by the strong emotion for it to be incapable in opting for the practical choice.

For now, cooling down, is the best thing I could do for myself.

"Disrespecting her is disrespecting me," Diablos glowered at his people. "Punish those who badmouthed my doña."

"N-No, Diablos. Calm down. It's okay. Balik na tayo, please? Ayaw ko rito. I'm sleepy. Alis na tayo," pagpapaawa ko nang sa gano'n ay mas iisipin n'yang inosente ako.

The heated tension between the don and his people was giving me the urge to prove them wrong without Diablos witnessing me do it.

I needed to make them fear me.

Marahan kong hinila si Diablos patungo sa kaniyang mamahaling kotse bago pa man ako maubusan ng pasensya rito. Nagpatianod ito sa akin hanggang sa kusa na s'yang naglalakad at pinapapasok ako sa loob ng front passenger's seat.

"How did she do that? She just fucking calmed him?"

"None of the Ruano sisters ever done that when they tried."

"She damn tamed the untamable. This can't be happening."

Iyon ang huli kong narinig na bulungan bago sinara ni Diablos ang pinto ng kotse at umikot para pumasok sa driver's seat.

Pinahinaan ko iyong lakas ng pagbuga nitong air-conditioning ng kotse, nang sa gano'n ay hindi s'ya magkasakit. Pawis pa nga ito, at baka ay malamigan.

Bumalik kami sa kaniyang mansiyon. Hinatid n'ya ako kaagad sa silid ko. Pareho kaming tahimik, at inakala ko ay papakalmahin n'ya muna ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng nakasanayan n'yang gawin sa akin.

I got dismayed when he left, handling his own fury.

How would he calm himself? Take his medication that their family doctor provided him?

Natulog ako matapos mag-isip ng malalim kung paano ko makuha ang loob ng kaniyang mga tao. Akala ko gano'n lang kadali ang maging mistress ng isang don. Hindi pala. Kailangan ko pang suyuin ang mga tao n'ya.

Paano na lamang sa La Cosa Nostra? Kailangan ko rin bang ipakita sa mga miyembro ang kakayahan ko bago ako maging madam?

"Ano'ng ginagawa mo? Ang kalat! Taga-ayos ako rito tapos ikaw naman taga-kalat! Hindi porket nagpapanggap ako bilang personal maid mo ay aabusuhin mo na ako!" reklamo ni Yuna at binabalik ang mga gamit na kumalat dito sa silid ko.

Abused Diablos (Sartori #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon